Hindi akalain ni Jesse na makitang muli ang mismong lalaking muntik nang dahilan para masagasaan siya kanina. Mukhang malapit ito kay Drew sa kanyang obserbasyon. Siguro nga good buddies pa. Nakikita niyang magkausap ang mga ito nang masinsinan. Tuloy ay nakumpara niya ang mga ito nang hindi sadya. Mas guwapo talaga ang lalaking iyon kaysa boss niyang may pamilya na. “Ninong Trevor ko.” Narinig niyang pabulong na sabi ni Cody kay Chester pero malakas naman. Napabaling siya sa dalawang bata. Napatingin ang mga ito sa kanya nang may malapad na ngisi. “Mommy, laro na kami ulit ni Cody, ha?” pagpaalam ng anak. Tumango siya rito. At habang nagtatrabaho siya ay nagnakaw siya ng mga sulyap sa dalawang lalaking nag-uusap. Medyo masinsinan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil seryoso ang mukha