“So, what else happened?” kuryusong tanong ni Lena nang magkita silang magkaibigan isang Sabado nang binisita niya sa apartment nitong binili ng tita nitong OB-GYN niya noon. “Kay Sloan? Alam mo na ‘yon. Hindi pa rin ako tinatantanan sa panliligaw niya sa ‘kin ulit,” nakasimangot na tungon niya. Kasalukuyang nasa living room sila nakaupo sa may mahabang sofa na kulay itim. Masinop ang paligid at iilan lang ang dekorasyon. Medyo panlalaki kasi ang taste ni Lena. Parang tibo ito pero hindi naman. Alam niya iyon. Napatawa nang marahan ang kaibigan. Na-e-excite ito para sa kanya at sa posibleng mangyayari na sasagutin niya ulit ang ex niya. Nagkahiwalay lang naman sila noon nang dahil sa isang misunderstanding. Well, at least iyon ang pinaniwala sa kanya ni Sloan. Hindi nito girlfriend ang