ALIGAGANG nag-ayos ng sarili si Mari upang maghanda dahil ngayon siya muling mamimili ng mga kakailanganin sa kanyang apartment. Isang buwan na ang lumipas ng huli siyang lumabas sa madilim na silid na iyon at ngayong ubos na ang supply niya ng pagkain ay mapipilitan na naman siyang lumabas.
Takot siya sa mga tao pero dahil nag-iisa ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ng paunti unti ang kanyang takot. Kahit anong gawing dasal ay wala siyang nagiging karamay kaya ang sarili nalang niya ang tanging masasandalan.
Nang masigurong komportable na siya sa suot na damit ay ilang ulit muna siyang humugot ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng maliit niyang apartment. Tulad ng nakasanayan ay makulimlim na ng tingalain niya ang kalangitan.
Walang katao tao sa hallway ng dalawang palapag na paupahan ng land lady niya na siyang ipinagpasalamat niya. Maliliit man ang mga kwarto ay ayos lang dahil ang lugar ay hindi tulad ng sa skwater na maraming mga tao at magugulo. Tahimik at minsanan rin lang na umuwi o umalis ang mga boarders, lugar na tamang tama para sa kanyang pag-iisa.
Nagsimula siyang humakbang paalis at nagtungo sa kanyang destinasyon. Nilalakad niya lamang ang daan mula sa kanyang apartment patungo sa palengke dahil kahit mga taxi driver ay hindi niya magawang pagkatiwalaan. Dala ang basket ay palinga linga siya sa paligid habang mahigpit ang pagkakahawak sa balabal na nakatakip sa kanyang ulo.
Natigilan siya sa paglalakad at napatingin sa babaeng nakasuot ng purong puti at nakangiting may katawag sa cellphone nitong hawak. Hindi niya mapigilan ang pagkirot ng kanyang dibdib habang puno ng inggit na pinagmamasdan ang nurse uniform nito. Noon iyon ang suot niya kapag lumalabas sa kanyang apartment, tulad nito ay palagi rin siyang masayang nakangiti at positibo ang pananaw sa buhay ngunit ibang iba na ngayon ang kanyang sitwasyon.
Bago pa man tuluyang maluha ay nag-iwas na siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya makakayang maging nurse ngayon sa kanyang kalagayan, hindi na niya kayang umalalay sa panggagamot dahil mismo ang sarili niya ay hindi niya kayang gamutin.
"Iyong dati pa rin ba, Mari?" Masuyo ang ngiti ni Aling Maing ang tindera ng mga isda at gulay na palagi niyang binibilhan. Suki siya nito kaya't alam nito ang palagi niyang binibili.
Pinilit niyang ngitian ang ale at tumango. "Pasosobrahan kita nitong mga kamatis at sibuyas para marami ang mailagay mo sa iyong tinola mamaya, sakto at mga bagong bagsak ito at sariwang sariwa."
Tulad nang nakasanayan niya ay tahimik lamang siyang nakikinig sa mga kwento nito, likas na makwento ito kaya't kahit papaano ay naaaliw siya.
"May bagong bagsak rin na ampalaya, isasama ko na rin ba?"
"Oho," tanging sagot niya.
"Lagi kang mag-iingat ineng, ha?At lagi kang maging malakas," payo nito.
Nang maiabot sa kanyang ang lahat ng kanyang pinamili ay nagpasalamat siya at agad na nilisan ang lugar.
Ang sunod niyang destinasyon ay ang malaking sari-sari store na nasa tapat ng palengke ngunit agad siyang lumihis at dire-diretsong naglakad nang mapansin niya ang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Ramdam na niya ang tingin ng mga ito kanina n'ong kausap niya si Aleng Maing at ngayon ay sinusundan na siya.
Nanginginig ang kamay na hinigpitan niya ang pagkakahawak sa basket dahil sa labis labis na kabang bumubundol sa kanyang dibdib. Mas lalo niyang nilakihan ang mga hakbang at halos mapatili siya sa takot nang malingunan niyang malapit na ang mga ito sa kanya.
Madilim na at kakaunti lamang ang mga taong makikita sa daan at kahit sumigaw siya ay alam niyang walang sasaklulo sa kanya tulad noon.
"Wag niyo po akong pabayaan," usal niya sa itaas.
Ang kanyang malalaking hakbang ay naging takbo nang halos tatlong dipa na lamang ang layo ng mga ito sa kanya. Mas lalo siyang natakot nang simula siya nitong habulin. Doon niya nakompirmang siya nga ang pakay ng mga ito.
Binilisan niya ang takbo at hindi na inalala ang kanyang dala na halos magkalat na sa daan. Itinali niya ng maigi ang balabal sa ulo at naglinga linga sa paligid kung saan siya pwedeng tumago.
"Hinding hindi na ako pagpapahuli sa kahit na sino, wala ng makakapanakit sa'kin," nagtatagis ang kanyang bagang sa sobrang galit at kaba. Kung noon ay wala siyang naging lakas ng loob upang kumawala sa mga nambaboy sa kanya ngayon ay gagawin niya ang lahat upang matakasan ang mga pangahas.
Lumiko siya sa kaliwang kalsada na taliwas sa daan patungo sa kanyang apartment. Nilingon niya ang mga ito at hinahabol pa rin siya. Napahinto siya nang makita ang isang red Ford na nakaparada sa tapat ng isang grocery store, bukas ang passenger seat.
Nagmamadali siyang lumapit doon at tahimik na nagpasalamat nang mabuksan din ang backseat niyon. Mabilis siyang pumasok at nagsumiksik sa ilalim ng upuan nito. Pinagkasya niya ang maliit na katawan upang itago sa mga humahabol sa kanya.
"I'm done buying my stuffs, hindi ko na dinamihan dahil diyan nalang ako bibili," dinig niya ang baritonong boses bago bumukas ang driver's seat. "I'm on my way Nixy so stop bothering me. Don't act like a pussy." Tumawa ito at syaka niya narinig ang pagsara ng pinto ng sasakyan.
Akala niya ay may kasama ito ngunit wala na siyang ibang narinig na sumakay. Katawag siguro. Aniya sa isipan.
Hindi na niya alam kung saan na napunta ang mga humahabol sa kanya ngunit nagpapasalamat siya at natakasan niya ang mga ito. Lagi niyang itinatanong sa isipan kung bakit napakamalas niya, lapitin siya ng kapahamakan at mga kriminal.
"Ready for a long drive," dinig na naman niyang pagsasalita ng may-ari ng sasakyan. Humugot pa ito ng malalim na hininga. Ilang segundo lang ang lumipas ay binuhay na nito ang makina.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil hindi niya alam kung saan ang tungo nito ngunit basi sa kanyang pandinig ay malayo ang rota nito dahil sa mahabang biyaheng tinutukoy nito.
Kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon ngunit mas nabawasan na iyon kaysa sa kabang naramdaman niya kanina nang hinahabol siya ng dalawang lalaki.
Kayo na ho ang bahala sa akin, Panginoon, taimtim niyang dalangin.
Siguro'y kapag nakarating na ito sa destinasyon nito ay syaka siya bababa at uuwi sa kanyang apartment. Ayaw niyang lumabas sa kanyang pinagtataguan dahil mali ang pagpasok niya sa sasakyan ng walang permiso at isa pa'y ikinakatakot niya dahil lalaki ito.
Nakabantay lamang siya sa bawat kaluskos at ingay sa paligid habang pinapakalma ang sarili. Hanggang sa lumalim ang gabi na hindi pa rin tumitigil ang sasakyan, hanggang sa gupuin siya ng antok at makatulog.
KUMUNOT ang noo ni Seventh habang pinagmamasdan ang babaeng ngayon ay natutulog sa ilalim ng upuan sa backseat ng kanyang sasakyan. Balak niyang kunin ang mga gamit sa likod at napansin niya ang itim na telang naroroon na siyang kasuotan pala nito.
Pinagmasdan niyang mabuti ang babae at hinintay na magising ito. Hinawakan niya at pulso nito at nakahinga ng maluwag dahil normal ang pulse nito.
"A-Anong gi-ginagawa mo?" Nanlalaki ang mga matang mabilis nitong inagaw ang kamay na agad na nanginig. Nabakasan agad ng takot ang mga mata nito.
Ibinalik niya ang kamay sa bulsa ng suot na pantalon at masuyong ngumiti dito. Hindi tama ang pagpasok nito sa kanyang sasakyan ngunit ayaw niya ring maging bastos dito.
"Sorry to disturb your sleep but can you get out of my car? Mahihirapan ka diyan sa pwesto mo at sasakit ang katawan mo," aniya.
Nakatitig lamang ito sa kanya at ramdam niya ang takot nito. "Wag kang matakot sa'kin. I won't harm you, you can rest in my house if you want to continue sleeping."
Agad itong bumangon at nagmamadaling bumaba. Nauntog pa ito sa pintuan ng sasakyan sa sobrang pagmamadaling makalayo sa kanya. "Uuwi na ako, pasensya na sa pagpasok ko sa sasakyan mo ng walang paalam," aligagang sagot nito. Hindi rin maipirme ang mga mata nito at nanginginig pa rin ang mga daliri.
Hindi niya napigilang titigan ang kabuohan nito at ang emosyon ng mukha. Alam niyang hindi lamang iyon normal na takot dahil sa nahuli niya itong natutulog sa sasakyan niya.
Hinawakan niya ang balikat nito upang pigilan sa pag-alis ngunit pumiksi ito na tila natatakot. "Wag niyo po akong saktan, hindi ko ho gustong pumasok sa sasakyan niyo nagipit lang ho ako dahil sa mga humahabol sa'kin."
Sinikap ni Syete na hindi na magtanong pa ng ikakatakot nito. "Walang problema, wag mo nang alalahanin 'yon. Saan ka nakatira, ihahatid na kita?" Alok niya na mabilis nitong inilingan.
"Kaya ko na hong umuwi mag-isa."
I doubt it. Gusto niyang isagot ngunit mas pinili niyang tumango. Sa estado ng mapanginginig ng mga daliri nito, takot na mga mata at aligagang mga kilos ay alam niyang may mali dito. He's a psychiatrist and he mastered his profession. He can easily tell if someone is doing fine or not.
"You sure?"
Ilang ulit itong tumango. "Saan ho ba ang lugar na 'to?" Mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa balabal na nasa ulo. At niyakap ang sarili, alam niyang nilalamig ito.
"Baguio City."
Nanlaki ang mga mata nito. "Napakalayo."
"Yes, kung sa Manila ka talagang malayo pa."
"Uuwi pa rin ako," she claimed. Kinapa nito ang bulsa mula sa suot na saya na hanggang sakong at natigilan. Napatingin ito sa kanya at hinawi siya upang makabalik sa backseat ng kanyang sasakyan. May hinahanap ito at hindi mapakali.
"Anong problema?" Hindi niya mapigilang itanong. Akmang lalapit siya rito ngunit tumili ito kaya muli siyang lumayo.
Gulo gulo ang buhok nito nang muling tumingin sa kanya at naluluha. "Nawawala ang wallet ko." Kinagat kagat nito ang daliri at paulit ulit na naglakad sa kanyang harapan. "Kailangan kong umuwi, kailangan kong umuwi," paulit ulit nitong bulong.
Nakatitig lamang siya sa dalaga at biglang pumasok sa kanyang isipan ang babaeng muntik na niyang mabundol noong nakaraang buwan. Noon ay binabalak niya pa lamang na magbakasyon at ngayon nga ang pagpunta niya sa Baguio, na medyo na extend ng isang linggo dahil sa hectic niyang schedule sa Manila.
"Ihahatid na kita," prisenta niya. Pambawi manlang sa muntik na niyang pagkabangga dito.
Umiling ito. "Ayoko."
"Wag kang matakot sa'kin."
"Pare-pareho kayong mga lalaki. Wag kang lalapit," biglang sigaw nito.
He used to it so he smiled and nodded. "I just wan't to help you."
"Hindi ko kailangan ang tulong mo," asik nito.
He shrugged. "Ikaw ang bahala pero paano ka uuwi?"
Natahimik ito at kinagat ang ibabang labi. Sa malayo ang tingin nito at halatang hindi nga ito papayag na ihatid niya. "Ihahatid kita pero hindi ko pa iyon magagawa sa ngayon dahil marami akong dapat ayusin dito. You can stay in my house for awhile."
"No," madiing sagot nito. "Lalaki ka," she continued as if it is the answer for everything.
"I understand."
"Seventh, pinsan," sabay silang napalingon sa sumigaw. Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pag-igtad nito sa sobrang gulat. Nanginig na naman ang mga daliri nito.
He don't know why but looking at her shivering fingers and anxious face make him feel of wanting to protect her. May kung anong kudlit sa dibdib niya at nais itong pakalmahin sa kung anumang nagpapabalisa dito.
"You are finally here," yumakap nang mahigpit sa kanya si Nixy at napatingin sa dalaga. "And oh, you brought a chick?"
Naiiling siya pabirong sinuntok ang balikat nito. "She's not."
"What's your name, miss?" Inilahad nito ang kamay ngunit umatras lamang ang babae. Nagpumilit ang kanyang pinsan na lapitan ito kaya't halos maiyak na ang dalaga.
"Stop it, Nix," saway niya. "Kunin mo na ang mga gamit ko."
"Gusto ko lang namang magpakilala," pinilit nitong hawakan ang kamay ng babae. Napamura ito nang biglang mahimatay ang babae na naagapan niyang saluhin.
"Something is wrong with her," naibulong niya. Binuhat niya ito at sa liit ng katawan ni Mari ay madali niya itong naipasok sa kanyang bahay.
He's staring at her innocent face. Hindi niya mapigilan ang awa para dito dahil kahit na wala na itong malay ay bakas pa rin ang walang katahimikan sa pag-iisip nito. He wanted to protect her.
Gusto niyang alisin ang takot sa mga tingin nito at ang pagkaaligaga kapag linalapitan niya ito.