NAGMAMADALING inilagay ni Mari ang kanyang mga pinamili sa munti niyang mesa at mabilis na inilock ang pinto ng kanya apartment. May pagmamadali sa bawat galaw niya habang hinuhubad ang mga kasuotan. Nang masigurong wala na siyang damit ni isa sa katawan ay dali dali siyang humiga sa kutson at binalot ang katawan ng makapal na kumot.
May naramdaman siyang bahagyang pagkirot ng kanyang tuhod ngunit hindi niya iyon pinansin. Marahil ay galos iyon ng muntik na siyang masagasaan kanina ng isang magarang sasakyan ng papunta siya sa palengke para bumili ng makakain para sa loob ng isang buwan.
Punong puno ng pawis ang buong mukha dahil sa pag-iwas sa mga taong nakakasalubong lalo na kung mga lalaki iyon. Ilang ulit siyang humugot ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili.
"Hindi ka dapat matakot Mari, wala na sila. Ikaw nalang ang mag-isa." Pagkausap niya sa sarili upang ng sa gayon ay maibsan ang matinding takot sa kanyang sistema.
Sanay na siya sa ganitong mga pagkakataon ng kanyang buhay sa loob ng isang taon ngunit hindi siya masanay sanay sa takot na nararamdaman. Sa bawat paglabas niya ng bahay upang bilhin ang mga kailangan ay palagi niyang nararanasan ang ganito.
Lumipas ang kalahating oras bago niya tuluyang napakalma ang sarili. Nang maging maayos ay agad siyang bumangon at inilabas ang mga pagkaing pinamili. Inayos niya ang mga ito sa ibabaw ng mesa at ang iba ay inilagay sa maliit niyang ref na nasa pinakasulok ng silid.
Napatili siya at bahagyang napatalon ng makarinig ng sunod sunod na katok na nagmumula sa pinto. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay at ang malakas na t***k ng kanyang puso. Kinuha niya ang makapal nakumot at ibinalot iyon sa katawan bago lakas loob na nagtungo sa pintuan upang tingnan kung sino ang kumatok.
Dahan dahan niyang hinawakan ang siradura, nagbilang siya ng tatlong beses bago iyon pikit matang binuksan. Iminulat niya ang mga mata ngunit walang tao kaya napatingin siya sa sahid at tulad ng halos nakasanayan na niya ay may nakita siyang envelop na kulay brown. May pagmamadali niya iyong pinulot at muli ring isinarado ang pinto. Sampung lock ang meron siya sa silid maliban sa doorknob dahil hindi siya mapapakali kong hindi niya siguro ang kapakanan.
"Katapusan ngayon ng buwan kaya pinadala na naman niya ito." Tugon niya. Sanay na sanay na siyang kausap ang sarili dahil sa loob ng ilang taon nang magbago bigla ang takbo ng kanyang buhay ay wala na siyang ibang taong kinausap. Mailap na mailap siya sa tao.
Binuksan niya ang envelop at hindi na siya nagulat nang tumambad sa kanya ang libo libong salapi na laman niyon. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng malaking halaga sa kung sino mang taong ni aninu hindi niya nakita, bawat katapusan ng buwan ay may kumakatok sa kanyang pinto at mag-iiwan nito.
Noong una ay hindi niya iyon tinanggap, ilang beses niyang tinanggihan ngunit ng magipit dahil wala siyang ibang mapagkukunan ng pagkain at pangtustos sa pangangailangan ay napilitan siyang gamitin ang pera. Wala siyang trabaho at iyon na ang bumubuhay sa kanya sa loob ng isang taong pamamalagi sa syudad.
Always take care of yourself. I'm just here to protect you. Be strong, we will see each other in a right time.
Pagbasa niya sa sulat na siyang kasama ng mga pera sa loob ng envelop. Bakit niya pa nga ba binasa kung sa bawat pagbigay nito ay iyon at iyon pa rin ang mensaheng nakasulat.
We will see each other in a right time? Kailan ang oras na iyon? Kapag tuluyan na siyang nabaliw? Kapag patay na siya?
Sino ito? Bakit mukhang kilalang kilala siya ng taong nasa likod nito? Noong una akala niya nagkamali lang ng apartment na pinadalhan ang taong iyon ngunit ng ilang beses na maulit ay napagtanto niyang para sa kanya iyon.
Mapait siyang napangiti ng muling pasadahan ng tingin ang sulat.
I'm just here to protect you. Sana noon pa, kung sino ka man sana noon mo pa ako prenotektahan para wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Sana iniligtas mo ako. Sana hindi mo hinayaang mababoy ang buong pagkatao ko. Aniya.
Namilisbis ang kanyang mga luha habang niyayakap ang sarili. Hanggang sa ang tahimik na pag-iyak ay nauwi sa malakas na hagulhol. Kahit pilitin niya ang sarili na kalimutan ang lahat ay hindi iyon magawa ng kanyang isipan. Kahit anong pilit niya sa sarili na alisin ang galit sa kalooban at magpatawad ay hindi niya kaya.
Nakamarka na sa kanyang pagkatao at kaluluwa ang ginawa ng hayop na 'yon. Nakakasawa na ang routine ng kanyang araw araw na buhay, iyak, takot, galit, at kaguluhan ng isip. Iyon lamang ang paulit ulit niyang nararamdaman.
"Kahit na nakakasawa na hindi ako pwedeng sumuko, dapat kayanin ko ang lahat ng ito." Payo niya sa sarili.
"Noong nagmakaawa akong patayin niya nalang ay hindi niya ginawa, binuhay niya ako para unti unti akong mamatay dahil sa pag-iisip ng ginawa niyang kademonyohan. Pero sa araw na 'yon mismo ipinangako ko sa sarili ko na darating ang araw na magkikita ulit kami at gaganti ako sa kanya. Ipapakita kong nagtagumpay man siyang sirain ang pagkatao ko pero hindi ang buong buhay ko." Sa kabila ng takot na lumulukob sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang galit niya sa tuwing naaalala ang nakaraan.
Mas lalong lumakas ang kanyang paghikbi ng muling makarinig ng malalakas na katok. Tinakpan niya ang magkabilang tenga dahil sa nakakarinding ingay na likha nito. Ayaw na ayaw niya ng kahit anong ingay dahil awtomatiko ang pangambang lumulukob sa kanya.
"Hoy, Mari lumabas ka diyan. Aba'y dalawang buwan ka ng walang bayad sa renta!" Dinig niya ang sigaw na nagmumula sa labas. Tinig iyon ng landlady niya.
Kumuha siya ng sampung libo sa perang ibinigay sa kanya at ipinasok iyon sa butas na nasa ilalim ng pintuan. Itinulak niya iyon palabas gamit ang mga daliri. Nang masigurong makikita na iyon ng matanda ay muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa kutso at muling niyakap ang sarili.
Laking pasalamat niya ng sa wakas ay wala ng naging ingay sa labas. Kahit sandali ay napayapa ang kanyang kalooban. Gustong gusto niya ng katahimikan dahil doon na lamang niya hinuhugot ang lakas para magpatuloy sa buhay kahit gaano pa iyon kasalimuot.
MASAYANG NAGTITIPON ang mag-anak sa malawak na harden ng mga Castillion. Nagdaos sila ng barbecue party matapos ang dinner date ng buong pamilya.
Nakatayo si Seven sa gilid ng pool habang sumisimsim ng beer na hawak. May masayang mga ngiti sa labi habang nakatingin sa masayang pagtitipon tipon ng kanilang pamilya. Kahit na may kanya kanyang buhay ang bawat isa sa kanila ay hindi hinayaan ng kanyang mga magulang na mawala ang malakas na samahan ng kanilang pamilya. Mula pagkabata ay itinuro sa kanila na kahit anong mangyari importante ang pagbibigay ng oras sa pamilya.
"Kumusta, bunso?" Napalingon siya ng marinig ang boses ng kanyang Kuya First. Mas lalo siyang napangiti.
"Ayos lang kuya, as usual busy sa hospital," sagot niya.
Tumango tango ito at tumabi sa kanya ng tayo. Sandali silang binalot ng katahimikan bago ito muling magsalita.
"I'm sorry," anito.
Kunot noo siyang napabaling sa kapatid. "Sorry for what?"
Nagkibit balikat ito. "For everything." He knew what it means.
Alam niyang hindi magaling sa salita ang kanyang kapatid kapag ganitong mga usapin kaya naaappreciate niya ito sa pagsasabi ng mga salita iyo.
"Wala ka namang kasalanan and anayway matagal na panahon na 'yon. Actually, wala na 'yon sa isip ko. Ilang ulit na nating napag-usapan 'to kuya." Tinapik niya ang balikat nito. "No worries."
"I know but still, I'm sorry."
"Just make her happy and treat her like your queen then it's fine with me. I loved her as a woman and she's a sister to me."
"You know, she's not just my queen. My wife is my life so yeah I'll make her happy 'til my last breath."
"And I'm happy for the both of you." Gagap niya.
"You grow as a very fine and responsible man, bunso. And I'm so proud of you." Ginulo nito ang buhok niya at sabay silang natawa.
Nagpatuloy ang kasiyahan ng lahat at hindi niya pinagsisihan na ipagpaliban na muna ang mga gagawin sa hospital dahil worth it ang bawat sandali na kasama ang pamilya nila.
"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo bunso at napakabusy mo sa hospital noon naman ay hindi masyadong hectic ang schedule mo." Kuryusong tanong ng kanyang ina ng bumalik sila sa mesa kung saan nag-uusap usap.
Naglalambing siyang yumakap dito. "Remember, 'yong sinabi kong pinapagawa kong bahay sa Baguio?"
"Ano namang connect n'on sa tanong ko?"
Humalik siya sa pisngi ng ina bago sumagot. "Zin called and he told me that in less than three weeks ay tuluyan na 'yong matatapos at bukod sa hospital ay busy rin po ako dahil madalas akong dumalaw doon." Zin Castillion is his cousin and he's an architect at iyon ang binilin niya na pansamantalang tumingin at mamahala sa pagpapatayo niya ng bahay.
"Ibig sabihin ba n'on ay mag-aasawa ka na kaya abala ka sa pagpapatapos ng sarili mong bahay?" Bumakas ang lungkot sa mukha nito kaya agad siyang umiling.
"It's not that mom, balak ko po kasing magtake ng leave next month para makapag-unwind ako kahit papaano." Aniya.
Wala pa siyang pinagsasabihan ng plano niyang iyon ngunit dahil alam niyang malulungkot ang ina kaya dapat niyang sabihin ang totoo niyang pakay sa pagmamadali ng pagpapagawa ng kanyang bahay.
"That's good to hear 'bro, hindi magandang binuburo mo ang sarili mo sa trabaho. You're still young so just enjoy your life," sabat ng Kuya Second.
"Exactly, and while having a leave find a girl you can date with. Marami akong kilala kung gusto mong makipagblind date para my thrill," segunda ng Kuya Fifth niya.
"I'd rather spend my leave harvesting strawberries in Nixy's farm than having a date, so no for blind date." Natatawang sagot niya. Nixy Castillion, isa sa mga pinsan niya. Nagmamay-ari ito ng malaking farm sa Baguio na madalas nilang pagbakasyonang mag-anak.
"Wag niyo ngang pinapakialaman ang buhay ng kapatid niyo." Sabat ng kanilang ama at tumingin sa kanya. "Just be happy, son."
Tumango siya. "I will dad, I will." I hope I can.
"So, let's cheer for our younger brother's happiness." Sigaw ng Kuya Fifth niya sabay taas ng bote ng beer na hawak nito. "For Seventh's happiness, cheers."
"Cheers." They said in unison. Pinagbunggo ang mga inumin bago masayang nagtawanan.
Nang lumalim na ang gabi ay nagkanya kanya na ng pasok sa bawat silid samantalang siya ay naiwang nakaupo sa bench ng harden.
Ninanamnam niya ang katahimikan doon at ang preskong simoy ng hangin. Nabibilang lang ang pagkakataon sa buhay niya ang makaranas ng ganitong sandali. Iyong tahimik lang at napakapayapa ng paligid.
Dahil kung hindi ang personal niyang buhay ang iniisip ay ang mga pasyente niya. Minsan ramdam na niyang napag-iiwanan na siya ng panahon kaya siguro tama lang ang desisyon niyang magpahinga muna. He need a break.