Chapter 4

2307 Words
KIPKIP ng mahigpit ang kumot sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa lalaking nakangiti sa kanyang harapan. Malumanay ang mga tingin nito ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin siya panatag na nasa paligid ito. Nagising siya kanina at ito agad ang bumungad sa kanya. May dala itong tray ng pagkain at inomin. May takot pa rin sa kanyang kalooban ngunit habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha ay hindi niya mapigilang mainggit. Napakaaliwalas ng mukha nito at ang ngiti ay napakasaya na tila walang problema. Ako, kailan kaya ulit ako ngingiti ng ganyan? Naiiyak na tanong niya sa isipan. "Gabe na kaya kailan mo nang kumain," pagbasag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Umiling siya. "Hindi ako gutom," ngunit napangiwi nang mag-ingay ang kanyang tiyan. Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi nito. "You're hungry, I'll leave for a while so you can eat your dinner." Itinuro nito ang tray na nakalapag sa paanan ng kama. Nakapamulsa lamang ito hindi kalayuan sa kanya. Nakasuot ng simpleng puting V-neck shirt and gray cotton jogging pants at tsinelas na pambahay. Maayos na nakasuklay ang itim na itim nitong buhok pataas at walang ni isang bigote na makikita sa mukha. Napakalinis. Maaliwalas. Mas humigpit ang pagkakakapit niya sa kumot nang humakbang ito papalapit sa kanya ngunit tumig din nang makita ang reaksyon niya. Tumango ito na parang naiintindihan ang takot niya. "If you need anything just knock in my room. Katabi lang nitong kwarto." Tumalikod ito kaya akala niya ay aalis na ito ngunit ilang sandali lamang iyong nakatayo sa kinaroroonan bago muling lumingon sa kanya. "I'm harmless." At tuluyan itong lumabas. Samantalang siya ay tulala lamang sa pintong nilabasan nito. Ilang ulit siyang napakurap at napabaling sa pagkain na nasa paanan niya dahil muling tumunog ang kanyang tiyan. Doon lamang niya namalayan ang labis na gutom. Agad siyang bumangon at tumakbo papunta sa pinto upang ilock iyon, naagaw ang atensyon niya ng bukas na bintana na tinatangay ng ngayon ang puting kurtina patungo sa balkonahe niya. Tumakbo rin siya papunta doon upang isara at ilock iyon. Gabe na nga at mas lalo siyang nilulukob ng takot dahil hindi siya sanay sa lugar. "Kailangan kong umuwi," bulong niya sa sarili. Nilapitan niya ang tray ng pagkain at tila may kaagaw sa bilis niyang kumain. Minsan ay hindi na niya hinunguya ang kanin at agad na nilulunok kasabay ng pag-inom ng tubig. Kahit na napakaganda ng silid na napapalibutan ng abong kulay ng dingding at kompletong kagamitan mula sa flat screen television, sa single couch sa paanan ng kama na kaharap ang t.v. Carpeted floor at may sariling banyo, doble ang laki kaysa sa apartment niya ay nangangamba pa rin siya. Hindi siya sanay na mapunta sa ibang lugar lalo at lalaki ang kasama. "Gusto ko nang umuwi." Pagkausap niya sa sarili. Matapos kumain ay inilagay niya sa mini center table ang pinagkainan na nasa katabi ng kama bago bumalik sa kinahihigaan kanina at binalot ng kumot ang buong katawan. Nanginginig na naman ang kamay niya. Inis niyang tinanggal ang kumot sa mukha at ilang ulit na huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. "Parang pamilyar siya," aniya. Hindi niya alam kung saan niya unang nakita ang lalaki pero pakiramdam niya ay hindi ito ang una nilang pagkikita. "Kahit na ang gwapo ng mukha niya kapag nakangiti ay masama pa rin siya. Walang lalaking mabuti." Niyakap niya ang sarili at sumiksik sa head board ng napakalaking kama. Ikaapat na bahagi lamang siguro sa kanyang papag na pinagtyatyagaan halos isang taon na. Napaigtad siya nang makarinig ng katok. Mabilis siyang nagtalukbong ng kumot at mas lalong niyakap ang malambot na unan. Pinagdikit niya ang mga tuhod upang patigilin ang panginginig. "Just knock in my room, okay?" dinig niya ang baritono ngunit malumanay nitong boses. Ilang sandali pa ay muling bumalik sa tahimik ang buong paligid. Wala siyang balak na katukin ang kwarto nito dahil hihintayin niya lamang na mag-umaga at agad siyang uuwi. "Kaso wala akong pera." Hindi niya namalayang pati wallet niya ay nawala sa sobrang pagmamadaling takasan ang mga humahabol sa kanya. Hindi na bago sa kanya na may humahabol sa kanya dahil hindi iyon ang unang beses na nangyari sa kanya ang gan'ong kaganapan. Muli niyang pinakakinggan ang paligid at laking pasalamat niya nang hindi na muling kumatok ang lalaki. Wala siyang tiwala sa kahit na sino, ang tangi niya lamang na pinagkakatiwalaan ay ang kanyang sarili dahil iyon lamang ang kanyang kakampi. Umaasa pa rin po ako sa'yo, Panginoon. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa kanya ay nananatili siyang kumakapit sa Diyos dahil alam niyang hindi siya nito papabayaan. Hanggang sa makatulugan niya ang pagdadasal ngunit muli na namang dumalaw sa kanya ang masamang bangungot ng kanyang buhay. Muli na namang dumalaw sa kanyang pagtulog ang halimaw na sumira sa kanyang buong pagkatao. "Tigilan mo na ako," bulong niya habang mariing nakapikit ang mga mata. Tagaktak ang pawis ni Mari habang pumapaling ang ulo. May luhang pumapatak sa kanyang mga mata habang umuungol na tila nasa gitna ng pasakit. "Nagmamakaawa ako." Palakas ng palakas ang kanyang boses. Gusto niyang gumising ngunit palagi siyang natatalo ng halimaw na iyon. Ang pagtangis niya ang isang halimbawa sa naging pagwasak nito sa kanyang pagkatao. Natigilan siya nang may katawang yumakap sa kanya, katawang hindi niya alam kung kanino na tila inilalayo siya sa halimaw. Tila pinoprotektahan siya nito mula sa taong sumira ng kanyang buhay. Nagkaroon siya ng pag-asa ng marinig ang bulong nito. "Nandito ako." Ang kanyang pagtangis ay mas lalong lumakas dahil ngayon lamang may nagtangkang magligtas sa kanya mula sa halimaw. Ang hubad niyang katawan na binaboy ng halimaw ay binalot ng mainit nitong yakap. Ramdam niya ang init ng kapayapaan at kaligtasan. Ito na ba ang tagapagligtas niya na ilang ulit niyang hiniling sa Diyos? Napabalikwas siya ng bangon dahil sa malakas na pagtapik sa kanyang mukha. Sa pagdilat ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang nag-aalalang mong ni Syete. "Nananaginip ka." Hindi niya maipaliwanag ngunit bigla niya itong niyakap at humagulgol sa bisig nito. Umiyak siya ng umiyak dahil sa pinaghalong takot dahil sa kanyang bangungot at tuwa dahil ginising siya nito at pinutol ang masamang panaginip niya. "I'm here, I'm here," alo nito sa kanya na mas lalong nagpaiyak sa kanya. "Iligtas mo ako," she whispered. She can't take it anymore, she don't want to leave in darkness anymore. Can someone save her from drowing in the past? Can someone help her to escape from the monster? "Iligtas mo ako." Hanggang sa muli siyang makatulog ay iyon ang mga katagang paulit ulit niyang bulong. MALALIM na ang gabe ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Syete kaya napagpasyahan niyang magtungo sa kusina at uminom ng alak upang makatulog ngunit natigilan siya nang mapatapat sa kwarto kung nasaan ang kanyang bisita. Kumunot ang kanyang noo nang makarinig ng pagsigaw at paghagulgol. Sa isiping baka binabangungot ito ay mabilis niyang sinubukang buksan ang pinto pero nakalock iyon. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kanyang silid upang kunin ang mga susi, ibinigay iyon sa kanya ng pinsan kanina bago ito umalis at umuwi sa bahay nito. "Tigilan mo na ako." Iyon ang mga salitang nabungaran niyang inuusal nito nang makapasok siya sa kwarto ng dalaga. Nasa ilalim ito ng makapal na kumot at nanginginig ang katawan. Mabilis niya itong nilapitan at inalis ang kumot na nakabalot sa katawan nito. Tagaktak ang pawis ng dalaga kaya napamura siya. Niyugyog niya ito upang magising ngunit mas lalo lamang itong umiyak at umungol. "Kailangan mong gumising," aniya. Inangat niya ang ulo nito at ipinatong sa kanyang braso upang gisingin. Hindi niya mapigilang maikuyom ang kamao habang nakikita ang takot nitong mukha at masaganang pagdaloy ng mga luha. Ngayon ay kompirmado na sa kanya na may mali sa dalaga. She's suffering from anxiety and trauma that's why she's fretting and troubled. He's sure about it. Countless of patient in his hospital have the same symptoms. Fear, sadness and horror are visible in her eyes. Nagising ito at yumakap sa kanya ng mahigpit habang umiiyak pa rin. He hugged her back and comforted her. Whispering comforting words to ease her pain. "Iligtas mo ako." Those words hit him. She need to be saved. She needs protection. And he's willing to give her all she needs. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nasa bisig pa rin niya ang dalaga na ngayon ay muling nakatulog. Tahimik siyang nagpasalamat nang hindi na muli ito dalawin ng masamang panaginip. Gamit ang kanyang kaliwang kamay ay pinunasan niya ang mga luha sa mukha nito at pawis. Inalis niya ang mga buhok na tumatabing sa kanyang noo at pinakatitigan ang mukha nito. May kung anong pakiramdam na humihila sa kanya upang gustuhing alisin ito sa sakit na pinagdadaanan nito ngayon. Wala siyang ideya sa mga pinagdaanan nito pero sapat na sa kanyang ang nasaksihan para masabing kailangan nito ang tulong niya. "Your wounds would heal, soon." Pagkausap niya sa tulog na dalaga. Siguro ngang masyado niyang mahal ang propesyon kaya't malakas ang hatak sa kanyang ng mga taong may hindi magandang pinagdadaanan emotionally and mentally. Tawag ng serbisyo at awa ang nararamdaman niya kaya't gusto niya itong tulungan. "Hindi ako aalis," aniya. He won't left her as long as she's in his house. He knows the feeling of being left and alone, as much as he can he wanted to be someone's strength. Hanggang sa makatulugan na rin niya na nasa kanyang bisig ang dalaga. NALINGA LINGA sa paligid si Mari habang naglalakad sa malawak na kabahayan ng binata. Halos puro salamin ang nakikita niya sa paligid na nababalutan ng hamog dahil sa lamig ng Baguio. Tila siya nasa loob ng aquarium at kadalasang kulay ng mga gamit ay kulay puti. "I'm glad you're awake." Napaigtad siya sa sobrang gulat sa biglaang pagsulpot ng binata mula sa kung saan. "I prepared breakfast for us." Napatingin siya sa suot nitong apron na kulay gray at suot pa rin nito ang cotton jogging pants na suot nito kagabe. May hawak itong sandok at lantad ang mga braso dahil tanging apron lamang ang tumatakip sa pang-itaas nitong katawan. Nakaramdam siya nang pagkaasiwa dahil sa pagkadepina ng mga muscles nito. Hindi siya sanay sa gan'ong tanawin at tila napansin nito iyon. "Tumuloy ka na sa kusina kukuha lang ako ng damit." "Wag," pilit niya sa braso nito ng akmang aalis ito. Tumingin ito sa kanya kaya agad siyang bumitaw sa braso nito. "Ahm, I mean wag ka nang mag-abala ayos lang." Ayaw niyang pati ito ay isama niya sa kamiserablehan ng kanyang buhay. Siya ang dapat makisama dahil siya ang may mali kaya napunta siya rito. "I insist, ayokong mailang ka." Ipinahawak nito sa kanyang ang sandok na dala nito. Hindi nga ito nagpapigil, ang tanging nagawa niya lamang ay ang sundan ito na siya ring pinagsisihan niya dahil nakita niya ang walang saplot nitong likod at ang matambok nitong pang-upo na mas lalong nahuhulma kapag humahakbang. Agad siyang umiwas ng tingin, malalim na napalunok dahil sa iba't ibang imaheng pumapasok sa kanyang isipan. Nakaramdam siya ng init sa kanyang kaibuturan sa simpleng paghagod ng tingin sa malapad nitong katawan. "Are you still standing here?" Hindi kasi siya umalis sa kanyang kinatatayuan hanggang sa nakabalik na pala ito. "Pa-Pasensya na.". "No worries." Itinuro nito ang daan sa pinanggalingan nito kanina. "Let's have our breakfast, I think you're famish." Nakasuot na ito ng kulay asul na t'shirt, plain. Ayaw man niyang madikit dito o makasama ito ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod dahil tama ito, gutom na gutom na nga siya. Pinaghila siya nito ng upuan kaya mas lalo siyang nailang pero hindi nagpahalata. Nilagyan din nito ng pagkain ang kanyang pingga. Ham, crumbled egg, fried rice at hotdog ang nakahain sa mesa. Pinagtimpla rin siya nito ng kape at inilagay sa harapan niya. "All set, let's eat." Nagsimula itong kumain samantalang siya ay nakatingin lamang sa mga nakahain. "Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang 'yan." "I-Ikaw ba ang nagluto nitong lahat?" Tumango ito. "Yes." "Marunong ka?" "I'm living alone so I need to cook for myself." Katulad ko rin. Nagsimula na rin siyang kumain kahit na hindi siya komportable na nasa harapan niya ito. Kahit na natatakot at nanginginig ay pilit niyang nilalabanan ang lahat. Naalala niya ang ginawa nito para sa kanya kagabe at nang gumising siya kanina ay nasa tabi niya pa rin ito. Siya nga siguro ang dahilan kung bakit hindi na bumalik ang bangungot ko hanggang umaga. "Sa-Salamat pala kagabe." "Maliit na bagay." "Malaking bagay 'yon para sa'kin kaya salamat sa lahat ng kabutihan mo." "I just want to help." Uminom ito ng kape kaya napasunod ang tingin niya sa mga kamay nito. Napakalinis ng mga kuko nito at namumula pa ang mahahabang daliri dahil sa sobrang linis. Umiling siya at bumalik sa pagkain. "Uuwi na ako." "You can stay here as long as you want, I won't mind." "Gusto ko nang umuwi." Pinal niyang desisyon. Nagkatinginan sila at nakita niya ang pagiging malumanay nito. "If that's what you wanted, sure you can go home. My door is open." "Akala ko ihahatid mo ako?" Alam niyang kalabisan na pero hindi niya alam kung paano uuwi sa Maynila. "Iyon ang plano ko pero may mga trabaho akong dapat tapusin kaya hindi ko magagawa." "Pero--" "Papahiramin kita ng pera para sa pamasahe mo," putol nito sa pagsasalita niya. "Paano ako uuwi?" Nagkibit balikat lamang ito. "Ikaw ang bahala kung sasakay ka o maglalakad." "Maglalakad nalang ako salamat nalang sa pera mo," inis niyang sagot at tumayo ngunit napatili dahil sa sobrang pagkagulat sa malakas na pagkulog. Nanlaki ang mga niya at mabilis na binalot ng takot. Naramdaman na lamang niya ang binata na nakayakap na sa kanya at tinatakpan ang kanyang tenga upang hindi marinig ang malalakas na kulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD