"DR. SEVENTH Castillion, f**k bunso ang gwapo ko talaga." Napailing lamang si Seventh dahil sa kayabangan ng kanyang Kuya. Si Fifth, ang ikalima sa pitong magkakapatid samantalang siya ang pinakabunso.
"Busy ako, Kuya," aniya at inilahad ang kamay sa mesa kung saan siya nagbabasa ng mga records ng kanyang mga pasyente.
"Hindi ka manlang ba nayayamot dyan sa ginagawa mo kahit sa bahay 'yan ang inaatupag mo baka naman ikaw na ang mabaliw niyan." Paninermon pa nito at pabagsak na umupo sa couch na nasa harap mismo ng office table niya. "Bakit hindi ka tumulad sa'kin masaya lang."
"This is my work kuya and I'm happy about it," sagot niya.
"Ewan ko sa'yong bata ka, dati naman kahit busy ka sumasama ka pa rin sa'min pero ngayon kulang nalang pakasalan mo 'yang mga pasyente mo," ngumisi pa ito.
"Hindi ko alam kung ako ba talaga ang dapat sermonan sa ating dalawa o ikaw." Muli niyang ibinalik ang tingin sa binabasang papel, kailangan niyang matapos iyon bago siya mag-round mamaya.
"Bahala ka sa buhay mo, basta mamaya umuwi ka dahil may dinner sa bahay nina Mommy, magtatampo iyon kapag hindi tayo kompleto."
Tango lamang ang kanyang isinagot at hindi na ito muling pinansin pa. Nakikita niya sa gilid ng kanyang mata na panay ang tingin nito sa mga aparatong nasa office niya. Mga imitation iyon ng mga kagamitan sa hospital na siyang collection niya. Iyon lang naman ang palaging gawain ng kanyang kapatid maliban sa pagdaldal kapag dumadalaw ito sa hospital niya, mas madaldal pa nga ito sa kanilang ina.
"Mahirap bang pakisamahan ang mga baliw?" Pagkuay tanong nito makalipas ang ilang minuto.
Nagkibit balikat siya. "Tulad ng kung paano ka pakisamahan." Siya naman ang napangisi ng kumunot ang noo nito at binato siya ng suot na sapatos na agad niya namang inilagan.
"Tarantado kang bata ka hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa kuya mo," anito ngunit halatang nagbibiro.
"Ang baho ng sapatos mo." Pinulot niya iyon at ibinato iyon pabalik sa kapatid. "Panay ka lang daldal pero mas malala ka pa sa'kin."
"Pero seryoso bunso, may balak ka bang maging matandang binata? Naku, wag na wag mong sasayangin ang lahi natin. Isinilang tayo sa mundo para maghasik ng kagwapohan at magpalahi ng mga diyos at diyosa kaya dapat nakikipagdate ka. Marami akong chikas na pwedeng irekomenda sa'yo." Tila ito naglalako ng produkto dahil sinamahan pa 'yon ng action sa bawat salita.
Napapailing na lamang siya. "Pass, alam mo naman kung bakit."
Ang kanina'y may pambubuska nitong mukha ay tuluyan ng naging seryoso. "Si Princess Mimi pa rin ba?"
Hindi siya sumagot ngunit nilabanan niya ang seryosong mga titig nito. Ilang sandali pa ay malakas at sabay silang napabuntong hininga.
Humakbang ito papalapit sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Alam mo bunso mapagbirong tao si Kuya, maliban sa ako ang pinakagwapo sa ating magkakapatid at pinakahot." Ngumisi ito at muling sumeryoso. "Pero ngayon papayohan kita at gusto kong seryosohin mo iton." Ginulo nito ang kanyang buhok tulad ng palagi nitong gawain noong mga bata pa lamang sila. "Pamilya na natin si Princess Mimi at mahal na mahal natin siya pare-pareho 'yon nga lang kami bilang kapatid ikaw naman mas higit pa doon, tulad ni Kuya First. Hindi naman ako tutol doon pero ang hindi tama ay iyong ikulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Bakit ayaw mong tanggapin na ang babaeng mahal mo ay asawa na ni Kuya ngayon? Dapat tinutulungan mo ang sarili mong makaahon, alam kong hindi madali pero iyon ang mas tamang gawin.
Nakikita mo namang masaya na sila at dahil iyon sa naging desisyon mo noon na palayain siya. Hindi kayo ang para sa isa't isa, may babae pang darating sa buhay mo na nararapat sa pagmamahal mo. 'Yong babaeng mamahalin ka ng buong buo at ikaw lang talaga." Seryosong seryoso ito habang nagsasalita. Ngumiti siya upang itago ang sakit na gumuguhit sa puso niya dahil alam niyang tama ang mga sinabi nito.
Alam niyang hindi pa rin siya nakakausad dahil banggitin lamang ang pangalan ng babae ay agad na tumatalon ang puso niya at the same time ay naroon pa rin ang sakit sa katotohanang pinahiram lang ito sa kanya ng pagkakataon pero hindi sila ang para sa isa't isa.
Mikaela Michel De Vera-Castillion. Iyon ang pangalan ng babaeng mula pagkabata ay minahal na niya ng buong puso.
Mapait siyang napangiti dahil sa apelyidong ikinabit sa pangalan nito. Ang apelyido ng pamilya nila pero hindi ng sa kanya kundi sa nakakatanda nilang kapatid na si First Castillion. Siya dapat iyon ngunit sa sobrang pagmamahal niya sa babae at sa kanyang kuya ay nagparaya siya dahil alam niyang siya ang hadlang sa pagmamahalan ng dalawa.
Alam niyang minahal siya ng totoo ni Mimi, ramdam niya iyon sa bawat yakap at halik nito noon pero mas higit nga lang ang pagmamahal nito sa kapatid niya. Gusto niyang makitang masaya ang mga ito kahit ang kapalit ay siya ang magdadala ng sakit at susugat iyon ng malalim sa puso niya.
Mas una nitong minahal ang kuya niya at nabigyan lamang siya ng pagkakataon na iparamdam dito ang pagmamahal niya noong nawalan ito ng alaala. Sapat na siguro iyon para magparaya siya.
"I still love her, I can't move on even if I want too. I tried but sadly I failed." Malumanay niyang sabi at nag-iwas ng tingin ng makita niya ang pagbakas ng awa nito sa kanya.
Ayaw na ayaw niyang kinakaawaan siya dahil ayaw niyang madamay sa kanyang kalungkutan ang mga taong nasa paligid niya. Isa siyang doktor ng mga taong gusto ng sumuko sa buhay kaya dapat ay maging halimbawa siya na kahit nalulunod na tayo sa sakit at paghati dahil sa hamon ng buhay ay manatili tayong matatag.
Ayaw niya ipakita sa iba na nasasaktan pa rin siya kahit na taon na ang lumipas simula ng bitawan niya ang babaeng pinakamamahal. Ayaw niyang ipahalatang apektado pa siya kahit ang totoo ay banggitin lamang ang pangalan ni Mimi ay tatawirin niya lahat makita lang ito. Susuungin niya lahat matulungan lang ito kapag may kailangan. Gan'on kalalim ang pagmamahal niya dito na minsan ay kinakakonsensya na niya.
Aminado siyang nasa isip niyang kapag nagkaroon ng pagkakataon na saktan ito ng kapatid niya at iwan ay hindi siya magdadalawang isip na saluhin ito pati ang anak nito na siya ring pamangkin niya.
But unfortunately, alam kong hindi mangyayari iyon dahil alam ko kung gaano kamahal ni Kuya First si Princess Mimi. Hindi niya ito magagawang saktan o iwan.
"Itigil mo na ang paghihintay mo kapatid dahil alam natin pareho na wala ka ng hihintayin." Hindi siya nagsalita dahil alam niya na rin iyon.
Iyon nga siguro ang nakakatawa sa parte ng pag-ibig dahil kahit alam na natin ang katotohanan na wala na talaga ay umaasa pa rin tayo sa sana.
"Well, I need to go. Basta kapag gusto mong uminom just call me, pwede mo naman akong masabihan ng problema. Karamay ba." Tumawa ito bago tuluyang umalis.
Kahit papaano ay nagpapasalamat siyang may kapatid siyang tulad ni Fifth, kahit gaano ito kamapagbiro ay nasasabihan niya ito ng problema kahit pahapyaw lang.
Natingin siya sa pinto ng opisina ng makarinig ng katok at ilang sandali lang ay pumasok ang kanyang sekretarya. "Doc, may nagwawala pong pasyente kailangan po kayo."
Agad siyang tumayo at isinuot ang lab gown. "Susunod ako." Aniya.
"I'M ON my way mom don't worry aabot ako sa dinner." Hindi niya mapigilan ang ngiti dahil sa pangungulit ng ina niya.
"Mas mahal mo siguro 'yang mga pasyente mo kaysa sa akin." Pagtatampo pa nito habang nasa kabilang linya.
"You know that I love you more than anyone mom so please stop making me feel like I'm a bad son." Napatawa siya.
Dinagdagan niya ang bilis ng kanyang pagmamaneho upang mabilis siyang makarating sa bahay ng mga magulang. Bahay nila iyong buong pamilya ngunit dahil medyo may kalayuan iyon sa hospital niya ay mas minabuti niyang bumili ng condo malapit doon, kaya para na rin siyang nakabukod.
"Miss na miss ko na kayong magkakapatid. Noon palagi kayong nakayakap sa'kin at ayaw na ayaw niyong humiwalay pero ngayon ni hindi na kayo nagpapakita sa'kin siguro may ibang babae na sa buhay niyo 'no?" Pagdadrama pa nito.
"Correction mom wala pang ibang babae sa buhay ni bunso." Tinig iyon ng Kuya Second niya.
"Drop the topic, Kuya." Pakli niya.
"Speaking of babae, anak kailangan ka ba mag-aasawa? Gusto kong magkaapo ako sa bunso ko bago manlang kami mawala ng daddy niyo."
"Mom, stop saying that bata pa po kayo para sa ganyang bagay. At hindi ko ata kayo mabibigyan ng apo." Pagbibiro niya sa huling mga sinabi, well, baka nga hindi niya ito mabigyan ng apo dahil hanggat hindi siya nakakaalis sa nakaraan ay wala siyang balak mag-asawa.
"Don't tell me son, wala kang balak mag-asawa?" Tila naiiskandalong tanong ng ina.
"Wag kang maniwala dyan mom fuckboy 'yan kaya hindi makakatiis na walang karomansa." Sabat ng Kuya Fifth niya. Basi sa iba't ibang tinig sa kabilang linya tila siya nalang ang kulang sa pamilya.
"I'll hang up para mabilis akong makarating dyan. In case you don't know I' m driving."
"Be careful." Pahabol ng kanyang ina.
"Yes, mom."
Hinintay na lamang niyang maputol ang tawag ngunit bago niya pa maalis ang wireless earphone sa tenga niya ay napareno siya dahil sa biglaang pagtawid ng isang babae.
"Damn!" Mura niya ng muntikan siyang mapasubsob sa monobela.
Dali dali niyang binaklas ang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Akmang lalapitan na niya ang babae upang tanungin kung nasaktan ba ito ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon dahil tila ito nagmamadaling nagpatuloy sa pagtawid kahit may mga sasakyang dumadaan.
Sinundan niya iyon ng tingin, nag-iingay ang mga busina ng bawat sasakyan dahil sa ginawa nitong pagtawid. Balot na balot ang buong katawan nito ng kulay itim na tela, hanggang sakong ang suot na saya at mahaba ang manggas ng itim na kamesita na binatungan ng itim na balabal na siyang itinakim nito sa buong mukha. Ultimo mata nito ay hindi niya manlang nasulyapan.
"May tinatakasan siguro." Nasambit niya habang hilot hilot ang batok na nangalay bago muling bumalik sa sasakyan.
Nang makabalik sa pagkakaupo ay humugot siya ng malalim na buntong hininga syaka bumalik aa pagmamaneho.
Ilang minuto pa ang kanyang iginugol sa biyahe bago tuluyang narating ang bahay ng mga magulang. Sinalubong siya ng mga katulong at ibinigay niya sa isa sa mga ito ang coat na hinubad pati na ang kurbata.
"Black forest cake for everyone." Anunsyo niya ng makarating sa hapag bitbit ang binili niyang cake noong mapadaan siya sa sikat na café malapit sa hospital.
"Syete, my son." Agad niyang sinalubong ng yakap ang ina.
"I miss you mom." Aniya at hinalikan ito sa pisngi at noo.
"I miss you too son, akala ko mas mahal mo na talaga ang mga pasyente mo kaysa sa'kin." Biro nito.
Nagtawanan ang mga tao sa hapag at tama siyang siya na lamang ang kulang. Ipinalibot niya ang tingin sa buong hapag.
"Kumusta ang trabaho, iho?" Nagmano siya sa ama.
"Ayos naman po dad."
"Ano ka ba naman trabaho pa rin ang itinatanong mo kahit nandito na tayo para kumain. Aba, kung gusto mong magkaroon ng business meeting ay umalis ka dito at hindi ka namin kailangan." Anang ina nila. Napuno ng tawanan ang silid ng mapakamot sa ulo ang kanilang ama.
"Ano ka ba naman, darling akala ko magandang panimulang topic iyon para magsabi ng pinagkakaabalahan itong bunso natin." Depensa ng kanyang ama, akmang yayakap ito sa ginang ng samaan ito ng tingin kaya napasimangot na lamang.
May masayang ngiti sa kanyag mga labi habang nauupo sa upuang para sa kanya. Napailing nalang siya .
"Baby, please eat veges." Napatuon ang atensyon niya nang magsalita si First.
Nasa tapat niyang upuan ang mga ito katabi si Princess Mimi na halatang ayaw kumain ng gulay na siya namang pinagpipilitan ng asawa nito.
Napangiti siya ng mapagmasdan ang nakasimangot na mukha ng babae. Kahit na malaki na ang tiyan nito sa ikalawang anak na ipinagbubuntis ay wala pa ring kupas ang ganda. Tulad ng nararamdaman niya para dito. Sa mga sandaling iyon ay nagwawala ang kanyang puso at nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanyang sistema ang presensya ng babae.
"You should eat vegetable Princess para maging healthy si baby." Sabat niya dahilan para mapatingin sa kanya si Mimi.
"I told you, doktor na ang nagsabi na kailangan mong kumain ng gulay." Tumango sa kanya ang kapatid habang patuloy ito sa pagsubo ng gulay sa bibig ng asawa.
"Masusuka lang ako kapag pinilit ko." Maktol ng buntis. Masaya siyang nakikita pa rin ang pagiging isip bata nito kahit na may anak na. Namimiss niya ang babae kahit na madalas niya naman itong makita.
Nandoon pa rin ang sakit na gumuguhit sa kanyang puso pero pilit niya iyong iniinda dahil nakikita niya kung gaano kasaya ang mga ito sa piling ng isa't isa.
Kung masaya naman ang mahal mo sa piling ng taong totoong mahal niya bakit ka pa manggugulo kong alam mo namang talo ka na kahit hindi ka pa lumalaban?