Kabanata 3. Faking it

2711 Words
Faking it . . I'm sitting quietly in the sofa while Clyde's mother was also sitting in front of me. She seems happy. Well, sa tingin ko lang.  Abala na si Clyde sa pag-gawa ng kape para sa ina. . "So, how did the two of you meet?" tanong ng ina niya. . Patay! Napalingon agad ako kay Clyde na abala pa rin sa ginagawa niya. Alam kong narinig niya ang tanong ng ina niya at mukhang wala lang siyang pakialam nito. . "Um, we- me- "  nakatitig na ako kay Clyde habang nagsasalita. "We meet in cebu, Ma," saad niya agad. . Nabigla ako. What cebu? My birthplace? Well it's not my hometown but Dad was from Cebu and we used to live there until we moved in Cagayan de Oro at my age eight. Ang galing mo rin Clyde! . "Cebu? Kung hindi mo itatanong, hija. My ancestors on my mum's side are Cebuana's," ngiti niya. "So you have visited Cebu before, Ma'am?" pormal na tanong ko. "Oh, please don't call me Maam. Just say mom, mama, mamita? Kung saan ka kampante, hija." . Napalunok na ako at tumayo ang mga balahibo ko sa narinig mula sa kanya. Pinadaganan ko ito nang kamay ko, at tumango na lang din para wala ng gulo. . "Oo. We visited Cebu long time ago, hija. Noong teenager pa lang si Clyde. I think that was when you are thirteen, son?" sabay lingon niya kay Clyde. "Yes, Ma."  Lumapit na si Clyde sa kanya at binigay ang kape sa ina. Tinangap agad niya itong nakangiti. "See? You've still remember, hijo. We stayed actually for a month there if I'm not mistaken."  She then took a small sip of her coffee. "Hindi po kayo mukhang pinay sa paningin ko," direkta kong tugon. "Really? Oh, you noticed, hija. Well, my mum is half Spanish and so is my dad. Kaya mestisa na ako, at si Clyde kung 'di mo naitatanong. He's got the look more on his father. Italyano," lawak na ngiti niya at tumango na ako. "So, S-sere? What's your name again? I'm sorry I'm not good at names. It's just someone told me about you," ngiti niya. "Serenity po." "Ah, Serenity. . . That's a very nice name." "What does your parents do, hija?" pagpapatuloy niya. "My dad passed away seven years ago and my mom is taking care of my special brother." "I see..." sabay tango niya habang iniinom ang kape. "And what do you do, hija?" tanong ulit niya. . Ano ba 'yan? Ang daming tanong? Para naman akong nasa hot seat nito. Parang totoo akong girlfriend. E, hindi naman! Nakakainis ito! Kaya bumaling ko nang tingin kay Clyde na gumagawa nang orange juice. Tinitigan niya lang ako, kaya tinaasan ko na siya nang kilay. . Ano? Kainis ka! Sa tindi nang titig ko habang pinagmamasdan siya. . "I have finished my business management course po. Four years ago. Then I work for two years on a business venture. Pero umalis rin po ako, at ngayon sekretarya ako ni Judge Del Puerto." Tumaas agad ang kilay niya at mukhang nabigla. Nawala pa ang ngiti sa labi niya. "You're working as a personal assistant of a Judge?" "Opo. Pero marami po kami. Apat po," ngiti ko. Binaba na niya ang tasa sa mesa at nilingon na si Clyde ngayon. "I can't understand. Why you let her work on someone else, hijo? You should keep Serenity under your wings, anak," tugon niya kay Clyde. . Tapos na 'ata si Clyde sa ginagawa dahil palapit na siya sa akin ngayon. Nakatitig pa siya ng husto sa akin at hindi ko alam kong ano ang binabalak niya. . "For you, sweetheart," sabay bigay niya sa kape. . Tinangap ko ito at naupo agad siya sa tabi ko at umakbay pa talaga. Namilog na ang mga mata kong tinitigan siya. This is probably the most awkward position I have in my entire life!  Tiningnan ko pa ang kamay niya na naka akbay sa balikat ko and all I can think is this hand we're cupping someone's  breast before! Ugh! I let a deep sighed out. He probably noticed it as I can felt his hand caressing my shoulder gently. Gumapang agad ang init nito sa katawan ko at naalarma na akong tinitigan siya.  Fake it Serenity! Isip ko. . "Hija, Serenity. Would  you like to manage the business in Cebu? You are a business management and I believe you've got the experience. I'm sure madali lang sa'yo na pamahalaan iyon, hija." Napanganga ako at hindi na ako makapagsalita. Nakakaloka ang ina niya! "Ma, just leave Serenity alone," mahinang tugon ni Clyde sa kanya. "Salamat po. Pero okay na po ako sa trabaho ko ngayon," pilit na ngiti ko. . Of course I'm not interested! To think I'm not even Clyde's real girlfriend, fake nga  lang ako 'di ba? . "Come on, hija. Think about it okay?" ngiti ulit niya. . Sadya bang palangiti ang mommy niya? Kahit sa pagbaba ng tasa niya sa mesa ay pormal na pormal talaga. Manners 'te! I'm sure kumukulo ang dugo nito sa ilalim. .. "Anyway, have the two of you plan of getting married?" at talagang hindi pa siya tapos! Tumikhim na si Clyde at muntik ko nang ibuga ang juice na ininom ko. Natapunan pa tuloy ang damit ko. "Hang on. I'll get some towel, sweetheart," tayo niya. . Sinunod ko agad siya nang tingin. I don't know what it is, but because I am lying right now in front of his mother I cannot look at her in the eyes and most of my stare were at Clyde. Ni hindi ko nga kilala ang mukong na 'to! Ewan ko ba kong ano ang nakain ko at pumayag ako sa ganito. . "How old are you, Serenity?" tanong niya. "Um, twenty five na po." "Oh, I don't see any problem at your age in settling down, hija. I was twenty four when I got married to Clyde's dad." "Hindi ko pa po kasi inisip ang mag asawa," hiyang ngiti ko. . Yes' I'm already twenty five and honestly this is my boundary age to get married. I was about to get married right? Yes, to the man who got married a few days ago! . Bumalik na si Clyde na may hawak na puting towel. Akma sana niyang punasan ang dibdib ko, pero pinigilan ko siya at hinawakan ko agad ito. . "Ako na," sabay kuha ko nito sa kanya at ibinigay naman niya ito. "Clyde? What takes you so long to propose, hijo?" taas kilay ng ina niya. "Ma, darating din kami diyaan. We're enjoying each others company as of the moment." Huh! Enjoy each others company? Lukuhin mo lolo mo Clyde! Isip ko. "Serenity? How old are you again?" "Twenty five po." "What is your boundary age to settle, hija?" "Twenty five rin po." "Got you!" lawak na ngiti niya. Ang bilis magtanong na parang detective at nahuli niya tuloy ako. Napalunok akong napatitig kay Clyde. "See that, hijo?" . Makailang ulit ang pag-tiim bagang ni Clyde at iwas ng titig sa akin. Nakaupo nga siya sa tabi ko pero parang ang layo ng isip niya ngayon. Halata ang inis sa mga mata niya. I'm so dead if his mother will caught us and that were faking this. Kaya mas mabuti pa na umalis na ako ngayon habang may paaran pa. . "Um, sorry for the inconvenience but I need to go." Tumayo na ako. I don't think I can deal this fake-fake thing.  Oo, fake-fake thing! I better go back to Cagayan de Oro. Mas maganda pa 'ata ang buhay ko roon. Malayo sa gulong nangyayari ngayon. "Oh, I'm sorry hija if I did upset you, did I?" tayo nang ina niya. . Halata ang pagbabago sa mukha ni Clyde nang tinitigan ko. But like me, I guess he never give a damn too! Nakaupo lang siyang nakayukong nakatitig sa sahig! Baliw! . "No, hindi po. Masaya po ako na nakilala ko kayo. It's just that, I have to go back for work  and other things." "Oh, I see..." tango niya, "where do you live, hija?" Why all of the sudden his mom is getting curious? Naamoy ba niya ang pagsisinungaling ko? Katakot naman 'to! "Um, sa Cagayan de Oro po." "Oh, that far... Fair enough. If you want I can accompany you, hija. I'll be going in the same direction with you," she wickedly smile. . My goodness! Bigla akong kinabahan at nilingon si Clyde, na ngayon ay nakaupo pa rin at walang pakialam sa mundo! Tinaasan ko na siya nang kilay.  I'm staring at him and my eyes are talking to him right now, asking him to help me, to get away from this. . "Ma, I will accompany her. Don't worry." "Well, that's good, hijo. Make sure you will. I have my eyes on you," kindat nang ina niya. "Anyway, I'll leave you two love birds. I will be heading of now. I have so much in my plate, but I am happy that I have meet you, Serenity," ngiti niya sa akin. Humakbang agad siya palapit kay Clyde at mariin na tinitigan si Clyde. "I am not disapointed, son. I am happy for you. . .  Be a good boy okay?"  Inayos niya agad ang kwelyo sa damit ni Clyde at mariin na hinaplos ang balikat nito. Pero kakaiba ang titig niya sa anak, na parang nananakot ito. "Well do, Mom. Thanks for dropping by," pormal na tugon ni Clyde. "Serenity, hija? You take care okay, and if Clyde is not behaving well let me know." . Binigyan niya rin ako nang halik sa pisngi. Kakaiba ang titig ng mga mata niya sa akin at kinabahan ako. Pakiramdam ko nakakatakot ang Mommy ni Clyde. Para itong  nakasuot ng mascara sa mukha. Tumalikod na agad siya at tumunog na ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa ko. . "And by the way, Serenity. That's my number, hija. I'm just making sure na tama," ngiti niya. . What the - heck! Ang weird niya talaga. Napatango lang ako sa kanya at pilit na ngumiti. Pakiramdam ko kakainin ako ng buhay nito. . "Okay, bye!" Tumalikod na siya at umalis na. . Natulala ako sa sarili ng makaalis ang ina niya. This is not good, not at all. . . At kung bakit pa ako pumayag sa alok niya ay hindi ko alam. Ang baliw ko lang din talaga! Epekto 'ata ito ng bangungot ko kay Vincent! Ang walang hiyang iyon!  But it was a decision that I've wasn't given a choice from the beginning. Hindi ako binigyan ni Clyde ng pagkakataon at basta-basta na lang niyang ginawa ang gusto niya. Nilingon ko na siya ngayon sa kusina. Inabala niya ang sarili sa pag-gawa ng kape.  Huh, baliw na nga ang taong 'to at isama pa ako! Dalawa na kami! . "Uuwi na ako, Clyde!" Kinuha ko na ang bag ko sa gilid at tinitigan siya. Pero mukhang wala 'ata ako rito sa mundo niya! "Clyde? Clyde nga 'di ba? To think we don't have a formality in the first place. I know your name is Clyde, dahil naalala ko 'yon kagabi. At wala akong pakialam kung paano mo nakuha ang pangalan ko at paano nakuha ng ina mo ang numero ko! Ang weird ninyo," ngiwi ko. . Nagtaas bagang siyang nakatitig sa akin. Pero parang wala pa rin, dahil nagpatuloy pa siya sa ginagawa niya.  Okay fine! This is final and I'm going home. . "Uuwi na ako, Clyde. Salamat sa offer! Pero hindi kaya ng konsensya ko." . Huminto na  siya at tinitigan ulit ako. And here we go again with his intimidating stare. Para siyang leon at kulang na lang ay kainin ako ngayon ng buhay! . "Aren't you going to stay for a few days?" pormal na tuno ng boses niya. "I was about to. But I've changed my mind." "And why is that?"  . Humakbang na siya palapit sa akin at ininom ang kape niya. Nakatingin na ako ngayon sa kamay niya. Ewan ko ba kung anong meron sa bwesit na kamay na 'yan! Hindi maalis-alis  sa isip ko ang ginawa niya sa babae kanina.  Ugh, ew! Nakakaloka! . "Basta! Nagbago na ang isip ko. At wala na akong gagawin dito. I better go home and take my time of there in my hometown. Baka ano pang magawa ko rito na hindi maganda sa buhay ko at pagsisisihan ko pa!" kunot-noo ko sa kanya. "Okay. If that's what you really want," sa kibit-balikat niya. Hindi ko alam pero naiinis ako ngayon sa kanya. "Salamat!" sabay irap ko at talikod na. Pero humarap ulit ako nang maalala ang ina niya. "And by the way. I will change my number so that your weird mom cannot call me again! Ikaw na ang bahala mag-explain sa ina mo! Problema mo na 'yan!" . Nagkibit-balikat lang siyang nakatayo sa gilid at walang pakialam sa mundo. I don't care! Bahala na siya sa buhay niya. I have my own life to worry too. Bumaba na ako na naiinis. Naiinis ako sa sarili ko. Nakangiti naman sa akin ang empleyado niya sa information desk. - "Good day, Ma'am!" "Um, hello," pilit na ngiti ko "Ibalik mo ito sa amo mo! Pakisabi, salamat!" padabog ko. "O-okay, Ma'am. . .  Akala ko po mag stay pa po kayo Ma'am? Ibinilin pa naman kayo sa amin ni Mrs. Blumer." Napangiwi tuloy ako habang nakatitig sa kanya. Ang malas ko talaga! "Ah, about that? Don't worry. Break na kami ni Clyde. Tell your boss he can kiss all the  woman here if that pleased him. And don't worry about her, mom. E, mukhang mabait na tigre naman ang ina niya. Kaya bye na!"  . Ngumiti na ako at inirapan na siya. Napakamut pa tuloy siya sa ulo nitya. Ang baliw ko talaga! E, halata naman na walang alam ang mga emplyedo niya sa nangyari sa amin. At iniisip nila na ako talaga ang girlfriend ng leon na iyon! Ang baliw lang din ah! . "Can you call a taxi please?" galang na pakiusap ko. "Okay, Maam. Wait lang po." . Mabilis kong kinuha ang cellphone at nag research ulit kung saan puwede ako maka-stay man lang nang tatlong araw. I cannot go home, not yet, as my ticket has moved already. I'll be better of to be away from here and away from all this messed. . "Nasa labas na po, Maam." "Sige salamat ulit," ngiti ko. . Pumasok agad ako sa taxi na naghihintay. Binigyan ko ang driver ng direksyon kong saan ako patungo. Taliwas na ito at nasa kabilang bahagi ng mapa ng Puerto Prinsesa. Mas mabuting bumalik ako roon. At least, hindi na malayo sa airport. Medyo malayo nga lang ang biyahe, pero okay lang. Nakiusap na ako sa driver tungkol sa bayad at pumayag na siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog na. Sa pagod kong isip, ay hindi na ako nakakapag isip ng maayos. I am listening to my heart now and at least it's more bit better and I am okay. Nagising akong medyo masakit ang ulo. Tiningnan ko ang relo na suot, at tahimik pa din na nagmamaneho si manong driver. . "Malapit na ba tayo, manong?" "Malapit na, Ma'am. Mga limang minuto na lang siguro." . At inayos ko na ang sarili. At sa wakas nakarating na ako. Hindi man ito kasing vintage style at unique gaya ng sa BV. Pero modern style naman. Malaki na hotel at malaki rin ang area. Maraming bisitang turista na nasa check in desk. Malapad ang ngiti ng mga empleyado sa akin. Binuksan ko rin ang silid at nilagay sa gilid ang card. Lumiwanag  ang buong paligid. A decent size room hotel and it's comfy and beautiful. Binuksan ko na ang bintana at tinanaw ang baba. Nasa ikasiyam na palapag ako. Nang nilingon ko ang baba. Nakita ko ang napakalaking infinity pool na may letrang guhit na CHB  sa gitna. That's really cool and beautiful. Isip ko habang tinititigan ito.  Nilanghap ko ang hangin. I hope for the remaining days here are fine. No more mess. No headache.  No more heartache and just beautiful memories. . . C.M. LOUDEN, VBomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD