Kabanata 2. The Wicked's Mum

2668 Words
The Wicked's Mum. . . Walang imik akong nakasunod sa kanyang empleyado. Nasa sa ikatlong palapag na kami kung hindi ako nagkakamali. At sa wakas ay narating din namin ang pinto. Huminto siya at nag scan lang ng kung ano. . "Pasok na po kayo, Ma'am."  Inilagay niya agad ang bag ko sa gilid ng kwarto at pumasok na ako. "Salamat," tipid na tugon ko. Wala na akong lakas. Nanghina na ang buo kong sistema ko. May iniabot siya sa akin na parang susi pero hindi susi ito. "Heto po, Ma'am. Hindi po kayo makakapasok sa kwarto 'pag nakalabas kayo na wala ito. Exclusibo po kasi itong silid at finger print sensor po. Tanging si Sir Clyde lang po ang may access. Sabi naman niya na ibigay ko ito sa inyo pansamantala." Tumango na ako at kinuha ito sa kanya at 'saka binigyan siya nang pilit na ngiti. "Salamat ulit." "Sige po, Ma'am. Tumawag lang po kayo kung meron pa po kayong kailangan." Yumuko na siya at lumabas na. . Tiningnan ko muna ang buong silid. It's huge and beautiful. In the main entrance is a very nice cosy lounge. Sa gilid naman ay ang napakalaking kusina at talagang malinis na malinis ito. Pero mas una kong hinanap ang pinto ng banyo at pumasok agad ako rito. It's very luxurious bathroom with a jacuzzi  on the side and a stand up shower on the other side. Everything is complete. Kaya naligo muna ako sa katamtamang init ng tubig. . Mainit sa pakiramdam ang katamtamang init ng tubig na pumapatak sa buong katawan ko. Sa lahat nang nangyari sa araw na ito ay wala na akong lakas sa sarili ko. My energy got drained, at blanko na pati ang utak ko. Ang puso ko na lang 'ata ang tanging masakit. Hindi ko pa maalis ang sakit nito. Kahit ano ang pilit ko na hindi isipin ito ay walang silbe. . Stop it, Serenity! Inisip kong nakapikit. Everything is over! Wala ka ng magagawa Serenity. . . He's tied up to someone else and his heart belongs to someone else and there's nothing you can do anymore. Wala na, tapos na. . . . Pinitay ko na ang shower kasabay ng ilang minutong pag-iyak at paghagulgol. The pain is enough to kill me. It's enough for me to become crazy. Everyone is entitled to grief if they lose someone. They're entitled to cry if it hurts so much, and this is what I felt right now. Probably I'll be okay after tonight. Probably I'll smile at my widest tomorrow, Sana nga, sana nga lang. . . . Nang mahimasmasan ako ay pabagsak  akong nahiga sa kama. At dahil sa pagod na katawan ang tanging bathrobe lang ang sinuot ko. My body is aching. My eyes are tired and my heart is not at peace, and all I want to is to fall asleep. *** NAGISING ako sa sinag ng araw na galing sa malaking glass na bintana. I can see the sun way up high and when I looked at the clock in the bed side table my heart jolted. . What! Alas alas dose y medya na?! . Bigla akong napatayo at hinanap ang bag ko sa gilid. Hinalungkat ko na para mahanap ang cellphone ko. Nahanap ko agad ito at lowbat nga lang siya. Nilagay ko sa charger at gumana na ulit ito. Tinawagan ko agad si Mama para kumustahin siya. . "Hello, Ma? Sorry ngayon lang kasi ako nagising. Kumusta na si Benny?" "Everything is okay, anak. Huwag kang mag-alala." Masigla ang boses niya sa kabilang linya. "Therapy niya today, Ma. Pina-schedule ko na siya kay Kristine para naman tuloy-tuloy na ang therapy niya." "Salamat, anak. Puwede naman na ihinto muna, anak. Tutal magaling na naman si Benny at ako na lang ang aalalay sa theraphy niya." "Ma, huwag na matigas ang ulo. Gusto ko kasi tuloy-tuloy para sa susunod na buwan ay makakaya na ni Benny maglakad mag-isa. At isa pa, matanda ka na, Ma. Mahirap na sa katawan mo. Kaya huwag kang mag-alala may naipon pa naman akong pera rito." "Na hala, ikaw ang bahala, anak. The best ka talaga, anak. I love you!" "I love you too, Ma. . . Love ko kayo ni Benny bunso." "Kailan ka babalik, hija?" "Ahm, oo nga pala, Ma. One week with pay ang binigay sa akin ni Judge. Bawi raw niya sa lahat ng over time ko. Kaya next week  pa ang uwi ko. Dito na lang muna ako at magpahinga ng konti." . I lied! The truth why I cannot I go home yet is I want to make sure that I won't shed tears anymore. Ayaw kong nakikita ni Mama na umiiyak ako sa harapan niya. Kaya uubusin ko ang lahat ng luha ko rito. . "O sige, hija. Talk to you later. May nakasaing pa akong niluto. Minatamis para sa dessert." Narining ko ang salitang taglish sa kanya at ang sigla sa boses niya. "Wow ang sarap n'yan, Ma. I can't wait to taste your minatamis soon, Ma," bahagyang tawa ko. . Ganito kasi kami ni Mama kapag nag-uusap. Pinaghalo ang english at tagalog. Nasanay kasi kami noong buhay pa si daddy. My dad is very old fashion and a very well mannered. He's a good boss too. Meron kaming maliit na tubuhan sa Agusan noon. Pero dahil sa hindi naging maganda ang takbo ng negosyo ay nahinto ito at naibenta ang halos lahat ng tubuhan. May natira na lang konti at lupa na lang iyon. . Balak ko sanang ipa develop kaso kulang naman sa pera. Malaki kasi ang nagasto namin noon sa gamot at hospital ni daddy, kaya halos naubos ang ipon namin. At ngayon ang kapatid ko naman ang pinagkakagastusan ko. He's okay, but a bit of autism. Pero dahil sa treatment at therapy ng kapatid ko  ay malaki ang pagbabago nito sa buhay niya. . "Okay, Ma. I love you. Ingat kayo diyaan ni Benny." "Sige, hija. Naligo pa si Benny. Pero rinig ko tumawag na sa akin. O, sige anak, bye for now!" . Ibinalik ko sa bag ang cellphone at inayos na ang sarili. Naligo ako nang madalian at sinuot ang jag skinny jeans at puting t-shirt.  At dahil basa ang rubber shoes ko ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pero may nakita akong tsinelas sa gilid, kaya ito na nag ginamit ko. . Nang matapos ay kinuha ko ang bag at gamit ko na iilan. Nilingon ko muna ang buong kwarto at namangha ako sa ganda nito. I have never had a good look at it last night, dahil na rin sa dami ng nangyari kagabi. Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon. The long slept had helped me and both my mind and also my heart is a little bit okay. Nang makababa ay bumangad sa akin ang ngiti ng isa sa mga empleyado na nasa information desk. . "Hello. Ahm, mag c-check out na sana ako. Salamat nga pala kagabi," ngiti kong tugon. Ibinigay ko na sa kanya ang sensor card at maingat niya itong tinangap. "Magkano ba? Para mabayaran ko," pagpapatuloy ko. Natahimik agad siya at tinitigan lang ako. "Bakit? May mali ba?" "Kasi , Ma'am. Akala ko - teka lang po, tatawagan ko lang si Sir, Ma'am." . Ngumiti na ako at tumango lang din. Hinintay siyang matapos sa kausap niya sa kabilang linya. Nang natapos na siya ay humarap akong nakangiti sa kanya. . "Ma'am, kayo na lang po kumausap kay Sir. Nasa pool area po siya." Tumaas na ang isa kong kilay at naguguluhan akong tinitigan siya. "Ha, Bakit?  Hindi ba puwedeng huwag na. Babayaran ko na lang sa normal na halaga." "A, e, m-medyo. . ." "Magkano raw ba?" "35,000 po, Ma'am." "What!?"  Nanlaki ang mga mata ko.  "I didn't even had enough time staying in that room and you expect me to pay the whole amount?" "Kaya nga, Ma'am. Mas mabuti kausapin ninyo po si Sir." . Natahimik ako at nag-isip ng saglit. That 35,000 is 10 sessions of my brother's therapy. Sayang naman! Kahit pa kaya ko namang bayaran. Nanghihinayang lang ako sa pera. Alam kong ka hiya-hiya ang nagawa ko kagabi at isa ito sa mga dahilan kaya ayaw ko na siyang makita pa. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. . "Asaan daw siya?" mahinang tanong ko. "Nasa pool garden area , Ma'am." Tumango na ako at huminga na ng malalim. "Sige salamat. Puntahan ko muna." . I will just swallowed my pride. May pride pa ba akong natira sa sarili? Naku! Wala na 'ata. He already saw me last night in my worst state. What else is left? I don't care anymore! . Unang bumungad ang infinity pool sa labas nang hardin na nakaharap sa dagat. Maganda at nakamamangha ang lahat dito. Ngayon na maliwanag na ang buong paligid ay makikita mo na ang ganda ng boung Villa. It's like a separate paradise. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa marating ko ang dulo nito. Nagulat pa ako sa biglang nakita. . On his back, his half naked body is in perfect shape with a beautiful tribal lion tattoo on his left side. Although, I never like men in their tattoos but whatever it is on him that art on his skin suits perfectly and he's kissing someone! Napailing ana ako. Ugh, playboy! That image suits him very well. Imbes na tumalikod sa sarili ay mas tinitigan ko pa silang dalawa ngayon. Hindi ko alam, pero parang baliw rin ako sa sarili ko habang pinagmamasdan silang naghahalikan. . His body muscles moves like an art while giving an intense kissed to that woman. And what surprised me more was when I saw how his hand unhooked her bra and cupped her breast! "What the - heck! s**t!" mura ng isip at tumalikod agad ako sa kanilang dalawa. Mabilis akong humakbang palayo. Nanayo ang buong balahibo ko sa batok at mas kinabahan ako sa sarili ko. . Why did I even look? I should not at the first place! Ang baliw mo lang din Serenity! . Mabilis kong sinara ang pinto ng kwarto nang makabalik ako. Kumuha ng malamig na tubig na galing sa ref. My entire system is on fire! Ang init! Pinagpapawisan ako at hindi maalis-alis sa isip ko ang ginawa niya kanina. Makailang ulit pa akong napailing sa sarili. . Goodness Serenity! Marami na naman akong nakikita sa tv na kissing scene at love making. Pero iba pala talaga kapag nakita mo ito nang live! . Ginulo ko ang sariling buhok. Hay naku! At tiningnan ko na ang sarili sa salamin. I can't imagine myself and I looked so pathetic! My goodness me, Serenity! . Imbes na mag check out ay heto ako ngayon nakabalik sa kwarto niya. Nawala ako sa sarili ko at panay ang pabalik-balik na lakad ko. . Bahala na! I will pay the whole amount. Who cares. Basta ayaw ko na siyang makitang muli! . Kinuha ko agad ang bag at binuksan ang pintuan. Pero nagulat ako dahil sa isang babae na bumungad sa harapan ko. On her widest elegant smile, from her head to toe with all red!  Her beautiful and elegant look wearing her red hat on. Her cherry ripe lipstick on her pouty lips and a dark oversize sunglass. Everything at her is a beauty. Kahit na may edad na siya ay hindi maitatago ang likas na ganda niya. . "Hello, dear!" maarteng boses niya at nakangiti pa. . Natulala na ako. I couldn't even smile at her and just wondering who's this woman in front of me. At imbes na lumabas ako ay napaatras pa ako ngayon pabalik sa loob ng silid. . "Ahm, I'm sorry, hija. I didn't even send a notice," she smile. "By the way. I'm Mrs. Cynthia Heart Blumer. Clyde's Mom," ngiti niya habang inilahad ang kamay nito. Tinangap ko agad ito nang walang pag alinlangan. Nakakahiya lang din dahil siya pala ang ina ng may-ari ng Villa. Napalunok ako nang maalala si Clye. "Where's Clyde?" sabay tingin niya. "Um, si Clyde? A-Ano eh, N-nasa," nauutal kong tugon. Hindi na tuloy ako makapagsalita at mas kinabahan na ako sa tindi ng titig niya. Nabigla na lang din ako dahil sa biglaang pagpasok ni Clyde ngayon. Napako agad ang paningin ko sa kanya. "Mom!"  Humalik agad siya sa ina at parang nataranta pa. "Oh, hijo? Sorry I didn't notify you, but I don't need your permission anyway," ngiwi ng ina niya. "You never told me that you have a beautiful guest here, hijo. Kaya naman pala," hakbang niya palapit sa akin ngayon. "You never show up on my arrange dates for you, anak. Kasi meron na pala? When are you going to tell me, son? Hindi ko pa malalaman kung hindi ako pa mismo ang pumunta rito," saad niya habang inaayos ang kwelyo ng damit ni Clyde. "Mom. Can we talk in private?" titig niya sa ina at tiim-bagang nito. "Oh no, hijo. I don't want that. All I want to know is who's going be my daughter in law?" . Matalas ang tingin niya sa akin. Mula ulo hanggang paa, pero nakangiti naman ito. Maingat siyang lumapit ulit sa akin at tinitigan ako sa mata. . "Hija? Bakit maga ang mga mata mo? May problema ba?" pagtataka siya. "Ho? Ah, wala po!"  Sinuot ko agad ang shades na itim at kinuha ang bag ko sa gilid. "Excuse me, po, p-pero kailangan ko na pong umalis - " "Why, hija? Is Clyde giving you a hard time? Pagpasensyahan mo na ang anak ko. Matigas kasi ang ulo ng batang ito. Don't worry, hija. Ako ang bahala sa kanya." . Kinindatan niya ako at kinuha ang bag na hawak ko ngayon at ibinaba pa ito pabalik sa sahig. Napaawang na ang labi ko at nilingon ko na si Clyde sa gilid na nakatayo lang at walang ginawa. . "Ahm, hindi po! I think It's a misunderstanding." Then in an instant Clyde grabbed my hand tightly with possession. "Hang on, Mom. Mag usap lang muna kami," kindat niya sa ina. "Ha? A-Ano?" litung tugon ko. . Hinila niya ako patungo sa banyo at mabilis na isinara ang pinto. He then pushed me against the wall. Putting his hands next to my head as he moves closer towards me. . "Hey, don't speak anything in front of my mother and just go with the flow," on his husky voice.  "In exchange. You can stay here as long as you like for free. You don't have to pay anything. Can you do that for me?" on his deep baritone voice yet, sexy. . Makailang ulit pa ang pagkurap ko sa sarili. Magkalapit lang ang mukha naman sa isa't-isa at isama mo pa ang mabangong init na hininga niya. My goodness, ang baliw ko na! Halos hindi na nga ako makahinga ngayon habang tinititigan siya.  Do I have to agree? Come on Serenity mag isip ka! All expenses are free, sabi niya 'di ba? E, bakit tinititigan ko lang siya ngayon at wala ni isang salita na lumabas sa bibig ko. . "Are you okay with that?" sabay lunok niya at napayuko na. Mas umigting ang panga niya at napako na ang paningin ko sa mga labi nito. "Okay, here's the deal. All are free including your meals. Name it you have it. Deal?" seryosong titig niya sa mga mata ko. Mas kinabahan ako at nagmarathon ang puso ko, at hindi ko maintindihan ito. "H-Ha?" awang ng labi ko. "Deal! Good," sa tamis na ngiti niya at kagat-labi nito. . Bumitaw agad siya at tumalikod na. Naiwan akong tulala sa sarili habang pinagmamasdan ang likod niya.  My goodness me! Did I just agreed to him? Pumayag ba ako? E, hindi 'ata ah! Ang baliw lang din ng lalaking 'to! Bahala na nga!  I will think about this as a fun experience in El Nido. And besides, I still have four more days to spend here. I will just go with the flow. . . C.M. LOUDEN, VBomshell
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD