The Wicked's Offer.
.
.
It was a late lunch but early dinner. Iyan ang nangyari sa pagkain ko. I noticed lumiit ako ng konti nang timbangin ko ang sarili. Ba't ba kasi may measure scale rito? I've lost two kilos in a week. Dahil siguro sa kakaiyak at stress sa El Nido. I'm not going back there not unless if in case of emergency.
.
Naglakad muna ako pagkatapos kumain. Hapon na kasi at gusto kong makita ang paglubog ng araw. Napaupo ako sa may batuhan na bahagi. May iilang nakikinood sa paglubog nito. Pero halos lahat sa kanila ay may kanya kanyang nobyo/nobya.
.
Ano naman ngayon kung single ako? I was broken already when Vincent marry someone right in front of me. My heart was broken and shuttered into pieces. Totoo nga siguro ang kasabihan na 'promises are meant to be broken'. O, sadyang umaasa lang tayo sa wala?
.
It may take a while for my heart to heal. I don't know, hindi ko alam. But I do hope that this will be my last. At sana ang susunod ay ang tamang tao na ang magbibigay ng kaligayahan sa puso ko, at sana ang taong iyon ay mamahalin ako ng buong-buo.
.
Dumilim na ang langit at nakikita ko na ang kinang ng buwan. Naalala ko tuloy ang nangyari sa akin sa Villa. Ang pagsagip sa akin ni Clyde. Ang pagkukunware kong girlfriend niya, at ang hindi mawala-walang paghalik niya sa babae.
.
Ew, ewan ko sa 'yo, Serenity! I shook my head in disgust. Clyde is a freaking playboy! Isip ko
.
Ang mga katulad niya ang mas masakit mahalin, dahil kapag nasaktan ka ay sobra- sobra pa. I don't have any experience when it comes to men. I had only Vincent from the start. I was attracted to him because he was nice, gentlemen and was not a playboy. Pero niluko pa rin ako! Hmp, pare-pareho lang silang lahat! Mahilig magpaasa!
.
I yawned and I hope I can sleep early tonight. Pero nawala ang excitement ko sa titig ng araw nang biglang tumunog ang cellphone ko.
.
"Hello, Serenity speaking," casual kong tugon. Numero lang kasi ang lumitaw sa screen nito.
"Hey, can we talk?" baritonong boses niya.
"Huh?"
Napatingin agad ako sa screen ng cellphone.
"Sino ito?"
"It's Clyde here."
"Oh, I see. . ." saad ko at napangiwi na sa sarili. HIndi ko kasi inisip na tatawag siya. Para sa akin tapos na ang pagkukunwari naming dalawa.
That was unintentional mistake and I don't want it to happened again.
"What do you want? And if you're going ask me again for a favor my answer is no, Clyde," direktang tugon ko.
"Would you please hear me out."
"No! And don't call me again!"
Pinatay ko na agad ang tawag at mas lalong kumunot na ang noo ko.
Ano na naman ba Clyde? Tapos na tayo sa pagkukunwari natin kaninang umaga. Ayaw ko na, masyado ng komplekado ang lahat. Aalis na sana ako sa puwesto pero tumunog lang din ulit ang cellphone ko.
"Clyde I said no!" taas na boses ko. Inaasahan ko na kasi na siya pa rin ito.
"Hello dear, hija? Serenity?"
.
Boses nang babae ito at nang maalala ko kung kaninong boses ito ay napatayo agad ako. Boses ng ina ni Clyde.
My goodness me!
.
"Um, hello po, Mrs. Cynthia," ngiti ko habang kausap siya sa linya. Para tuloy akong tanga!
"May ginawa bang mali si Clyde, Serenity?"
"Huh? A-ano po kasi ano--"
"Look, hija. Alam kong hindi dapat ako nanghihimasok sa inyo at alam kong medyo may pagka-playboy ang anak ko. Bentong told me that you left the Villa. Dahil nakikipaglampungan si Clyde sa mga babae roon," buntonghininga niya.
"Alam kong umiiwas siya sa lahat ng mga desenteng babae na pinapakilala ko sa kanya. I just want him to settle down. Pero sadyang matigas ang ulo ng anak ko, Serenity... At pagdating naman sa mga babae alam ko na marami sila. Pero ikaw ang gusto ko para sa anak ko. Kaya kung may nagawa man siya ngayon na pagkakamala puwede mo bang mapatawad ang anak ko? Can you please forgive him, just this one. Please, will you?" maarteng boses niya.
"Look, Mrs. Blumer - " Gusto ko na sanang magsabi ng totoo, ayaw ko ng magsinungaling dahil nakaka guilty na ito.
"Clyde is not. . ." Hindi ko tuloy matapos ang sasabihin ko dahil mag biglang kumuha ng cellphone ko, at si Clyde ito.
What the hell, Clyde! Nanlaki pa tuloy ang mga mata kong nakatitig sa kanya.
"Ma, I'll handle this matter okay. Love you, bye!" sabay patay niya agad sa tawag.
Tiim-bagang siyang nakatitig sa akin ngayon at halos umusok na ang tainga ko.
"And what do you think you're doing?"
Namaywang lang siya at tinitigan ako. And here we go again. His brows furrowed but his eyes became soft. Ang mala-tigre na titig ay nawala sa mga mata niya at naging maamo ito.
"Look, Clyde. I don't want to do this and let's be honest for Christ sake! I don't even know you. Hindi kita kilala, at bakit mo ako sinusundan? Baliw ka ba? Stalker ba kita? Huh!" taas kilay ko.
.
He didn't talk and just stared at me deeply. The comfort stare of his dark brown hazel eyes became weak, but then strong. Para akong natunaw sa ganitong titig niya, kaya napalunok akong tinitigan siya.
.
"Cyde Heart Blumer, thirty one years old and I'm single."
Naglahad siya nang kamay at seryoso ang mukha. Bahagyang napangiti ako at napailing na.
"Huh, pinaglalaruan mo ba ako?" pamaywang ko.
"No, not really but a little bit."
Napangiwi ako sa sarili at parang nabinat ang panga ko sa patungo sa lupa!
"Wow, straight to the point ah." Humalukipkip na ako at mas natawa na.
"I'm just here for one thing and that thing still stand for a negozation, Serenity," seryosong saad niya.
"And why would I take your offer, Clyde? Tell me and try to convince me this time."
.
Sa pagkakataong ito ay gusto kong makinig sa kanya. Sira na nga 'ata ang isip ko at wala na nga siguro akong magawang tama. Kasi nakikinig na ako sa baliw na mukong na 'to!
One crazy person plus another one crazy me will lead to a disaster.
.
"Mahirap kalabanin ang ina ko, Serenity. Hindi mo pa siya kilala."
"It's okay. Sanay na ako sa mga tao na mahirap kalabanin. Trust me, ang dami na nila at ang iba kliyente pa ni Judge," ngiti ko.
.
Totoo naman ito. Ang daming baliw na kliyente ni Judge na nakakasalamuha ko sa araw-araw. At ang iba pa nga sa kanila ay mga totong baliw talaga! Kaya hindi na bago sa akin ang mga ugaling ganito.
.
"I can see that she started to trouble you, and it doesn't end here, Serenity. Hindi titigil ang ina hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."
"At ano naman ang gusto ng ina mo, Clyde?"
Natahimik siyang saglit habang seryosong nakatitig sa akin.
"Me getting married to you," tipid na sagot niya at titig sa akin.
"A-ano?!" Bahagyang tawa ko. Natawa agad ako nang marinig ko ito. Ang baliw lang din!
"Nagbibiro ka lang ano?"
"Do I look like I'm telling some jokes, Serinity?"
.
Nagtitigan kami ng iilang segundo at napakurap na ako. Umiwas agad siya sa titig at naupo na sa katabing batuhan sa gilid ko. Nakatitig na siya ngayon sa araw na papalubog na.
.
"No freaking way. . ." mahinang tugon ko at nawala ang ngiti sa labi ko.
"Yes, no freaking way," sabay ulit lang din niya sa sinabi ko.
.
Now I can see his not faking it. Tumitig na ulit ako sa kanya at nang makita ang seryoso niyang pagmumukha ay napamura pa tuloy ako nang tahimik sa sarili.
.
"So, how can we get out of this? You started this not me," ngiwi ko.
"That's why let's make a arrangement, Serenity. Let's negotiate."
.
Nagsalita siyang sinuklay ang buhok gamit ang kanyang daliri.
That freaking hands, eww! Why the hell I imagine it all the time? Gusto ko na itong maalis sa isip ko. Manyak!
.
"Baliw ka na ba, Clyde?"
And with a smirked on his face he then stared back at me. "I've been there, so don't worry. I'm beyond your limits."
Kumunot na ang noo ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya.
"Ano? I don't get it. Can you elaborate?" taas kilay ko.
"Can you handle it? I bet you cannot, so better keep it secret, Serenity."
"Hmp, baliw ka na nga, Clyde," sabay iling ko.
"Well, it's not like you like me. . . or do you?"
Umalma ako at napaawang ang labi ko sa kanya.
"Of course not! Hindi kita gusto!" kunot-noo ko.
"Alam ko, kaya nga gawin natin 'to, Serenity. Let's do this and besides you're not my type. I'm not going to fall in-love with you. I know myself and you're not my type."
.
Bahagya na siyang natawa niya at napailing na. Nanliit tuloy ako sa sarili ko. Oo nga naman. Ano nga bang meron sa akin at magkakagusto siya? E, wala naman! Alam ko iyon at hindi ako tanga. I don't need his verbal abuse.
.
"Ayaw ko! Maghanap ka nga nang iba. Marami ka namang mabibiktima 'di ba? E, 'di doon ka sa kanila!"
.
He shook his head and smirked. May mood swing yata itong baliw na ito!
Huminga siya ng malalim at dinukot ang cellphone sa bulsa niya. May mensahi siya at binasa ito. His facial expression suddenly turns sour after reading the message. Binalik niya agad ito sa bulsa at tinitigan na ako.
.
"Name your price, Serenity. Sky is the limit."
.
Bahagyang napaawang ang labi ko sa narinig.
Is he being serious? No way! Natahimik ako ng iilang segundo at ganun din siya. Ngayon blanko na ang isip ko. Hindi naman sa naakit ako sa pera pero unang beses ko ito. I never thought that someone like him could offer this much desperately.
.
"Still my answer is no, Clyde," kalmadong tugon ko.
.
His jaw tightened while staring at the sunset. Hindi na siya nagsalita at nakatitig lang sa kawalan. Napatitig na akong bahagya sa mukha niya, at kahit medyo madilim na ay malinaw ko pa rin nakikita ang guwapong pagmumukha nito.
.
There's probably more on him than the offer itself. Iba kasi ang nakikita ko sa kanya ngayon. Tumitig ulit ako sa mukha niya at parang natunaw lang din ang puso ko.
Umiwas agad ako at napayuko na. Kung ano man 'yon ay ayaw ko ng pakialaman pa. Kakaiba nga naman si Clyde, sa tingin ko kasi ang dami niyang sekreto talaga.
.
Tumikhim na siya at tumitig ulit ako sa kanya. We stared and at the same time we looked away. Naging tahimik at pinakiramdaman ko na ang paligid. Huminga ako ng malalim.
Hay naku, ang puso ko talaga sadyang maawain. Ito na siguro ang pinakamalaking kahinaan ko sa buhay.
I cannot ignore it. Like my dad when he was alive he also can't ignore request and offers from the heart. Sadyang namana ko ang puso ko sa kanya sabi nga ni mama.
.
"Puwedeng pag-isipan ko, Clyde," mahinang tugon ko.
Umaliwalas agad ang mukha niya at napatitig na siya sa akin ng husto.
"Yes, you can. I can wait until tomorrow."
.
What? Hanggang bukas lang? Ang bilis naman! Isip ko. Tumango na lang ako at tumayo.
.
"I'll better get inside, Clyde. Gusto ko ng magpahinga."
.
Pero bago paman ako nakahakbang ay tinanong ko siya ulit sa dapat ay tanong ko kanina na nakalimutan ko lang.
.
"How did you get here so quick? Ang bilis mo naman? Sinusundan mo ba ako?"
Tumayo na siya at naglakad nang nauna. Kaya patakbo akong sinundan siya.
"Hoy, Clyde!"
.
Hindi na siya sumagot at patuloy lang sa paglakad. Hanggang sa makarating kami sa loob ng hotel, sa information desk. Nagtaka na ako kung paano niya nalaman ang lahat ng ito. Naka-check in din ba siya rito?
.
"Good evening, Sir Clyde!" pormal na tugon ng empleyado sa kanya.
"Please upgrade Ms. Saldivar room."
"Yes, Sir. Sa anong unit, Sir?"
"Sa Presidential unit. And please accompany her and give all her needs."
"Oo po, Sir."
.
What? Did I heard it right? Tama ba 'to? O nananaginip lang ako?
Tsk! Sino ka ba talaga Clyde? I was really thankful that you have saved me and I regret when I agreed to be a fake girlfriend and now? Huh, disaster na yata ito! Sigaw ng isip ko.
.
Humarap agad siya sa akin at gumuhit ang pilit na ngiti sa labi niya. Napako na ang mga mata ko sa kanya.
.
"Does that answer your question, Serenity?" He seriously smirked and winked on me and then he walk away. . .
Napaawang lang ang labi ko. Wala na yata akong kawala sa leon na ito!
"Ma'am samahan ko na po kayo sa bagong unit," saad ng empleyado sa akin.
.
Tumango na ako sa kanya. Then I remembered I had my stuff on the other unit. I have to get them first before I can move or transfer.
Pumayag siyang sumama sa akin muna para makuha ang gamit ko sa bagong paglilipatan ko.
.
NAPANGANGA lang din ako nang makapasok sa presidential suit na silid. Ang bongga nga naman talaga! Para naman akong napaka-importanteng tao para ma deserve ito.
Sa balkonahe agad ako nagtungo at naupo rito. Tinitigan ko na ang kabilugan ng buwan at tahimik na ang lahat. I wanted to feel peace in everything right now. Pero sadyang marami akong iniisip.
.
If I will agree to Clyde's offer what will happen to me? I know mas mapapaganda siguro ang buhay ko. To think his got all that it takes and money in the world. Well, it's an advantage in my part. Pero hindi 'ata kaya ng konsensya ko na pera lang ang tanging kailangan ko sa kanya.
.
I can manage on my own without someone's help. I know I can. I've been living my life like this for ages. Hindi naman sa naghihirap kami dahil normal naman ang pamumuhay namin. To think wala naman talaga akong problema sa pera dahil okay lang naman kami na kagaya rin ng iba.
.
Pero sadyang hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Cylde. Ang bawat buntunghininga niya.
Although I find him 'maniac' eh may pagka-gentlemen naman siya kahit papaano.
And falling in love is not an option for me nor choice. Dahil ayaw ko muna. Masyado pang masakit ang bakas na iniwan ni Vincent at ngayon na naalala ko na naman siya ay nagsimula na naman ang luho ko.
.
It will take time to heal everything. Time to forgive and to love again. But to make things heal faster one solution is diverting ones feelings to someone. Possible ba na si Clyde na lang ang iisipin ko ngayon?
Hay, naku. Bahala na!
.
.
C.M. LOUDEN, VBomshell