Meeting the Wicked
.
.
Nilakad ko ang kahabaan hanggang sa dulo. Sumakay ako ng taxi at nagtungo sa isang Villa. Mas gusto ko ito dahil malayo sa karamihan ng tao. Sa internet ko ito nakita. Pribadong Villa na sadyang exclusibo at maganda. May kamahalan nga lang, pero bahala na.
.
All I need is to get away from that place. May naipon naman akong pera para sana sa kasal namin. Kasal? Huh, wala ng kasal na magaganap Serenity! Ang tanga ko talaga! Pilit kong pinunasan ang luha sa mukha. Nagtaka naman akong tiningnan ng driver sa kanyang rear view mirror. Naintindihan niya siguro dahil hindi naman siya nagtanong.
.
Pagkaraan ng halos isang oras ay narating namin ito. Nagbayad ako sa taxi at pumasok na ako sa loob, sa information desk. Tahimik at sadyang walang tao. Pinindot ko ang maliit na bell na nasa harapan at lumabas ang nakangiting mukha at nakaunipormeng pormal na empleyado.
.
"Good Evening, Ma'am. May I help you?"
"Hi, ahm. I would love to have a room please?"
"Did you have your reservation, Ma'am?"
.
Huh, Reservation? Napaisip ako. Mali ba itong pinasok ko na hotel? Tiningnan ko ulit ang cellphone na hawak at binasa ang pangalan na nakaukit sa dingding ng Villa. Blumer's Villa, tama naman.
.
"Kailangan ba dapat magpareserve? Walk-in lang ako eh."
"Sorry po, Ma'am. Hindi po kasi kami tumatangap ng walang private reservation."
.
Napangiwi ako at inayos ang sunglasses sa mukha. Kahit gabi na nakasuot pa ako nito. Binigyan ko siya nang magandang ngiti sa harapan at pilit na umapela.
.
"Hindi ba pwede kahit ngayong gabi lang? Malayo pa kasi ang pinanggalingan ko eh"
"Sorry po, Ma'am. Pero hindi po talaga kami tumatangap ng walang reservations. Policy po kasi ng villa." Itunuro nang kamay niya ang nakasulat sa bandang gilid.
.
Private reservation are needed to get a room. Thank you for your understanding.
.
What the! Hindi na ako halos makapagsalita. Sana nga pala tumawag ako bago pumarito sa liblib na lugar na ito! Kung mamalasin ka nga naman ng sobra. Gusto ko lang naman na magpahinga. Matulog at magmukmok sa isang sulok. Pero pati ba iyon ipinagkait din ba? Inisip ko na lang na kaya ko 'to. Ngumiti ulit ako sa kanya. Pero hindi ko maitago ang luha ko dahil pumatak na naman ito. Naalala ko si Vincent. Naalala ko ang walangpusong hayop na Vincent!
.
Kumunot ang noo niyang tinitigan ako at napalunok na.
.
"Wait lang po, Ma'am. Tatawagan ko lang po si Sir, iyong may ari. Baka pwede po kayo kahit ngayong gabi lang," sa awang titig niya.
Ngumiti na ako. "Talaga? Salamat!"
"Hello, Sir. May walk in po tayong customer babae at—"
.
Hindi pa nga siya tapos nagsalita ay nag-iba na ang timpla nang mukha niya. Hindi ko man narinig ang pinag-uusapan nila ay positibo akong hindi ito na kombensi at hindi pumayag. Binaba na niya ang tawag.
.
"Ma'am, sorry po talaga. Hindi po pumayag ang may ari."
"Okay lang. Salamat ulit." Tumango na ako at tumalikod na sa kanya.
.
Wala akong nagawa kaya lumabas na ako. Tulala pa akong nakatayo sa harapan ng gate nito. Tinanaw ko pa ang boung paligid. The entrance is very beautiful. Malaki ang gate at nakaukit ang BV na desenyo. Niyakap ko ang maliit na bag kong dala at nagsimula na sa paglalakad.
.
I have nowhere to go. I have no one here. I'm just alone and all in my own. Bahala na nga! Kung saan ako dalhin ng tadhana. Wala na ako sa tamang pag-iisip ngayon. Gabi na at nakasuot pa ako ng wayfarer. If someone will see me right now? They might think I'm so stupid at this state!
.
So who cares? Stupida na nga tanga pa! I hate myself for not even thinking in everything that will comes along the way. I hate it! I was so confident and was over confident and now it hits me rock bottom.
.
Nilingon ko pa ang dagat. Hindi ko namalayan na nasa dalampasigan na bahagi na ako. Kaharap ko pa ang magandang buwan. Ang sarap niyang titigan. It's full moon and so, maliwanag ang lahat sa paligid.
.
Walang ibang tao rito malibang nga lang sa akin. Nang lumingon ako sa kanan ay kitang-kita ko ang Villa sa hindi kalayuan. There's a wood pathway down the sea in front of me. At may isang yate na nasa bandang gilid nito.
.
Tinitigan ko pa nang maigi ang lahat. Ang malaking buwan sa harap ko. Ang docking footpath at ang yate na nasa gilid nito. Napansin ko na walang tao sa yate na naka-embark. Dahil madilim naman ito at wala akong inggay na narinig mula rito. Kaya nilagpasan ko na at nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa dulo.
.
The moon is so bright and beautiful. Gumagaan agad ang pakiramdam ko. I took my sunglasses of and put it inside my bag. I wiped my tears as it constantly falling. Inayos at tinali ko na ang mahabang buhok ko. I haven't looked at myself in the mirror. So, I have no idea what image I have right now.
.
Until I reached the bottom part and sat down. I leave my feet hanging for a bit. I took of my rubber shoes and placed it beside me. Huminga na ako nang malalim at nahiga na ako. Gusto kong matapos na ang iyak ko, at naisip na kapag nakahiga ako ay hindi na ito lalabas sa mga mata. Pero mali ako, dahil tinahak lang nito ang gilid ng mga mata ko.
.
Promise huli na ito, at pagkatapos nang gabing ito ay wala na bukas. Dahil uubusin ko na ang luha ko ngayon! Napahawak ako sa kwintas ko sa leeg. Mas naiyak ako sa sarili kaya bumangon na ako at tinangal ito. Mariin ko pa iton tinitigan bago nailabas ang poot sa puso ko.
.
"s**t you, Vincent! Go to hell! Makarma ka sana!" sigaw ko.
"Sana sinabi mo para hindi ako umasa. s**t ka talaga! You've wasted the five years of my life! You wasted everything! Go to freaking hell! Bastard! Walang puso!" sa iyak ko pa rin.
.
Wala na akong pakialam kung may makarining man sa akin. Pero pakiramdam ko wala naman. Kasi nag iisa lang naman ako rito. Sisigaw ako at magmura para bukas wala na. I will move on! Hindi naman talaga ako tudong tanga. Medyo lang, pero tanga pa rin!
.
"Isaksak mo itong kwintas sa dibdib mo! Hayop ka!"
.
Itinapon ko ang kwentas sa dagat. For all I care I don't care anymore. Pero bigla akong napasabunot sa sariling buhok nang maisip na sana e-sinangla ko na lang 'yon kaysa itinapon.
Kahit kailan tanga ka talaga, Serenity! I need money right? Oo, kailanga ko ng pera. Pero kung galing naman sa kanya aymabuting huwag na!
.
"Thank you! f**k you, asshole!" sigaw ko.
"You Moon! Yes you?" Turo ko sa buwan, "Are you having fun at me right now? Hindi ka ba naawa sa akin?" sa paos na ang boses ko dahil sa iyak at sigaw na ginawa.
"Pati ba naman ikaw tatalikuran din ako?" hagulgul ko.
"Saan ba ako nagkamali? I'm a very good daughter you know! I obey Mom and Dad, at mahal ko ang espesyal kong kapatid. I do everything everyone's told me to do so! Kulang na lang gawin kong araw ang gabi para lang mabigay lahat 'di ba? Kulang pa ba?... Kulang pa ba iyon?"
"Peste! s**t na s**t!" sa matinding mura ko. Umikot ako nang umikot. Hanggang nawalan ako ng balanse sa sarili at...
.
Splash!!
.
Everything went in slow motion. I realised I can not swim. I can't really swim at all! Hindi naman sa stupida lang ako. Pero hindi rin ako marunong lumangoy. I hated to go to beaches and deep pools. Kasi naiingit lang ako sa mga kaklase ko at kasamahan ko noon. They can dive deep. They can do their butterflies, freestyle, breast stroke, and dolphin swim... While me? I cannot do anything.
.
It all started in a trauma when I was in grade school and I lose my best friend. She got drowned and I couldn't saved her. I tried my very best. She tried to reached for my hand and I tried to grabbed her but within a split of seconds, and like a blink of an eye I lost her... I couldn't saved her... Then my brother's smile came in mind.
.
Ate breath! Ate smile! Ate... Wake up!
.
I opened my eyes. My heart is pounding so hard and I tried to kick back and swing my arms. Kitang-kita ko pa ang liwanag ng buwan... Hey moon! If you see me now. I need you to help me. Please... Just this once please. Sa pikit matang pakiusap ko.
.
Then I heard someone dive-in. He grabbed me by the hand and pulled my body closer to him. I clung into him, and whisper back to the in silent...Thank you moon for sending someone to save me, thank you...
Halos ibuga ko na ang lahat ng tubig sa baga ko. I cough out as I breathe in and out. I'm alive! Buhay ako! Buhay na buhay ako...
.
Nakaluhod siyang nakatitig sa akin. Nabasa ang buong katawan niya at napako ang boung paningin ko sa magandang hubog nito. Ang basa niyang buhok. Ang matatangos niyang ilong at ang hugis puso na labi niya. Parang huminto ang ikot nang mundo ko nang matitigan ko ang patak ng tubig sa labi niya.
.
Heavens must have taken their time to mold him, because everything on him is perfect.
.
"Are you okay?" kunot-noo niyang titig sa akin.
.
Hindi na ako makapagsalita at tanging titig lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Mas kumunot na tuloy ang noo niya at napailing na ito.
.
"Hindi ka ba magsasalita? Tititigan mo lang ba ako nang ganyan?" bahagyang ngiti niya.
.
Makailang ulit pa ang pagkurap ko habang pinagmamasdan siya. Nakalimutan ko sandali and problema ko at nawala ako sa sariling isip ko.
.
"I guess you're okay."
Tumayo na agad siya at hinilamos ang palad sa muhka. Nahimasmasan na ako mula sa pagkatulala at maingat na akong tumayo.
"Salamat," yuko ko.
"Next time if you want to commit suicide don't do it here. Not here in my property. Not here in my Villa. I don't want to be on the news because of someone's stupidity!"
.
He stared at me with so much dissatisfaction. His eyes are like hawk! Nagaapoy ang galit ng mga mata niya habang tinitigan ako. Napalunok ako at gumapang ang hiya sa sarili ko.
.
"Um, It was just an accident. Umikot lang ako at-"
"Yeah? And do you expect me to believe that? Do you think people will believe you? Lasing ka ba?"
.
Inilapit niya agad ang mukha niya sa mukha ko at kinabahan na ako. Napaatras ako at napailing na. Niyakap ko pa ang sarili ko nang maramdaman ang init ng hininga niya.
.
"You don't smell like you're in toxic then why are you here in my property by the way?"
He put his hands on his hips and his brows furrowed. Pero kahit na halata sa mga mata niya ang inis ay iba ang nararamdaman ko sa kanya, at hindi ko maipaliwanag ito.
"Ahm, ano kasi— "
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot ng maayos sa harap niya. Pakiramdam ko kasi ang bawat titig niya ay nakakakaba at nakakatunaw nang kaluluwa.
"Look, Miss? Nasa teritoryo kita at lahat nang nakikita mo rito ay akin. Now, as I've told you before if you want to commit suicide for f**k sake! Then don't do it here. Not here where I can see you dying! Stupid!"
Tumingala agad siya at parang dito ibinuhos ang inis na titig sa langit bago ako tinitigan ulit.
"Ano? Naintindiha mo ba? Or do you want me--"
"Hindi naman talaga ako magpapakamatay!" sa putol ko nang salita niya, "Aksidente lang ang pagkahulog ko..." sa patak ulit ng luha ko.
.
Napailing na siyang namaywang sa sarili, at bahagyang natawa pa. His judging stares are like I'm telling a lie and it's my best excuse for myself. Kaya natahimik na ako sa sarili ko. Ano pa bang silbe kung makikipagtalo ako? E, hindi naman siya maniniwala sa akin. Pero kahit na! Ipagtatangol ko pa din ang sarili ko!
.
"I tried to check-in inside the Villa... Kaso ayaw naman nilang tumangap ng walk-in. Kaya napadpad ako rito. Malayo pa kasi ang pinangalingan ko at gabi na at-"
.
Hindi ko na tinapos ang gusto ko pa sanang sabihin at napaupo na ako sa sarili. Tinakpan ko na ang mukha gamit nang dalawang kamay ko at mas umiyak na akong lalo. Para akong bata na nawalan ng laruan at hindi ko mahanap ito.
.
"Tapos... Wala na akong mapuntahan. I have nowhere to go and I'm sorry..." sa tingalang titig ko sa kanya.
"I'm sorry kung napadpad ako rito. Hindi ko alam... Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala nang mga paa ko... I'm sorry na... I'm sorry," hikbi ko sa sarili.
.
Wala na akong pakialam pa kong sa tingin niya ay ang tanga ko ngayon. Wala na akong pakialam sa opinyon niya! Basta sinabi ko na ang naramdaman ko. Balde-baldeng luha na siguro ang nawala sa akin sa araw na ito.
.
Yes, I'm so stupid. I'm so wreck and probably so ugly right now! And I don't care. I will cry out loud and I don't care!
.
Rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Humakbang agad siya papalayo at nilingon ko na. He's walking towards the yacht. Siya pala ang may ari. Akala ko walang tao kanina. Narinig niya siguro lahat ang drama ko.
.
Mas pinikit ko na lang mga mata ko at niyakap ko na ang tuhod ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pagbagsak nang malambot na tuwalya sa katawan ko. Nabigla pa ako sa sarili at napatayo na. Mas natulala akong tinitigan siya ngayon. Nakahubad na kasi siya at tanging pantalon na lang ang suot niya. Ang baliw lang din, dahil sa katawan niya agad napako ang paningin ko.
.
In fairness ang ganda ng katawan niya. All his muscles are at place like marbles. Maganda ang kulay ng balat niya at naging mala moreno ito. Napakurap na ako at pilit na iniwas ang titig ko sa katawan niya.
.
I have never imagine that a body like him existed in my real world. Akala ko kasi sa mga pelikula lang ng action romance movies. E, sa totoong buhay meron naman pala. At nandito ito ngayon sa harapan ko. May katawan naman si Vincent, but he is not even half of what this man have now in front of me.
.
Tumalikod na siya at may tinawagan lang. Ibinalot ko nang buo ang tuwalya sa katawan ko dahil nanginig na ako sa ginaw. After a few minutes of talking to someone on the phone he stood up and stare at me again. He's brows lifted while staring at me. I can see that he's not happy.
.
Sadyang ganito ba talaga siya? Even the way he stare at me is way much intimidating. He's like a lion that's very hard to tame. I'm not a psychologist. Pero kahit papaano ay marunong naman ako kumilatis ng tao base sa pisikal nilang anyo. I dealt with different types of clients under my boss. At alam ko na ang isang katulad niya ay mahirap pakisamahan.
.
They're very dominant, perfectionist to the highest level and the word 'tame' doesn't exist in their world.
.
Nanginig na ang panga ko sa ginaw. Nanginig pa ang buong katawan ko habang nakatitig sa kanya. Gusto kong magsalita pero umurong lang ulit ang dila ko at tanging titig lang din ang kaya kong ibigay sa kanya.
.
"Sir, Clyde!"
Palapit ang isang pamilyar na lalaki sa kanya at nilingon niya agad ito. May binigay siya sa lalaki at tumango ito sa kanya.
"Take her to my room. I won't be staying there."
"Yes, Sir."
.
At pagkatapos ay nilagpasan na niya ako at nagtungo sa yate niya. Napatitig ako sa lalaki at naalala ko na siya pala ang lalaki sa front desk kanina. Napaisip akong tinitigan siya at nabaling ang tingin ko sa mukhang tigre kanina. Papasok na siya sa loob nang yate ngayon.
.
Siya ba ang nagmamay-ari ng Villa na ito? That hot good looking lion? Hay naku, bahala na nga! Basta may matutulugan lang ako ngayong gabi ay okay na.
.
Kinuha ng lalaking naka-uniporme ang bag ko at sapatos, at nauna na siyang naglakad. Pero nahinto siya at nilingon ako. Hindi pa rin ako makagalaw at parang ang hirap ihakbang nang mga paa ko. My entire body is trembling and my brain is not functioning.
.
"Hali na po kayo, Ma'am.Maginaw po!"
Tumango na ako at mahinang humakbang papalapit sa kanya.
.
.
C.M. LOUDEN, VBomshell