Simula
.
Broken vow
.
.
"Yes Sir, in five minutes po!"
Hindi ako mapakali habang nakatingin sa kahabaan ng traffic.
"God! Maiiwan na 'ata ako ng Eroplano," kalma ko sa sarili.
Tumunog ulit ang cellphone ko.
"Hello, Sir. Pasensya na po traffic. Pero malapit na po ako."
"How far are you?"
"Malapit na po. Nakikita ko na po ang airport."
"Bumaba ka at maglakad, bilisan mo! Ikaw na lang ang hinihintay ng flight attendant!"
.
Hindi na ako nagdalawang isip. Bumaba na ako at mabilisang tumakbo. My heart is panting, my sweat is falling and my dress? . . my dress is ruined!
Inukay-ukay ko pa naman ito ng three hundred pesos sa bangketa para lang may masuot. Inayos ko nang mabilisan ang sarili. At sa wakas ay nakarating din ako sa front desk, checking in sa loob. Hiningal pa ako. Ngumiti na ang flight attendant sabay sabi.
.
"Enjoy your flight!"
.
Nasa Economy seat ang upuan ko. Samantala ang boss ko naman ay nasa Business Class. Isang oras at kalahati rin ang biyahe. Okay na 'to may oras pa akong mag-ayos sa sarili at magpaganda. Isip ko.
Inilabas ko ang make up pouch at nagsimula na sa sariling ritwal ng mukha. Umirap naman ang katabi kong matabang babae. Binigyan ko lang siya nang malawak na ngiti.
.
Ang pagkakaalam ko ay kasal ang pupuntahan namin sa El Nido. At ang boss ko ang magiging Marriage Officiant. Personal na sekretarya niya ako, at apat na buwan pa lang ako sa trabahong ito. Hindi madali, pero may alam naman ako sa pagiging sekretarya. Dahil na din sa naging work background ko ito noon.
.
Nang matapos na akong mag make up. Ang buhok ko naman ang pinagkakaabalahan ko. Paano ba 'to? Sadyang wala talaga akong ka alam-alam sa pa arte-arte ng mundo! Naubos ko na lang ang tatlumpong minuto ng walang nagawa sa sarili. Kaya as normal, 'ponytail' na naman.
.
Nang mag-serve na ang mga flight attendants nang snacks natuwa ako. Paano ba naman kasi wala pang laman ang tiyan ko. Naghintay ako pero tubig lang ang inalok sa akin. Bakit? May mali ba sa booking ni Theresa? Sa pagkakaalam ko flight saver ang kinuha niya. Mura lang daw kasi sagot daw ng kompanya.
.
Hay naku, si Theresa talaga! Sana pala ako na lang ang gumawa sa bookings. Isip ko. Nang nilingon ko ang likod ng upuan ay may tag itong yellow. Okay, ngayon ko lang din naalala 'No free meal/snacks' pala itong na book ni Theresa.
.
Dios mio! Kaya gumiti na ako nang palihim at pilit na tinanaw ang puting ulap ng langit sa bintana. At least nasa window seat ako. Okay na 'to. Kakain na lang ako ng marami mamaya sa venue.
.
First time kong sumakay ng Eroplano. Ganito pala ang pakiramdam, ang ganda! Para kang dinuyan sa kahabaan ng langit. Hindi ko naman matangal ang aking mga ngiti. Kumuha na ako ng iilang selfie sa sarili, souvenirs ika nga!
.
Maliit lang ang bag na dala ko dahil dalawang gabi lang naman kami sa El Nido, at babalik agad ng Cagayan de Oro. Inisip ko tuloy si Mama at ang espesyal kong kapatid. Sana balang araw ay maisakay ko rin sila sa Eroplano, at ng maranasan naman nila ang naranasan ko. Na miss ko tuloy silang dalawa. Kaya niyakap ko na ang bag na dala ko.
.
We landed safely in Puerto Princesa. Pakiramdam ko tuloy kakaiba ang hangin dito, na para bang nasa ibang bansa na ako. Nakita ko naman ang boss ko sa unahan na naghihintay.
.
"Ang tagal mo, Serenity!"
"Sorry, Sir. Nakalinya kasi ang lahat at ang pangit naman kung sisingit ako," ngiti kong tugon sa kanya.
.
Binigay niya ang bagahe sa akin at inayos ang kanyang salamin. Matanda na si Judge Del Puerto. Pero dahil experto siya bilang isang Huwes ay marami siyang kliyente. Masungit din siya minsan. Pero kadalasan mabait naman sa kaloob-looban.
.
Sinundo kami ng puting van patungong El Nido. Lagpas tanghali na nang makarating kami sa venue. Inayos ko pa sa hotel ang iilang mga gamit ni Judge bago ako nagtungo sa sariling kwarto at inayos na ang sarili ko.
.
Masaya akong pumasok at tinanaw ang bawat sulok ng kwarto. Sa buong buhay ko, for 25years, ngayon lang ako naka-experience ng ganito. Solo to the limit! Sagot lahat ng kliyente ni Judge ang hotel accommodation. Sadyang kinuha pa ang magandang kwarto na may sariling pool sa likod. Kung saan matatanaw mo ang dagat.
.
"Wow! This is life, thank you Lord!" napasigaw ako sa balkonahe.
.
Ang bonga ng location at ang bonga ng hotel accommodations. Magkano kaya ito? It's okay. It's all free for two nights! Napahiga ako sa queen size na kamang malambot. Shocks! Ang lambot! at nagpagulong-gulong pa ako na parang bata. Rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko.
.
"Serenity! Get the paper works here in thirty minutes. I'll see you downstairs."
"Yes, Sir!"
.
Mabilis kong inayos ang sarili at ang aking damit. Nakasuot ako ng cream chiffon dress na hanggang tuhod ang haba. Plain, pero may embroidery itong bulaklak sa baba. Medyo pormal na din para sa ikakasal.
.
Nang nasa baba na ako ay bumungad sa akin ang nakamamanghang desenyo ng garden wedding. Puno ito ng bulaklak na palamuti na kulay puti at kulay rosas. Naka hugis arko ito sa bawat gilid ng paligid. So exclusive, so elegant and very solemn.
.
Naalala ko tuloy si Vincent. Mariin kong hinawakan ang kwentas na hugis puso na suot ko sa leeg. I remember, it was three years ago when he left for Madrid to work. Vincent family is pretty well off and most of his relatives are in Madrid and that's why he is there.
.
Vincent promise to marry me once I'll reached twenty five. But it's been three months since I had my birthday and still, I haven't heard anything from him. I wonder why? But it's not new anymore. Our communications is always like this. One, two, three months I don't hear anything from him, but he'll always get back to me as promise. Pero ito na 'ata ang pinakamahaba na wala akong balita sa kanya.
.
Iniisip ko tuloy baka gusto lang niya akong e-sorpresa. Para na rin makapagpakasal na kaming dalawa. Nag ipon din ako. Nakakahiya naman sa pamilya niya. Kahit wala na si daddy ay meron pa namang natirang mana. At meron din naman akong sariling pera. Maliit nga lang kumpara sa kanya.
.
Nagsimula nang magsidatingan ang mga bisita at umupo na sila sa kani-kanilang upuan. Nasa gilid ng harapan si Judge Del Puerto. Kaya mas minabuti kong ibigay na ang papeles na gagamitin niya. Pagkatapo, ay pumwesto na ako sa likurang bahagi, sa dulo ng karamihan.
.
My phone? Kinapa ko ang sarili. Nakalimutan ko na naman. Kaya bumalik ako nang kwarto at kinuha ito. Nagsimula na ang kasal nang bumalik ako at tahimik na ang lahat. Natagalan kasi ako ng konti dahil sa tawag ng kalikasan. Nakangiti ko namang pinagmasdan ang lahat.
.
Nang magsimula nang magsalita ang ikakasal para sa palitan ng 'I do's' ay umigting ang tainga ko sa pamilyar na boses nang lalaki. Kaya lumapit ako nang konti para makita ang anyo niya.
.
The moment I saw his face I feel stunned! I can not hear anyone in the background. I can only hear my heartbeat deafening my senses. My heart sunk in agony, ripping and crushing it inside me. Pale runs through my system and tears are forming in the side of my eyes. Trying to escape in wilderness.
.
Am I dreaming? If I am then I want to wake up right now. No, It's not true!
Pilit kong ginising ang sarili at kinurot ang tagilirang bahagi ko. Ouch! Ramdam ko agad ang sakit nito dahilan pata bumalik ako sa sariling mundo.
.
"Vincent Madrigal, will you take Avon Marie Baltazar as your lawfully wife? For better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?" saad ni Judge Del Puerto.
.
Mas gumuho ang mundo ko nang marinig ang buo niyang pangalan. No, its not a dream. It's him! And he's getting married right in front of me with someone else. Hindi ako, kung hindi sa iba!
My knees trembles and I can not move. Gusto ko sanang pumunta sa harapan at komprontahin siya. Gusto ko sanang pigilan ang kasal at hingin ang paliwanag niya. Gusto, gusto ko sana... Pero sinampal ako ng tadhana at naramdaman ko na lang ang sakit sa puso ko. Mariin kong hinawakan ang dibdib ko.
.
"Yes I' do."
.
Napalunok ako at kitang kita ko ang lawak na ngiti niya nang isinuot ang singsing sa babaeng pinakasalan. Ang mga ngiti niya na dati ay para sa akin lang pero ngayon ay hindi na...
.
It's over! My heart... He ripped it into pieces!
.
Then everyone applauded. At nang akma na niyang halikan ang babaeng pinakasalan ay nilingon niya muna ang karamihan. Pag malas ka nga naman? Ba't pa kailangang pagtagpuin ang aming mga mata? Alam kong nakikita niya ako ngayon na siyang dahilan nang pagkabigla niya.
.
Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko at pumatak na ang luha ko. Halos hindi ko na siya naaninag ng maayos dahil sa alon-alon na pagpatak nito. I took a deep breath. I want to get out of here in an instant. I can not bear to watch it anymore. I took a step backwards as I stared at him. He then stood up while staring at me and smile back to his bride.
.
Mabilis akong tumalikod. Hindi ko na inantala ang mga tao sa paligid. Hanggang sa nabanga ko ang dibdib ng isang lalaki. Hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil nakayuko pa ako. At kahit anong pilit kong humingi ng paumanhin sa kanya ay sadyang walang boses na lumalabas sa bibig ko.
.
"Are you okay, Miss?" on his soft deep baritone voice.
.
Tumango lang din ako at nagpatuloy sa paglakad. I want to get out of here. Halos tinakbo ko na ang pagitan nang venue patungo sa silid na inakupa. Mabilis kong sinara ang pinto at sinubsob ang sarili sa kama.
.
Ganito pala kasakit pagpinaasa ka lang ng taong minahal mo ng boung puso. Ganito pala ang pakiramdam. He's my world! Sa kanya umikot ang mundo ko ng limang taon. Sa kanya ako kumuha ng lakas sa bawat pagsubok na pinagdadaanan ko sa buhay. Sa kanya ako kumapit sa mga panahong kailangan ko ng masasandalan maliban sa pamilya ko. Sa kanya ako nangarap sa buhay at naniwala na kayang tahakin ang pag-ibig ang kaibahan ng mundo. Ang langit man at lupa. Sa kanya, sa kanya lahat...Pero heto ako ngayon, umiiyak at basag ang puso.
.
Hindi ko na alam kung ano pa ang natira para sa sarili ko. Paano na ang bukas? Bahala na. I will just cry until there is no more. I will just let my heart grief for a moment.
.
MAGA ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi. Mabuti na lang at nag message si Judge sa akin. Telling me to enjoy my stay. Dahil kailangan na niyang bumalik sa Cagayan de Oro. He's giving me a full week of. Bahagya pa akong natawa sa sarili nang mabasa ko ito.
.
"Full week with pay? Not bad," saad ko.
.
Humalukipkip ako sa balkonahe at pilit tinanaw ang dagat. Kailangan kong mag-isip. Hindi pa kasi maganda ang pakiramdam ko at heto na naman, pumapatak na naman ang mga luha ko. Akala ko ba na ubos na ito kagabi? Hindi pa pala...
.
Shit! Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Bakit ako pa? Bakit? Ang daming tanong sa isip ko at sadyang hindi ko na 'ata mapigilan ang luha sa mga mata ko. Para na akong baliw nito. Iyak tawa, tawa iyak. Baliw ka na nga Serenity! Nagreklamo na tuloy ang sikmura ko. Akalain mo? Hindi pa pala ako kumain simula kahapon?
.
Goodness me! Kapag ako nabaliw dahil iniwanan ni Vincent na nagpakasal sa iba, ano sa tingin mo Serenity? Mas nakakahiya iyon! Pero wala eh, gaga lang ang peg tanga pa! Ba't pa kasi umasa? Hayan tuloy! Pero sa totoo lang. Masakit na masakit na...
.
Inayos ko na ang sarili para bumaba na at nang makakain na. Pero nahinto ako. Paano pag makita ko sila? Tumulo na naman ang mga walang kwentang luha ko sa mata. s**t talaga! Isip ko.
.
Minabuti ko na lang na mag suot ng sunshade bago bumaba. Nilingon ko muna ang bawat gilid para makasigurado. At nang wala akong nakitang pamilyar na mukha ay saka lang din ako nakahinga ng maluwag. It's late already for breakfast. Kaya imbes na sa hotel mananghalian ay nag decisyon akong sa labas na lang kumain.
.
Ang mamahal pala dito sa El Nido. Kahit souvenirs presyong dolyares naman. Huh, at nagreklamo pa talaga ako. Naaliw rin ako sa mga turistang dumaraan dito dahil napako ang mga mata ko sa kanila. Um-order lang ako ng sisig at sinigang kasama ng dalawang serve na kanin.
.
Okay Serenity kalimutan muna natin ang drama at kumain muna tayo!
.
Nang matapos akong kumain ay nagpasya akong maglakad lakad muna. At least, kahit man lang sa ganitong paraan ay makalimutan kong umiyak. Huling gabi ko na rin sa hotel. Kaya tumingin-tingin ako at naghanap nang pwede kong malipatan para bukas.
.
Nang bumalik ako sa hotel ay bigla akong nahinto at naging statwa. Bumagad sa harap ko ang lampungan nang dalawa, si Vincent at ang kanyang asawa. Goodness! Mabuti na lang at hindi nila ako nakita.
.
Shit! Why do I have to see this? The pain is more than enough for me. Bakit kailangan ko pang makita ang eksenang ganito? Saan ba ako nagkulang? May nagawa ba akong mali sa buhay ko? Para parusahan ako ng langit ng ganito?
.
That's it, I had enough of this!
.
Inayos ko na ang mga gamit ko nang malakabalik ng kwarto. I need to check out because I can not bear to stay any longer in this hotel. I can not bear to watch them anymore.
.
.
C.M. LOUDEN, VBomshell