CHAPTER 4

1877 Words
PAGDATING ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa canteen upang mag-almusal. Hindi pa ako nakakapag-grocery kaya halos wala pa akong makain na kahit ano man lang sa boarding house. Naupo ako sa gilid ng canteen kung saan tanaw ang kalsada at mga sasakyang paroon at parito, ganoon na rin ang mga taong umaga pa lamang ay abala na rin sa kani-kanilang mga trabaho at patutunguhan. Ibinaba ko ang aking ibang gamit sa ibabaw ng lamesa saka ako nagdesisyong tumayo upang um-order ng aking pagkain. Ngunit hindi pa man ako nakakaalis ay bigla akong natigilan nang bigla na lamang may lumapit sa aking babae. Agad ko itong namukhaan dahil madalas ito ang nag-a-assist sa aming magkakaibigan tuwing kakain kami rito sa canteen. Si Ate Salvy, ang namamahala sa canteen. Napababa ang aking tingin sa dala nitong tray na may lamang mga pagkain. At sa puntong iyon ay mabilis namang napakunot ang aking mga kilay dahil sa pagtataka. Ano 'to? Kakain din ba 'to? Pero bakit naman sa table ko pa. Bago 'to, ah! Tamang trip na naman 'to si Ate Salvy, eh. "Hi, Ate Salvy!" masigla kong bati, saka ako rito ngumiti. "Kakain ka rin ba? Tamang-tama, wala ako ngayong kasabay, eh. Dito ka n–––" "Naku— naku, hindi! Para sa 'yo talaga 'tong mga pagkain na 'to. Kanina pa rin kita hinihintay, eh. Pero ang order naman sa akin kahit ano'ng oras daw kitang makita rito sa canteen para kumain ay bigyan na raw kita agad ng mga specialty namin dito sa canteen." "Ha? T-Teka po, sino pong nagbigay ng gan'on o-order, Ate Salvy?" naguguluhan kong tanong. Subalit ngumiti lamang ito, saka nito ibinaba sa ibabaw nang lamesa ang dala nitong isang tray na puro pagkain ang laman. Muli na naman sana akong magtatanong nang bigla namang tumunog ang aking cellphone. "Sige na, Mariciel, mauna na ako, ha. Pakabusog ka." Sabay talikod nito at agad na rinb bumalik sa counter. "H-Hala, t-teka po, Ate Salvy." Pigil ko rito, ngunit hindi na ako nito pinansin pa at nagpatuloy na rin sa paglakad papalayo sa akin. Hay naku! Ano ba 'to? Ano bang nangyayari? Bakit gan'to? Napabuntong hininga na lamang ako at sinagot ang tawag ni Aljune. "Oh? Napatawag ka? Ang aga, ah." "Ah, oo. Hindi kasi ako papasok ngayong umaga. May biglaan kasi akong lakad. Pakisabi na lang kay Aira, mamaya ko na lang bilhin 'yong pinabibili n'ya sa Recto. Eksakto na papunta rin ako sa Divisoria." "Bakit 'di mo na lang s'ya tawagan at ikaw na lang ang magsa–––" "Sa tingin mo, tatawagan kita at ipasasabi sa kanya 'yan kung nakukontak ko ang baliw na babaeng 'yon?!" Putol nito sa aking pagsasalita na agad ko namang ikinatawa. "Gan'on ba? Okay, sige. Sabihin ko na lang mamaya– ay teka, Aljune! Ikaw ba ang nanlibre ng breakfast ko today?" tanong ko nang mapadako ang aking tingin sa pagkaing nasa harapan ko. "Ano'ng pagkain? Okay ka lang? Alam mong wala ako d'yan. Isa pa, sino ka naman para gastusan ko? Girlfriend ba kita, ha?" Hasik nito, na lalo ko lamang ikinalito. "G-Gan'on ba?! Sige na, sabihin ko na lang mamaya kay Aira 'yong ipinasasabi mo." "Hoy, Ciel! May nangyar–––" Hindi ko na pinatapos pa ang nais pa sana nitong sabihin, at agad ko na ring pinutol ang linya. Napatulala na lamang ako sa mga pagkaing nasa aking harapan. At aaminin kong sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung dapat ko bang kainin ang mga pagkain nasa harapan ko o hindi. Lalo na't hindi ko alam kung kanino galing ang mga pagkain ito. Kanino ba kasi 'to galing? Ano na ba kasing nangyayari sa mundo. Noong una, may nagbigay sa akin ng payong sa habang nasa waiting shed ako, at hindi ko alam kung sino ang taong nagpabigay ng payong na 'yon. Tapos ngayon, ito naman. T-Teka, h-hindi kaya iisa lang ang taong nagpabigay ng payong sa akin noon at ng mga pagkaing ito. Mabilis akong napa-angat ng tingin sa counter upang hanapin si Ate Salvy, ngunit sa puntong iyon ay wala ito sa kaha at ibang tao ang nakaupo sa puwestong iyon. Hindi ko 'to puwedeng kainin hangga't hindi ko nalalaman kung kanino galing. Baka mamaya pa n'yan may lason pala 'to. Mategi pa ako. Tumayo ako upang pumunta sa counter, ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay muli akong natigilan sa biglang pagsulpot nina Donna at Aira sa aking harapan. "Ay, s**t!" sigaw ko dahil sa gulat, ngunit kabaligtaran naman sa reaction ng mga ito. Tila masaya pa ang mga ito sa nakikitang mga pagkaing nakahain sa lamesa. "Ay, wow! Daming food! Mapera ka, te?!" Bungad ni Aira, sabay upo nito. Agad rin namang napasunod dito si Donna habang may malapad na ngiti pang nakapaskil sa labi nito. Napailing na lamang ako at muling naupo. Tahimik lamang akong nakamasid sa mga ito na ngayon ay nagsisimula nang kumain, na hindi man lang ako nagawang alukin o tanungin kung kumain na ba ako. "Masarap?" sarkastiko kong tanong na sinabiyan ko pa ng pagtaas ng aking kaliwang kilay. Halos sabay namang tumango ang mga ito habang nananatiling puno ang mga bibig. Tatawa talaga ako pag nabulunan ang mga patay-gutom na 'to. "Yes o yes! Masarap talaga, lalo na kung libre. Isa pa, hindi namin 'to dapat sinasayang at pinalalagpas dahil minsan ka lang talaga manlibre." Napatawa ako, kasabay ng marahan kong pag-iling sa tinurang iyon ni Aira. "Sige lang, ubusin n'yo na." Saka ako tumayo upang bumili ng sarili kong pagkain. Paglapit ko sa counter ay hindi ko pa rin nakita ni anino ni Ate Salvy, kahit saan ko ibaling ang aking paningin ay hindi ko ito mahagip ng aking paningin. Gustuhin ko mang tanungin ang isang waitress tungkol kay Ate Salvy, ngunit hindi ko naman magawa dahil agad akong nakakaramdam ng hiya, lalo na't wala sa ugali ko ang magbigay ng atensyon o pansin sa ibang tao. Kaya't sa huli ay pinili ko na lamang na bumalik na uli sa aking puwesto. "Grabe! Nabusog kami, Ciel. Thank you, ha!" nakangiting turan ni Donna. Agad namang sinegundahan ni Aira. "Yes, tama s'ya. Nabusog kami. Sa dami ba naman ng in-order mo, eh. Sino bang 'di mabubusog n'yan." Ngumiti ako. "Mabuti naman kung nabusog kayo." Sabay subo ko ng pansit. "Actually, hindi naman akin ang mga pagkaing 'yan, eh. Nakita ko na lang ang mga 'yan sa lamesa. Kaso dumating kayo at halatang gutom na gutom, kaya hinayaan ko na lang kayong kainin ang mga 'yan. Pero, 'wag kayong mag-alala, mukha namang malinis at hindi pa nagagalaw. Kaya sure akong hindi kayo maho-hospital— aray! Ba't ka nanghahampas, Aira?!" "Baliw ka ba? Bakit mo hinayaang kainin namin ang mga 'yan? Bakit hindi mo man lang sinabing hindi pala sa 'yo ang mga 'yan? Pa'no kung– kung may lason pala ang mga 'yan? Pa'no kung d-dahil d'ya–––" "Aira, 'wag O A, puwede?" putol ko sa pagsasalita nito, pagkatapos ay muli akong sumubo ng pansit. "Kung may lason 'yan, kanina pa sana bumula ang bibig n'yo. Isa pa, binigyan n'yo ba ako ng chance kanina na magsalita? 'Di ba, hindi? Kaya 'wag kayong umastang pa-victim d'yan." "Mariciel!" Magkasabay na sigaw ng dalawa habang napapasabunot sa kanya-kanyang mga buhok. Lihim na lamang akong napatawa at muling nagpatuloy sa pagkain. I'm sure, madadala na kayong kumain na lang basta-basta. Masyado kasing matatakaw paglibre. Kaya ngayon, bahala kayong mag-isip kung saan galing at kung malinis ba ang mga pagkaing iyan. "Hoy! Ano'ng tinatawa-tawa mo d'yan? Nababaliw ka na talaga." Agaw ni Aira sa aking pansin. Agad na naman akong napatikhim, saka ako humigop ng kape. Hindi ko na namalayang nakatawa na pala ako habang iniisip ang mga ito. Ang mga reaksyon na nakikita ko mula pa kanina. At aaminin kong nag-e-enjoy ako sa mga reaksyong iyon. "Tumatawa ba ako? Parang hindi naman, ah." Sabay tayo ko at agad na ring iniwan ang dalawa. Muli naman akong napatawa nang marinig ko pa ang pagdudumali ng mga ito habang panay ang tila pagsisisi sa mga pagkaing kinain. LUMIPAS ang mga oras na hindi ko na naman namalayan sa dami ng mga pasyente nagdadatingan dito sa E R. At dahil sa mga pasyenteng hindi na nauubos ay hindi ko na naman namalayan ang oras ng pananghalian. Ala una na nang tanghali ngunit hindi pa rin ako nababakante. Tanging pag-inom lamang ng tubig ang aking nagagawa. At aaminin kong ramdam na ramdam ko na talaga ang pagod kalahating araw pa lamang. "Mariciel!" tawag sa akin ni Lyn habang lumalakad papalapit sa akin na mapapansin pa ang tila pagdudumali sa lakad nito. Napakunot ang aking mga kilay. "Bakit? May problema ba or may kailangan ka?" tanong ko nang tuluyan na itong makalapit sa akin. Umiling ito. "Wala! May delivery ka lang. Eksaktong papasok ako kanina nang napagtanungan n'ya ako tungkol sa 'yo." Muling napakunot ang aking mga kilay kasabay nang pagbaling ko nang tingin sa taong nasa likuran nito. "Delivery? Nang ano? Wala naman akong in-order na kahit ano. Isa pa, wala akong pera. Wala akong ibabayad d'ya–––" "Maam, bayad na po ito." Putol ng delivery man sa pagsasalita ko. Pagkatapos ay agad na rin nitong iniabot sa akin ang tatlong paper bag. "Ha? T-Teka, K-Kuya! H-Hindi ko 'to kukunin! B-Baka nagkakamali lang po kayo nag pagdedeliberan." Mariin kong tanggi kasabay nang muli kong pagbalik dito ng mga paper bag na ibigay sa akin. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na nito kinuha sa akin, bagkus ay tumingin ito sa hawak nitong maliit na papel. "Mariciel Cruz po. Tama po ba? 'Yan po ang pangalang nandito, eh." Paglilinaw naman ng delivery man. Pagkatapos ay agad na rin itong tumalikod at malalaking hakbang nitong tinahak ang daan papalabas ng hospital. Napaawang na lamang ang aking bibig habang nakasunod ng tingin dito. "Baka naman galing sa secret admirer mo ang mga 'yan, Mariciel." Agaw ni Lyn sa aking pansin, kasabay nang marahan nitong pagsiko sa aking braso. Secret admirer? Kalokohan! Umiling ako kasabay nang marahan kong pag-iling, saka ko sinilip ang laman ng paper bag na in-deliver sa akin. Pagbukas ko'y agad namang sumingaw ang masarap na amoy. At doon ko lamang napagtanto na mga pagkain pala ang laman ng mga iyon. Pagkain na naman? Sino bang baliw na 'yon ang nagbibigay sa akin ng mga gan'to? Kaninang umaga, bigla na lang din akong binigyan ni Ate Salvy ng mga pagkain, dahil 'yon daw ang order sa kanya. Tapos ngayon, bigla na lang may darating na Delivery Man at sasabihin may nagpapa-deliver para sa akin. Ano ba 'to! Nakakabaliw! Galing sa isang Italian Restaurant ang mga pagkain, ayon na rin sa pangalang nakalagay sa mga paper bag. Itanggi ko man sa hindi ay bigla akong nakaramdam ng matinding pagkalam ng aking sikmura, at sa puntong iyon ay para bang nasabik akong kainin na rin agad ang mga pagkaing nasa harapan ko. Ayaw ko man sanang kainin tulad nang kaninang umaga, dahil hindi ko alam kung sino o kung kanino galing. Ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko na rin mapigilan pa dahil sa matinding gutom na nararamdaman. At mas lalo lamang nakadagdag sa matindi kong gutom ang masasarap na amoy ng mga pagkaing nasa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD