CHAPTER 5

1966 Words
ISANG BUWAN na ang lumipas mula nang magsimula ang mga kakaibang nangyayari sa akin. At isang buwan na rin akong para nang mababaliw. Mababaliw sa kakaisip kung sino ang taong palaging nagpapabigay sa akin ng mga pagkain. At sa puntong iyon ay hindi ko na rin mapigilan pa ang makaramdam ng takot. Takot sa kung sino mang nasa likod ng mga pagkaing natatanggap ko. Gusto ko mang sabihin sa aking mga kaibigan ang tungkol doon, ngunit hindi ko magawa. Hindi dahil sa ayaw ko o takot ako, kundi hindi ko alam kung paano ko sisimulan at sasabihin na wala akong matatanggap na pang-aalaska mula sa mga ito. Kilala kong alaskador ang aking mga kaibigan, at ang bagay na iyon ang pumipigil sa akin na huwag na lamang ipaalam upang makaiwas na rin lamang sa panloloko ng mga ito. Bahagya akong napapitlag nang makarinig ako nang ilang mga pagkatok mula sa pinto ng aking boarding house. Napakunot ang aking mga kilay kasabay ng pagtingin ko sa aking cellphone upang alamin ang oras. At alas nuwebe pa lang ng umaga, pero may tao nang nambubulabog. Sino naman kaya 'to. Ang aga-aga pa, eh! "Ang tagal mo namang buksan. Ang init-init sa labas, eh." Reklamo ni Aira, sabay tulak nito sa akin papasok sa loob. Napaawang ang aking bibig kasabay nang pagkunot ng aking mga kilay habang nakasunod ako ng tingin dito. "Ano'ng ginagawa mo rito? Day off mo rin ba? Ang alam ko kasi sa friday pa ang day off mo, eh. Martes pa lang naman ngayon." Naupo ito sa ibabaw ng aking kama saka ito tumingin sa akin. "Hindi ako pumasok ngayon. Actually, humingi ako ng leave. Uuwi kasi ako sa mamaya Laguna. Maysakit kasi si Mama. Gusto ko munang maalagaan kahit one week lang. 'Tsaka dumaan lang ako rito kasi nalaman kong tinutuo mo na ang day off mo." Tumawa ito. "Himala 'yon, ha! Nag-day off ka na talaga." "Baliw! Masakit kasi ang ulo ko. Mukhang magkakatrangkaso pa yata ako. At kung hindi ko 'to ipapahinga ngayon baka matuluyan akong magkasakit. Mahirap na. Alam mo namang sa mga tulad ko bawal ang magkasakit. 'di ba?!" "Alam mo, Ciel, ikaw lang naman ang umaalipin sa sarili mo, eh. Oo, alam kong may obligasyon ka sa mga magulang mo, pero hindi naman tama na inaabuso mo na rin ang sarili mo sa kakatrabaho. Paano na lang pag bumigay na rin ang katawang lupa mo? Eh, ang layo-layo mo pa naman sa mga magulang mo. Isa pa, sabi mo nga maysakit din ang father mo, so, pa'no ka pag ikaw naman ang bumigay? Sige nga– isipin mo nga 'yan." "Oo na! Aga-aga, sermon agad." Pag-iwas ko, saka ako tumalikod at kumuha ng tubig. "Ano nga palang sadya mo at napadaan ka ng ganito kaaga?" tanong ko. "Gusto ko kasing mamili ng ilang pasalubong kina Mama at Papa bago ako dumiretso sa terminal. Eh, ayon nga– alam mo na." Sabay tawa nito na animo'y isang batang nahihiya. "Papasama sana ako sa 'yo. Okay lang ba? Nakakatamad kasi mamili pag nag-iisa lang." Bwisit na 'to! Gusto pa yata akong gawing alalay. "Okay. Basta sagot mo na ang lunch ko, ha?!" "Bilis talaga magdesisyon basta may kondisyon." Sabay simangot nito at pabagsak na nahiga sa aking kama. Napatawa na lamang ako sa naging reaksyon at tugon nito. Gayunpaman, alam kong hindi rin ako nito mahihindian. At isa iyon sa ugali nito na nagustuhan ko. Hindi rin ito madamot. HINDI ko mapigilang hindi mamangha sa dami at gaganda ng mga naka-display na mga paninda sa loob ng mall. Mabibilang lamang din sa daliri kung gaano ako kadalang pumunta sa mga ganitong lugar. At ang huli kong natatandaan na pumunta ako sa mall ay noong nakaaraang taon pa. Pauwi ako noon, dahil magpapasko. At naisipan ko ring dumaan sa mall para mamili ng pasalubong sa aking mga magulang at ilang panghanda na aming pagsasaluhan. Pagkatapos noon ay hindi na muli pang naulit ang araw na iyon dahil masyado na akong napokus sa aking trabaho. Hospital at boarding house na lamang ang nagiging routine ko sa bawat araw. Halos nauubos na ang aking maghapon sa trabaho at ang magdamag naman ay nauubos na lamang sa aking pagtulog. "Ciel, tingin mo? Okay lang ba? Magugustuhan kaya 'to ni Mama?" agaw ni Aira sa aking atensyon habang hawak-hawak pa nito ang isang bulaklakang bestida. "Aira, ikaw ang anak. Ikaw ang mas nakakakilala sa taste ni mother. Pero kung para sa paningin ko naman ang basehan, masasabi kong maganda s'ya at sureness na magugustuhan 'yan ni mother Lily." Saka ako muling tumalikod. "Ang daming sinabi. Sasagot din naman pala." Napatawa na lamang ako sa mga salitang binigkas nito. Hindi naman na ako tumugon pa dahil sa aking cellphone nang bigla iyong tumunog. Napakunot ang aking mga kilay nang makita kong si Lyn ang nasa kabilang linya. Hindi ito kumukontak sa akin, kaya ngayon ay hindi ko mapigilang hindi mapaisip. Lumingon ako kay Aira, saka ako sumenyas na lalabas na muna upang sagutin ang tawag mula sa aking cellphone. Hindi naman na ito tumugon pa at tanging pagtango na lamang nito ang naging tugon. Sinagot ko ang tawag ni Lyn nang makalabas na ako ng store. Ngunit bago pa man ako makapag-hello ay nabitawan ko ang aking cellphone at malakas iyong bumagsak sa sahig dahil sa lalakeng bigla na lamang bumangga sa akin habang papasok sa loob ng store. Mabilis kong dinampot ang aking cellphone, saka ako umikot paharap sa lalake upang sana ay komprontahin ito. Subalit ang pagnanais kong komprontahin ang lalake ay hindi ko na nagawa pa nang makita kong hawak ng lalakeng iyon si Aira habang may nakatutok pang baril sa ulo nito. Binalot ako nang matinding takot kasabay nang malakas na pagsinghap at panlalamig ng aking buong kalamnan. "A-Aira!" sigaw ko. "C-Ciel," mahina at nauutal namang tugon ni Aira. Alam kong sa mga sandaling iyon ay matinding takot na rin ang nararamdaman ni Aira, kaya't hindi ko mapigilan ang labis na mag-alala para dito. "'Wag kayong lalapit! Kung ayaw n'yong pasabugin ko ang bungo ng babaeng ito!" sigaw ng lalake na mababakas pa ang matinding galit sa mga mata nito. "M-Maawa po kayo! P-Pakawalan n'yo na po ang kaibigan ko! Sige na po. W-Wag n'yo na po s'yang idamay! W-Wala naman po kaming k-kasalanan sa i-inyo, eh." Saka ako nagtangkang humakbang papalapit dito upang sana ay hilahin si Aira papalayo sa armadong lalakeng iyon. Subalit hindi ko nagawa at ganoon na lamang ang matinding gulat at takot na aking naramdaman nang bigla na lamang umalingawngaw ang malakas na putok nang baril kasabay noon ay ang malakas kong pagbagsak sa isang matigas na dibdib, na sa halip ay sa matigas na tiles. "Fvck! Are you fvcking out of your mind? Bakit ka susugod? Gusto mo na bang mamatay? D*mn it! Look what happened!" sigaw ng lalakeng sumalo sa akin, na mababakas pa ang galit at diin sa pananalita nito. Gustuhin ko man sanang lingunin ang lalakeng sumalo sa akin ngunit hindi ko na magawa-gawa dahil sa mga sandaling ito ay mas nangingibabaw sa akin ang matinding takot kasabay nang sakit na gumuguhit sa aking kaliwang hita. "Mariciel!" sigaw ni Aira sa aking pangalan, ngunit maging ito ay hindi ko na rin magawa pang lingunin, lalo na nang makita ang masaganang dugo na umaagos mula sa aking kaliwang hita. Pinilit kong tumayo sa kabila nang matinding panginginig ng aking buong kalamnan upang muling tangkaing lapitan si Aira. Ngunit sa muling pagkakataon ay muli na naman akong bumagsak, hindi dahil sa muli akong tinamaan nang bala kun'di dahil sa gulat nang muling umalingawngaw ang malakas na putok nang baril patungo sa ibang direksyon na pinakawalan muli ng lalakeng may hawak kay Aira. "D*mn it! Can you just stay here? You can't save your friend, either. And by doing that, you will be in a difficult situation at baka tuluyan ka ng mamamatay." Natigilan ako dahil sa mariing turan ng lalake kasabay nang malakas na pagkabog ng aking dibdib, kasabay nang biglang panghihinang naramdaman, na para bang ano mang segundo ay maaari na akong bumigay at mawalan ng malay dahil sa matinding takot. "Y-Yong k-kaibigan ko. I-Iligtas n'yo po," tanging salitang nabigkas ko habang nakatingin kay Aira na ngayon ay hilam na nang luha ang mga mata nito. Sinubukan kong muling tumayo, ngunit hindi ko na kinaya pa at muli akong bumagsak sa malapad na dibdib ng lalake nang gumuhit ang matinding sakit sa aking hita. Naramdaman ko ang malalim na pagbuntong hininga ng lalake, kasabay rin nang makita ko ang mabilis nitong pagbunot nang baril sa loob ng suot nitong itim na jacket. "Close your eyes." Utos ng lalake sabay takip nito sa aking mga mata. Kasunod noon ay biglang umalingawngaw ang tatlong magkakasunod at malalakas na putok nang baril. Labis akong nakaramdam nang gulat, kaya't mariin akong napayakap sa malapad nitong dibdib. At sa puntong iyon ay mas lalo lamang dumoble ang takot na sumibol sa aking buong sistema. Hindi ko man nakita ang mga sumunod na pangyayari, ngunit alam kong sa pagkakataong iyon ay binaril na ng lalakeng nakayakap sa akin ang lalakeng nang hostage kay Aira. Matapos ang tatlong putok na iyon nan baril ay tuluyan na ring tumahimik ang buong paligid, maliban na lamang sa ilang mga sigawan at malakas na paghagulgol ni Aira. Gustuhin ko mang bumangon o ang imulat man lang sana ang aking mga mata, ngunit hindi ko na magawa pa, dahil habang tumatagal ay lalo lamang akong nanghihina at nakakaramdam ng pagkahilo, kaya't wala na akong magawa pa sa mga oras na ito kun'di ang makiramdam na lamang sa buong paligid. "Linisin n'yo ang kalat na 'yan, at alamin n'yo ang identity ng gagong 'yan." Boses ng lalakeng nananatiling nakayakap sa akin, pagkatapos ay naramdaman kong binuhat ako nito. "Joey, ikaw na ang bahala sa kaibigan n'ya." Boses pa uli ng lalake, pagkatapos ay naramdaman kong lumakad na ito patungo sa isang direksyon na hindi ko alam kung saan. Hanggang sa ilang sandali ay naramdaman kong ibinaba na ako ng lalake sa waring isang upuan, pagkatapos ay naramdaman kong agad nitong tinalian ang aking hita na tinamaan nang bala. At sa puntong iyon ay gumuhit ang matinding sakitsa aking buong sistema, kaya't mariin akong napakagat sa aking ibabang labi kasabay nang pagtulo ng aking mga luha at mariing pagkapit sa braso ng lalake upang kumuha ng lakas. "I'm sorry, but I have to do this to stop the bleeding from your wound," mahinang turan ng lalake nang marahil ay napansin nito ang aking naging reaksyon. Hindi naman ako tumugon at inihilig ko na lamang ang aking ulo sa sandalan ng upuan habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Hanggang sa naramdaman kong pinunasan nito ang aking mga luha at marahan akong kinabig, saka ako nito inihilig sa malapad nitong dibdib. "Sir, ako na po ang magmamaneho. Nawalan na rin po nang malay 'tong babae. Kailangan na rin po nilang madala sa hospital, lalo na po si Miss Cruz dahil may tama s'ya ng baril." Boses ng isa pang lalake. At sa puntong iyon ay bigla kong naalala si Aira, kaya't pinilit kong bumangon at imulat ang aking mga mata, ngunit sa huli ay hindi pa rin ako nagtagumpay sa kagustuhan kong iyon dahil sa matinding panghihinang nararamdaman. "S-Si A-Aira? N-Nasaan ang kaibigan ko, si— si A-Aira? A-Aira?" nahihirapan kong usal habang nananatiling nakapikit ang aking mga mata. "Shhsss— she is fine," mahinang tugon naman ng lalake, saka ako muling kinabig at niyakap. Bahagya naman akong nakaramdam ng tuwa sa kaalamang maayos lamang si Aira. Hindi na ako nakatugon pa sa sinabi ng lalake dahil sa hindi ko na rin kinaya pa at tuluyan na nga akong nilamon ng kadiliman. Nawalan na ako nang malay, kaya't hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na pangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD