CHAPTER 6 – Pangyayari sa Batis

1163 Words
I   Naglalakad pauwi ng mansion nila ay walang kibo si Theresa.   Nakasunod sa kanya si Romouldo na di alam kung ano gagawin. Ang laki kasi ng kasalanan nya kay Theresa. Kanina sa batis ay talaga namang sobrang na torrid kiss nya eto at nahipuan pa. Di nya kasi talaga napigilan ang mahaplos, mayakap at mahalikan ang dalaga. Dalang-dala sya sa sitwasyon. Ang lambot ng katawan ni Theresa lalo na ang mga labi nitong kay pupula.   Nag ubo-ubohan si Romouldo bago nagsalita na akala mo ay nahihirinan. Pumantay sya ng lakad kay Theresa. “Theresa, I will not say sorry for what happened kanina kasi ginusto ko yun. Anytime na gustuhin mo, pananagutan ko yung ginawa ko na yun sayo.”   Binilisan ni Theresa ang paglalakad at ni hindi tinignan ni Romouldo. Akmang hahawakan ng binata ang dalagang nobisyada ng balingan sya nito at pandilatan saka nagmamadaling naglakad, mapalayo lang sa kanya.   Labis na nalungkot si Romouldo. Kakaiba si Theresa, kung ibang babae, baka kapag inalok nya na pananagutan eh susunggaban agad sya. Theresa is different. She even hated him. Sumakit ang dibdib ni Romouldo sa nararamdamang rejection mula kay Theresa. Buti kung di nya gusto si Theresa, okay lang, kaso hindi, gustong-gusto nya si Theresa.   Sa kakamuni-muni, hindi na namalayan ni Romouldo na malayo ng nakatakbo si Theresa sa kanya.   Napailing si Romouldo. “Hayys, ang pogi ko naman, mabait at mabango naman ako” bulong ng binata sabay amoy sa kili-kili nya.   Nang biglang nagulat si Romouldo sa sigaw ni Theresa. Iyong takbo nya palapit dito ay parang noong sumali sya sa one hundred meter sprint run noong nasa highschool sya sa UK.    Pagdating nya sa tabi ni Theresa pati sya ay napatigalgal. Sa di kalayuan ay my isang ahas na nakaposisyon ang ulo na parang manunuklaw. Hindi nman kalakihan ang ahas at kulay berde ito, pero dahil nga ahas ay talaga namang tatayo ang balahibo mo sa takot.   “Wag kang gagalaw Theresa o gagawa ng ingay pa,” bulong nya sa dalaga at unti-unting lumakad sya sa paunahan hanggang sa si Theresa ay nasa likod nya na.   Alerto ang mga mata at kamay ni Romouldo kung sakali mang umatake ang ahas. Ang bitbit nyang maliit na goodmorning towel ay nakahandang pangpilipit sa ahas kung eto ay lalapit. Awa ng Dios, after a while na parang kumiwal kiwal ang ulo ng ahas ay mabilis etong gumapang papalayo.   Nakahinga ng maluwag si Romouldo, subalit si Theresa ay nanghihinang napaupo sa lupa at di naiwasang mapaiyak. Ngayon nya naramdaman ang sobrang takot. “Theresa, ligtas ka na, wala na yung ahas. Do not run from, sabay tayong maglalakad hanggang makabalik tayo sa mansion nyo. Okay ba?” Maamong-maamo ang boses ng binata; gusto nyang yakapin si Theresa pero baka this time masampal na talaga sya nito, kaya’t pinigil nya ang sarili sa binabalak na gawin.   II   Takang-taka si Don Pacifico ng makita ang anak sa itsura nitong basa ang damit at madumi ang pang-upo. Lalo itong nagulat ng makita si Romouldo na kasama nito.   “Aba’y san ga kayo galing at parang nadausdos ata ang dalaga ko sa putikan?”   Hindi sumagot si Theresa. Nagmano lang ito sa ama at tuloy – tuloy ng pumasok sa kabahayan para makapaligo ng maayos.   Si Romouldo ang sumagot. “Naabutan kop o si Theresa sa batis Don Pacifico. Napaupo lang po sya sa lupa kanina dahil sa takot don sa ahas na nakasalubong naming.”   “Anong ahas? Totoong ahas o yang ahas mo Romouldo?” Nakataas ang kilay ng matandang Don.   “Don Pacifico naman, di ko pa po napapakita to kay Theresa, in the future pa po.” Napakamot sa batok si Romouldo.   “Aba ey, buti naman at talagang di na ako makakapayag na makauwi ka pa sa inyo ngayon. Ipapatawag ko agad ang iyong ama kapag nagkataon.”   Napalunok ng laway si Romouldo. Oo nga di nakita ni Theresa ang kanyang ahas, oo, ahas nga daw sabi ni Don Pacifico, pero Nay ko po, higit pa don ang nagawa nya kay Theresa kanina sa may batis. Gusto nya ng sabihin sa ama ng dalaga pero baka mas lalong magalit sa kanya si Theresa. Hayaan nya na lang na si Theresa ang magsabi at magdemand sa kanya ng kasal kung gusto nito. “Ano’t natulala ka na ata diyan na binata ka? May problema ba na dapat kong malaman?” arok ni Don Pacifico sa binatang natigalgal ata.   “Meron! Ehe meron pop ala akong nakalimutan Don Pacifico, uuwi na po ako.” Saka nagmamadali na ngang naglakad pauwi si Romouldo.   III     Kinabukasan ay ipinagpatuloy ni Romouldo ang paninilbihan kay Theresa. Siya uli ang nagluto ng breakfast nito, ipinaghnada nya pa ang dalaga at sabay silang kumain.   “Theresa, please talk to me naman. Okay ba yang niluto kong breakfast. Okay ba yang tapsilog ko?” pangungulit ng gwapong binata.   “Anong itlog tinatanong mo na okay Romouldo?” biglang pasok sa kusina si Don Pacifico.   “Ho, e ano ho bang itlog ang tanong nyo?” naguluhang tanong din ng binata.   “Ay dyaskeng lalaki to, ikaw nga yung nagtatanong tungkol sa itlog, aba’y ibalik ba sa akin ang tanong.”   Di na napigilan ni Theresa ang mapatawa. “Kayo naman Papa, Tapsilog po ang sinabi ni Romouldo. He was asking if okay yung niluto nya na tapsilog, ayan po o.” sabay turo ni Theresa sa bagong lutong tapsilog ni Rom.   Napatingin si Rom sa dalaga at napangiti ng makita itong pinipigilang humagikhik sa malisyosong ama.   “Sana Theresa palagi kang nakangiti, ang ganda-ganda mo lalo saka ang sarap sa pakiramdam.” Ngiting-ngiting pamumuri ni Rom sa dalagang nobisyada.   “Abah talaga namang maganda ang anak ko, nakangiti man o hindi, aba’y iho, gusto mo laging nakangiti si Theresa, ano yan may tililing na lagi na lang may ngiti sa labi kahit mag-isa?” naka-angat na naman ang kilay ng matandang Don.   Ang binata naman ay nagbibilang sa daliri nya mula isa hanggang sampu, para pigilan ang inis na namumuo sa kakulitan ng ama ni Theresa.   “Ah eh, Don Pacifico, ang sa akin po ay mas gumaganda si Theresa kapag nakangiti; ‘di naman po na nakangiti sya kahit walang dapat ingiti, aba ey magduda na tayo nun di ba?”, sagot ni Rom after huminga ng malalim.   “Ganun na nga ang ibig kong sabihin, bakit inulit-ulit mo pa? Dyaskeng lalaki to, napakakulit, o sya, kumain na kayo diyan bibisitahin ko lang tubuhan ko.” Saka nagmamadaling umalis ang matandang Don.   Nagkatinginan si Rom at si Theresa. Nang ngumiti ng matamis si Rom at tignan ng nakakatunaw na tingin ang sinisintang dalaga sa harap nya ang dalaga ay namula ang pisnging parang makopa.   “Theresa, kumain ka na mahal, kalimutan na natin nangyari kahapon, pwede ba? Peace na tayo?” sabi kapagdaka ng binata sabay angat ng kamay at nagpakita ng peace sign sa dalagang, unti-unti ng napapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD