I
Ilang araw nang masaya si Romouldo. Bakit kanyo? Aba eh, lately kasi medyo good mood sa kanya and dalagang sinisinta. Kagaya ngayong umaga. Masayang kinain ni Theresa ang niluto nyang almusal para dito.
Ngiting-ngiting pinagmamasdan ni Romouldo ang dalagang nobisyada habang magana itong nagaalmusal. “Mahal okay ba yang macaroni soup na niluto ko at hot cake?”
Napatingin sa kanya si Theresa na kasalukuyang pinapapak ang hot cake. “Ano sabi mo Rom?”
“Ahmm if okay yung niluto ko na almusal today.” Pangiti-ngiti ang binata.
“Hindi yan, yung una mong itinawag sa akin?”
“Mahal.”
“Huwag mo kaya akong tawaging ganyan.” Ibinaba ni Theresa ang tinidor na hawak.
“Bakit? E sa yun ang nararamdaman ko para sayo Theresa eh.” Depensa ng binata.
“Magmamadre nga ako di ba? Matagal ko ng panagarap yun.” Kinuha ni Theresa and kape nya sa mesa at lumagok ng kaunti.
“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo Theresa?” malungkot na turan ni Rom.
Umiling si Theresa. “Yun ang nakatakda para sa akin.”
Dagling naparam ang happiness ni Romouldo. “Sige, continue eating your breakfast.”
“How about you? Bakit di ka kumakain?”
“I’m okay, makita lang kita na maganang kumain, busog na ako,” saad ni Rom na may bahid pa din ng kalungkutan ang boses.
Matapos magbreakfast ay nagpaalam na si Romouldo. Lulugo-lugo itong naglakad pauwi sa kanila.
On the way, nasalubong nya si Maxima.
Agad siyang binate ni Maxima. “Rom, hello bakit sambakol yang face mo?” tanong nito na nakangiti.
“Hi Maxima, wala lang medyo malungkot lang,” sagot ng binata na tumingin kay Maxima. Maganda din sana si Maxima, pero talagang wala syang makapang pagmamahal sa dalaga.
“Halika sama ka na lang sa akin.” Yakag ni Maxima kay Rom.
“Where are we going?”
“Sa bukuhan nina Ronie, andon ang iba nating kaibigan. Nagyaya si Ronie ng picnic, kaya nga may dala ako ditong puto na gawa sa bigas. Masarap to Rom. Lika na” ani Maxima habang pinapakita kay Rom ang dalang mga puto.
Tumango si Romouldo at sumama na nga kay Maxima.
Medyo naaliw si Rom sa masayang kwentuhan at sa masarap na puto ni Maxima sabayan pa ng matamis na buko nila Ronie.
II
Kinabukasan, walang Romouldo na dumating sa mansion nila Theresa para magluto ng breakfast para sa kanya. Ang kanilang kusinera ang naabutan ni Theresa na abala sa kusina. Tumamlay bigla ang dalagang nobisyada.
“Bakit ba affected ako na hindi dumating si Rom? Hindi kaya nagsawa na yun sa kakasuyo sa akin?” Theresa murmured at saka lumabas na ito sa kusina. Parang wala syang ganang kumain ng agahan.
Naisipan ni Theresa na bumaba sa hardin nila para diligan na din ang mga halamang namumulaklak nila at mga ornamental plants. Kasalukuyan syang nagdidilig ng halaman ng dumaan si Maxima kasama si Rom. Napakunot-noo si Theresa.
“Maxima!” tawag nya kay Maxima na napalingon naman sa kanya. Lumabas ng gate si Theresa.
“Oh, hi Theresa. Kamusta?” ngiting-ngiti na sagot sa kanya ni Maxima.
Napatingin si Theresa kay Rom na walang kangiti-ngiting nakatingin lang sa kanya. “Saan ang punta niyo Maxima?”
Hinawakan ni Maxima si Rom sa kanang braso. “Ahh, nagyaya si Rom na maligo kami sa may lawa, kay eto sinamahan ko sya, nagdala na din ako ng agahan naming para mas masaya, di ba Rom?” Magiliw na sabi ng dalaga sabay galaw sa braso ni Rom.
“Ahh yes, let’s go Maxima. Alis na kami Theresa.” Saka tumalikod na si Rom at hinila na si Maxima.
Sa pakiwari ni Theresa ay sinaksak ang puso nya. Bakit parang ang sakit ng nararamdaman nya na parang wala na syang halaga kay Romouldo?
Malungkot na tinanaw ng dalagang nobisyada si Romouldo at Maxima. Nakahawak pa din sa braso nito ang pinsan nyang si Maxima.
Masama ang loob na pumasok na sa kanyang kuwarto si Theresa. Ni hindi nya na tinapos ang pagdidilig ng halaman sa garden nila.
Si Rom kanina ay gusting-gusto ng lingunin si Theresa pero pinigilan nya ang kanyang sarili. Mahirap nab aka magbago ang isip nya at instead na sa lawa ang punta nya kasama si Maxima, e bigla syang mapabalik sa bahay nila Theresa. “Magtatry ka na ngang medyo umiwas at kalimutan si Theresa di ba?” angil nya sa kanyang sarili.
Narating nila Rom ang lawa. Medyo madami na ding kabataan ang nagsisipaligo ng dumating sila. Halos lahat kakilala ni Maxima. Medyo popular si Maxima sa kanila dahil siguro sa barangay captain ang tatay nito at maganda din ito; yun ay kung wala si Theresa, dahil kung ikukumpara si Maxima kay Theresa ay talaga namang walang panama ang itsura nito sa nobisyadang anak ni Don Pacifico.
Pansamantalang nakalimutan ni Romouldo si Theresa nung masaya na silang nagtampisaw sa lawa ni Maxima. Minsan napapayakap pa si Maxima sa kanya.
III
Dinalaw ni Don Sosimo si Don Pacifico sa mansion nito. “Kumpadre, mukhang di ko kailangang humiram ng pera sayo. Kagaling ng anak ko kasi. Aba na ideal nya lahat ng produkto naming sa Maynila at higit sa lahat, nakuha nya ng regular costumer ang mga to. May kontrata pa silang pinirmahan. Kagaling ng anak ko talaga Pacifico.” Tuwang-tuwang pagmamayabang ni Don Sosimo sa anak.
“Ganun ba kumpadreng Sosimo? So ibig sabihin baka din a din matuloy ang kasunduan natin.” Malungkot si Don Pacifico.
Tinapik ni Don Sosimo ang balikat ni Don Pacifico. “Ala ey kumpadre, walang problema diyan kung talagang magkagustuhan an gating mga anak. Ang problema mukhang desidido ang dalaga mo na magmadre. Kagabi ay malungkot na nagsabi sa akin si Rom na tinapat na daw sya ni Theresa na talagang pagmamadre and pangarap nito.”
Lalong nalungkot si Don Pacifico.
“Sumusuko nab a ang binata mo sa panunuyo sa dalaga ko Sosimo?” Bakas ang lungkot sa boses ni Don Pacifico.
“Sa pagkakabanggit nya kagabi kunmpadre, ey medyo lalie low daw muna sya at mag-iisip. Kaninang umaga aba ey, sinundo ni Maxima sa bahay at pupunta daw sila sa lawa,” kwento ni Don Sosimo sa kaibigang Don Pacifico.
Halos gumuho na ang mundo ni Don Pacifico. “Sige Kumpadre, magsabi ka lang kapag kailangan mo pa yung pera. Huwag kang mag-alala kahit di matupad yung kasunduan, pauutangin pa din kita.”
“Maraming salamat kumpadreng Pacifico. Hamo baka sa dulo ey, magkapalad pa din pala an gating mga anak.” Pagpapalubag ng loob ni Don Sosimo sa kaibigang nahalata nya ang sobrang pagkadismaya at kalungkutan.
Pumasok na sa kabahayan si Don Pacifico. Nakasalubong nya si Theresa sa may living room nila. May hawak na libro. “Oh anak, sabi ng kusinera natin, hindi ka daw nagbreakfast. Aba ey, alas dies na ng umaga baka malipasan ka ng gutom.” Sita niya sa anak.
“Wala akong gana Papa. Hayaan nyo lang po ako, don’t worry kakain ako kapag nagutom ako maya-maya.” Sagot ng dalaga na pumuwesto na sa sofa para magbasa.
Biglang naramdaman ni Theresa ang pagvibrate ng Cellphone nya na nasa bulsa pala ng palda nya.
Merong notification updates para sa f*******: nya. Binuksan nya ito at nakita nya ang mga bagong posts na pictures ni Maxima. Biglang kinabog ang dibdin ni Theresa. Sa pictures na pinost ni Maxima, Masayang nakayakap ito sa likod ni Rom. May isa pang pictures na nagsasabuyan ang mga to ng tubig sa lawa at ang pinakamatindi at pinaka sweet na picture ng dalawa ay yung karga ni Rom sa likod nya si Maxima.
Hindi sinasadya, biglang tumulo ang luha ni Theresa. Ang sakit – sakit ng nararamdaman ng puso nya. “Dios ko po, bakit nagkakaganito ako?” bulong ni Theresa.
Dagling nagbihis si Theresa at nagpaalam sa ama na pupunta sya sa kumbento.