CHAPTER 5 – Paninilbihan

1507 Words
I   “Anak, kung liligawan mo si Theresa, dapat manilbihan ka sa kanila. Ganyan ang paraan ng panliligaw dito.” Si Don Sosimo habang pinapaliwanagan ang anak at hinihikayat sa tamang paraan ng panliligaw sa kanilang baryo.   “Paanong paninilbihan Papa?”   “Abah, pwede mong ipag-igib si Theresa ng pampaligo nya. Ipagsibak ng kahoy na panluto nila, dalhan sila ng prutas, gulay at kung ano-ano pa, pwede ka din tumulong pakaminsan sa palayan nila at kung ano-ano pa.” Mahabang paliwanag ni Don Sosimo.   “Naman Papa, no need ipag-igib si Theresa, my electric pump sila, no need ipagsibak ng kahoy kasi may gas stove sila. Pwede siguro tumulong sa pag-araro Papa, kaso hindi ako marunong at sanay don. Ahh lam ko na Papa, dadalhan ko na lang lagi ng pagkain sila Theresa.” Pumitik pa sa hangin ang gwapong binata sa naisip.   Napailing naman si Don Sosimo. Hayy, kabataan nga naman, yung madaling paraan lang lagi ang naiisip gawin, samantalang sila noon kahirap manligaw, isang taon na di pa din sasagutin, minsan kapag totoong malas e, nababasted pa.   Kainabukasan nga ay nagtawag ng pulong si Don Sosimo at doon ay nagpahayag ng taos pusong paghingi ng paumanhin ang mag-ama lalo na si Romouldo, sa nagyari noong birthday party niya. Sa pulong din na iyon, sinabi ni Romouldo na magsisimula na syang manilbihan kina Theresa. Ang buong akala ng mga kababaryo nya tuloy ay paninilbihan para sa nalalapit na kasal.   The next day, sinimulang magdala ng mga prutas ni Romouldo sa dalagang nobisyada. Isang kaing na mangga ang dala nya mula sa kanilang prutasan.   Si Don Pacifico ang parang tuwang-tuwa sa pagdating ni Romouldo. Ipinatawag nito si Theresa na kasalukuyang nagbabasa ng libro sa kwarto nya.   “Ala ey Theresa, andito si Romouldo, kagwapong binata talaga, kabait pa. May dalang maraming mangga. Katatamis pa naman ng mangga nila. Parang yung halik nya ba, ahahay sorry anak, na carried away lang ako.” Pasipol-sipol na umalis na sa salas ang matandang na carried away sa pagdalaw ni Romouldo.   Namula naman si Theresa ng marinig ang salitang halik at ng mapatingin it okay Romouldo lalo pa itong namula ng kindatan naman sya nito.   “Why are you here?” Taas kilay na tanong ni Theresa sa binatang pangiti-ngiti.   “Ahhmm, namitas kasi kami ng mangga, alam mo na naalala kita, balita ko kasi e mahilig ka sa matatamis … na mangga.” Ibinitin-bitin pa ng binata ang pagsasalita ng matatamis.   Nairita si Theresa, “Manggang hilaw ang gusto ko na may bagoong, hindi hinog, dalhin mo na uli yang matamis na manggang hinog mo dahil ang gusto ko ay yung mapaklang mangga!”   Namilog ang mata ni Romouldo, nakaisip na naman ng kapilyuhan. Kaganda ni Theresa lalo kapag nagagalit. “O wow, I just kissed you then tapos now naglilihi ka na Theresa? Naghahanap ka na ng hilaw na mangga? Oh my God, ang bilis, kahit sa laway ko ay nalangoy ang aking mga sperms.”   Muntik ng mabato ni Theresa ng kaing ng mangga ang ngising-asong binata sa harap nya ng marinig ang tinuran nito. “Aba talaga sing bilis ng kidlat din pag-iisip mo ano?! Pwede find someone na tatawa sa jokes mo na korni? Hindi nakakatawa uy, nakakasuka, yak ka mag-isip. Sayang ng ninovena ko kanina, nagkakasala na naman ako. Hayyys, please go. Magbabasa pa ako ng bibliya.” At paisimid na ngang iniwan ni Theresa ang binatang napalis ng kagyat ang ngiti. Maya-maya naman ay napahalakhak ito ng makitang naka thumbs-up si Don Pacifico sa di kalayuan sa sala. Mukhang nakikinig sa kanila kanina.   Pagdating sa kwarto nya napahagikhik naman si Theresa. “Dios ko Lord, nakakatawa ang lalaking yun, pero gwapo nga sya Lord, in fairness.”   II   Paggising ni Theresa the next day, masarap na amoy ng sinangag, prinitong daing at itlog ang naamoy nya pagbungad pa lang sa may kusina.   “Abah Aling Melba, nagugutom ako sa niluluto mo.” Nakangiti pa ang nobisyada ng nagmamadaling pumasok sa pinaka kusina.   “Good morning beautiful, breakfast is ready!” bungad na bati ni Romouldo na hubad baro pero naka aipron naman.   Natigilan si Theresa sa tuluyang pag upo sa mesa. Napakunot-noo. “Bakit ikaw ang nagluluto? Asan ang kusinera naming?”   “Ahh, nagprisinta kasi ako na ipagluluto kita Sister. Kaya ayan, have a seat and please eat. Sasaluhan na din kita. Hep, don’t worry, may basbas ng Papa mo na kumain din ako kasabay mo.” Sabay kindat ng binata sa nakakunot-noo pa ring si Theresa.   Kinahapunan naman ay may dalang meryendang suman na may latik si Romouldo. Pinagawa nya sa kusinera naman nila.   Naging ganito ang pangyayari sa araw-araw na parang nakagamayan na din ni Theresa. Subalit, hindi pa din nagbabago pakikitungo nya sa binata. Malimit ay sinusungitan nya pa din ito. Alam nya ang pakay nito sa ginagawang parang paninilbihan. And her answer is NO! dahil seryoso syang maging taga-pagsilbi ng Dios at ng simbahang katoliko.   Isang umaga, nagmamadaling bumaba si Theresa, nagulat sya ng si Aling Melba na ang nadatnan nya sa kusina. Luminga-linga sya na parang may hinahanap.   Napangiti si Aling Melba, “Kung ang hinahanap mo po Senyorita ay si Senyorito Rom, naku nagpasabi po kagabi na hindi makakapunta. Ang balita ko po kasi ay niyaya nila Maxima at ilang kabinataan at kadalagahan dito na mag- outing sa may tabing dagat. Maaga silang pumunta ata.”   May naramdamang lungkot at inis si Theresa. Bakit di man lang sya niyaya ni Maxima o kaya naman ay ni Romouldo? Teka lang, bakit ba sya nagdadamdam. Dahil ba hindi sya niyaya ni Maxima o dahil kasama ni Maxima si Romouldo ngayon? Hayys, sinaway ng dalaga ang sarili sa kung ano-anong iniisip nito.   Tamilmil na nag-agahan si Theresa at kapag daka ay umakyat na uli sa kwarto nya. Nagpatugtog ng rock at naisipang mag exercise habang sinasabayan ang tugtog.   III   Nung mga sumunod na araw ay wala pa din si Romouldo. Nabalitaan nya sa ama na lumuwas pala ng Maynila. May isang kumpanya daw na nakita ang mga ad postings nito ng mga pananim nilang tubo at mais sa f*******: Page na ginawa nito at ayun nakikipag meeting sa Maynila.   “Bale dalawang Clients kameeting nun sa Maynila. Yung isa nirefer ko na kaibigan ko na may ari din ng kumpanya. Magaling din pala talaga ang binatang yan ni Sosimo.” Dagdag impormasyon ni Don Pacifico sa anak na may dagdag pang pagbibida sa kakayahan ng binata.   Nang mga sumunod na araw, naisipan ni Theresa na maglunoy sa malinis na batis na kung saan may tubig na dumadaloy din dito mula sa taas ng maliit na bundok, na ang umaagos na tubig mula sa taas nito pababa sa batis ay nagmimistulang isang maliit na waterfalls. Ang mala paraisong lugar na ito ay nasa loob pa ng malawak nilang lupain. Mag-isa lang sya kaya kampante si Theresa. Naka-kamison lang sya ng lumusong sa tubig. Alam nyang safe naman sya dahil nababakuran ang buo nilang kalupaan at mga manggagawa o mga magsasakang nakikisaka lang sa lupain nila ang nakakapasok sa lugar na ito. Wala ni isa man sa mga ito ang magtatangkang kantiin mang lang sya.   Nagmumuni-muni ang dalaga ng biglang may narinig siyang lumundag sa tubig. Napasigaw siya ng mismong sa harap nya lumabas ang ulo ng nagdive sa batis.   Tinakpan bigla ng lalaking nagdive ang bibig ng dalaga. Napamulagat si Theresa at nagpumiglas.   “Theresa, hey, it’s me, si Rom ito.” Kapagdaka ay nagsalita ang lalaki.   “Rom, nakakainis ka talaga! Bakit mo ako ginugulat at tinakot pa?!”   “Sorry my love, medyo na missed kasi kita kaya when I saw you here, ey, napalundag na lang akong bigla sa tubig.” Ngiting-ngiti si Romouldo.   Nanlaki ang mga mata ni Theresa ng maalala kung ano lang ang suot nya, “Goodness, layuan mo ako. “ Bigla ay tumakbo sa pampang si Theresa at agad na dinampot ang dalang roba nya at isinuot.   Umahon din si Romouldo at doon lang napansin din ng dalagang nobisyada na hubad pala ang pang-itaas nito at naka boxer shorts lang eto sa ibabang bahagi nito.   Shocked ang nobisyada ng mamasdan ang mamasa-masang katawan ng binata na kitang-kita naman talaga ang pagiging macho sa mga muscles nito na nasa tamang lugar lahat.   Napangiti si Rom ng makita ang pagkatigalgal ni Theresa. Kahit ng lumapit na sya dito ay tulala pa din ang nobisyada.   “Theresa.” Sambit ni Rom na ngayon ay nasa harap na ng dalaga. Hinawakan nya ang magandang mukha nito at akmang hahalikan ng maalimpungatan si Theresa sa matagal na pagkatigalgal. Biglang naitulak nya ang binata kaya’t paupo itong natumba sa may tabing batis.   “Areku!” Nakangiwi pa ang binata na animo ay nasaktan talaga hawak ang puwit na tumama sa mababaw na tubig ng batis.   Napalapit si Theresa. “Naku sorry, sorry Rom, nakakabigla ka naman kasi.”   Nang makalapit si Theresa ay mabilis itong hinila ni Romouldo, kung kaya’t mismong sa katawan niya bumagsak ang dalaga. Napasigaw uli si Theresa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD