I Gigil na kinuha uli ni Maxima ang kanyang cellphone. Tinignan uli ang recent post ni Romouldo at gigil na nagtipa ng comment sa comment section nito. “Wow, how sweet, parang walang ginawang pagtataksil haha, joke, hahaha.” Komento ni Maxima sa f*******: post ni Romouldo. Marami and nakabasa sa f*******: comment ni Maxima sa post ni Romouldo na nagsipagkomento rin. Marami ang nacurious sa kung anong alam ni Maxima patungkol kay Romouldo, na sinasagot naman ni Maxima ng “Secret”. Nangatal sa galit si Romouldo ng makita ang comment ni Maxima sa f*******: post nya, lalo na ng mapansing maraming nagsipag-komento din na halatang naintriga. Gustong sagutin ni Romouldo ang comment ni Maxima kaya nag-isip sya sya ng magandang pang-bara sa komento nito. “Kapag ayaw sayo, wag ip