I Tumungo na sa kusina si Theresa. Sa totoo lang gutom na sya dahil di sya kumain ng dinner last night sa sobrang sama ng loob kay Romouldo; yun pala wala syang dapat ipag-alalala o ikagalit. Gusto nyang basagin ang bibig ni Maxima sa mga oras na to. Napaantanda si Theresa sa naisip nyang gawin kay Maxima. “Santisima Trinidad, nagiging basagulera na ata ako. Ipagpatawad mo po Mahal na Panginoon.” Itinaas pa ni Theresa ang ulo at nag sign of the cross pa sya. Sa ganung position sya inabutan ni Rom sa kusina. “Mahal!” malakas na tawag ni Rom sa kasintahan na ikinagulat nito. “Ay! Kabayong bakla nadapa, ay! Ano ba Romouldo! Bakit ka ba nanggugulat?!” Galit na turan ng nagulat na dalaga. Napahalakhak si Romouldo. “Ano’t nag sasign of the cross ka? Nagdadasal ka ba? Aba eh, natakot