I Excited na kumuha ng ticket sa cinema si Rmouldo. “Miss dalawang ticket nga.” Sabi nya habang inaabtot and limang daang piso sa cashier. Ngumiti and kahera saka iniabot kay Romouldo and dalawang ticket or passes para makapasok sila ni Theresa sa loob ng sinehan at makapanood uli ng horror movie. “Mahal, halika na. Eto, may ticket na ako.” Yaya ni Rom sa kasintahan sabay hawak akbay dito. Nangunot and noo ni Theresa nang makita kung anong pinto ng sinehan ang pinapasok nila. “Bakit horror movie ang pinili mo? Gusto ko sana yung comedy na movie ni Comedy King Dolphy,” saad ni Theresa na halatang nagrereklamo at hindi gusto and horror film. “Maganda yang horror movie na yan mahal. Napanood ko and Wrong Turn part one nyan. Sobrang nakakadala at matatakot ka talaga.” Pang