I Nang bumalik si Don Sosimo sa kanilang mansiyon ay binulungan siya ng kanilang kasama sa bahay. “Asan ang anak ko?” Nag-aalalang tanong ni Don Sosimo. “Nandoon po Sir sa may bahay kubo sa manggahan, mag-isa pong umiinom. Isang Fundador na po halos ang nauubos at nagsisigaw na po kanina, happy wedding daw po sa kanya. Nalulungkot po ako Sir sa nangyari sa kasal nila Senyorito Rom at Senorita Theresa.” Sabi ni Aling Flor, ang kasambahay nila Don Sosimo. Malungkot na tumango si Don Sosimo. “Ako man Flor ay lubos na nalulungkot; akala ko ay wala nang magiging sagabal pa. Di ko lubos maisip bakit ginawa ni Maxima ang ganoong kawalang hiyaan!” Bigla ay nagpuyos sa galit si Don Sosimo. Pinuntahan agad ni Don Sosimo si Rom sa may bahay kubo nila sa may manggahan. Inabutan niy