I Hanggang pauwi hindi nakibo si Romouldo. Nagdadrive lang eto na animo ay wala sa sarili. Madali namang napansin ni Theresa ang mood ng nobyo. “Hindi ka ata nasiyahan sa pinanood natin Rom?” untag niya dito na ikipatingin nito sa kanya. “Hindi naman talaga masaya yung kasi nakakatakot; tilian lang ng tilian yung mga manonood, masakit sa tainga,” sagot ni Rom na bahagya lang lumingon sa nobya. Nangunot ang noo ni Theresa. “Aba, hindi ba ikaw yung pumili nang movie na yun?” baling niya dito. Tumango lang si Rom at nagmaneho ng walang kibo hanggang sa nakarating sila sa bahay nila Theresa. Bago bumaba ng kotse ay muling nagtanong si Theresa. “May problema ba tayo mahal?” Napatingin sa kanya si Rom at ngumiti ng pilit. “Wala naman mahal. You take a rest tomorrow I