CHAPTER 4 – Kasalan o Ano?

1148 Words
I   Ilang araw na hindi lumabas man lang ng kanilang bahay si Theresa. Ilang beses din na dumalaw si Romouldo upang makausap ang dalaga, subalit hindi sya hinarap nito.   The two old men, Don Pacifico and Don Sosimo are quite worried. Tapos na ba ang mga pangarap nilang maging magbalae? O malapit nang matupad ito?   “Kumpadre, ano kaya ang nasa isip ng dalaga mo. Aba ey, hindi man lang kinausap ang binata ko kahit pabalik-balik na sa inyo.” Medyo nahihirapan ang loob na tanong ni Don Sosimo sa kaibigang si Don Pacifico.   Ngumiti si Don Pacifico, “Don’t worry kumpadre, kilala ko ang anak ko, malamang nag-iisip pa yan sa kung ano ang pinaka the best na gagawin nya.”   “Ay ala ey, sana nga kumpadre, naku kahirap atang suyuin ng dalaga mo, mukhang seryoso sa debosyon nyang maging ganap na madre.”   Medyo lumamlam ang mukha ni Don Pacifico pero kagyat na pinaram nito ang nararamdaman. He tapped Don Sosimo’s shoulder saka nagwika, “manalig ka Sosimo na may magandang magaganap sa mga susunod na araw.”   Two days after, lumapit si Theresa sa ama. “Papa, ipatawag mo si Romouldo kasama ang kanyang ama, gusto ko sanang magusap-usap tayo.”   Nataranta si Don Pacifico sa sinabi ng kanyang dalaga. “Aba oo hija, oo, ipapatawag ko ang mag-ama ngayon din!” Napalundag sa tuwa si Don Sosimo, sa isip nya eto na, eto na, kasalan na ang kasunod.   Habang si Romouldo ay hindi mawari ang nararamdaman. Excited sya na kinakabahan. “Papa, hindi kaya gusto lang talaga akong sampalin ni Theresa at gusto ay makita mismo ninyo?”   Kumunot ang noo ni Don Sosimo sa anak. “Ano ba naman aring batang ari, napakamorbid mag-isip. Kung sasampalin ka lang ni Theresa, aba ey bakit magpapalipas pa yun ng halos isang lingo, sana nung birthday mo pa lang, ey birthday gift nya na sayo yung sampal.”   Napakamot sa batok si Romouldo. Kabado man ay sumama na din sa ama papunta sa mansion nila Don Pacifico.   Pagdating sa mansion ay niyaya sila ni Don Pacifico sa hapag kainan. “Halikayo, ang bilin sa akin ni Theresa ay pakainin ko daw muna kayo tapos bababa na sya para mag-usap, usap tayo.” Mukhang Masaya si Don Pacifico.   Sa narinig ay lalong nagging happy si Don Sosimo. Si Romouldo ay nanatiling kinakabahan.   II   Bumaba si Theresa mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, kung saan andoon ang kwarto nya. Sa hagdan pa lang ay tingalang-tingala na si Romouldo. Iba ang aura ni Theresa ngayon. Hindi nakasuot ng mahabang palda. Naka suot ito ng maong na pantaloon at simpleng t-shirt na v-neck na kulay purple. Lumabas ang kaputian nito sa suot. Nakalugay din ang maitim at malagong buhok nito na lagpas balikat.   “Ahem, Romouldo baka maduling ka sa anak ko.” Napatikhim pa si Don Pacifico nang makitang titig na titig si ang binata sa naglalakad nyang anak papunta sa kanila.   Napakamot naman sa batok ang binata and shyly smiled at Don Pacifico. Naupo si Theresa sa sofa katabi ng ama at kaharap naman ang mag-ama.   “Magandang hapon sayo Theresa.” Pambungad na bati ni Don Sosimo.   Ngumit si Theresa sa Ninong nya. “Good afternoon Ninong.” Ni hindi nito tinignan si Romouldo na naghihintay din sanang batiin ng dalaga.   “O anak, andito na sila, ano ba ang paguusapan natin?” untag ni Don Pacifico sa anak.   Tinignan ni Theresa ang ama at ang mag-amang Don Sosimo at Romouldo sa harap nya bago nagsalita. “Dahil sa ginawa ni Romouldo nung birthday nya, may hihilingin ako.”   “Ano?” Panabay na tanong ng dalawang Matandang Don.   “Humingi sya ng public apology, magpatawag kayo ng pulong para sa paghingi nya ng sorry sa ginawa nya sa akin.” Matatag na sagot ng nobisyada.   Umalma si Don Pacifico. “Pero Hija, hindi nun mabubura ang katotohanang nahalikan ka sa harap ng maraming tao ni Romouldo. Kahihiyan ito sa ating pamilya kung di mo papanagutin si Romouldo sa ginawa nya.”   “Papa, magmamadre ako, kaya di pwede yang suggestion nyo. Naniniwala akong malinis pa din ang dangal ko kahit nahalikan na ako, sapagkat yung halik nay un ay nakaw at di ko ginusto.” Final na sagot ng dalaga at nagpaalam na sa mga kausap na babalik sa kwarto nya.   Laylay balikat si Romouldo sa narinig mula kay Theresa.   Ang dalawang matandang Don ay mukhang mga nalugi sa sugal ang hitsura. Kung baga sa larong bingo ay bingong-bingo na sana, inalat pa.     III Dahil feeling broken hearted, kinuha ni Romouldo si Stacey at nangabayo ang binata palibot sa kanilang maisan at tubuhan. May lungkot sa mga mata nito habang tinatanaw ang malaki nilang lupain. Alam nya na kailangan ng kanyang ama ang tulong nya. Ano nga ba ang pwede nyang gawin? Pwede syang lumabas ng Maynila at gamitin ang pinag-aralan nya. Graduate sya ng BSBA in Marketing Management sa UK. Nagsisimula n asana sya ng career nya don, nang magkasakit ng malubha ang kanyang ina. Nang tuluyang pumanaw ang ina nya, nagdesisyon syang umuwi sa kanyang ama, dahil tingin nya, panahon na rin para makasama nya ito.   Biglang may pumitik sa utak ni Romouldo. Oo nga pala, BSBA Marketing Management Graduate sya, bakit di nya iapply ang napagaralan nya sa negosyo nila. Sa panahon ngayon lahat ng bagay ay pwede nang pasikatin dahil sa social media or online communication. May strategy na siyang naiisip.   Sa kabilang banda, gusto naman na talaga nya si Theresa. Hindi naman sya playboy, katunayan dalawa lang nagging girlfriends nya don sa UK at take note, di nya naman pinagsabay yung dalawa. One at a time naman sya.   Pero kay Theresa, talaga namang tinamaan sya. Gusto nya itong ligawan ng totoo, magmamadre man ito o hindi. Desidido sya sa bagay na to, hindi dahil sa kondisyon na ibinigay ni Don Pacifico, kundi dahil talaga namang nagustuhan nya ang dalaga, unang kita pa lang sa litrato nito.   Pagbalik sa kanilang mansion, hinanap nya ang kanyang ama at kinausap. “Papa, may naiisip akong marketing strategy na pwedeng gawin para makilala an gating mga produkto. Gagawa ako ng f*******: Page para ditto saka na din website. Ipopost ko din sya sa iba-ibang online selling platforms na kalat na kalat na sa buong mundo.”   “Abah anak, okay yang naisip mo. Sige, sige anak, that’s grate.” Umingles pa si Don Sosimo.   “Papa, it’s great not grate.” Natatawang itinama ng binata ang ama, na napatawa din.   “At isa pa Papa, sa ayaw at sa gusto ni Theresa, liligawan ko sya!” May conviction ang bawat bitaw ng salita ni Romouldo.   Napapalakpak si Don Sosimo. “That’s my son! Go, anak, laban lang.” at tinapik-tapik pa ng matandang Don ang balikat ng anak bilang pag-encourage dito ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD