I
Hindi pumayag si Don Pacifico na hindi maisama ang anak na nobisyada sa birthday party ng anak na binata ni Sosimo.
“Anak sama ka na, andoon naman si Maxima, yung kaclose mo na pinsan. Balita ko eh, medyo nagkakamabutihan sila ng binatang eto ng Ninong Sosimo mo.” Panghihikayat ng Don sa anak.
Biglang napatingin si Theresa sa ama sa narinig. “Si Maxima ho, pupunta doon? At ano kamo Papa, nagkakamabutihan sila ng lalaking iyon?”
“Oo anak, tama ka sa narinig mo sa akin. Kaya halika na at nakakahiyang tayo pa ang late.”
Napilitan na ngang sumama si Theresa sa ama.
Nagkakatuwaan na ng dumating sila sa bahay ni Don Sosimo. My paparlor games pa si Don Sosimo.
“Papa ano to, seven years old ba ang anak ni Don Sosimo at may paparlor games pa talaga?” pabulong na sabi ni Theresa sa ama.
“Sshh, baka marinig ka ni Pareng Sosimo Hija, alam mo na, ngayon lang nabigyan ng birthday party ni Sosimo yang anak nya dahil simula two years old eh, dinala na yan ng ina nya sa United Kingdom. Kaya siguro gustong magbalik tanaw ba ni Pareng Sosimo,” mahabang paliwanag ni Don Pacifico sa patawa-tawang anak.
Ang palaro ay putukan ng balloon kung saan ang lalaki ay nakaupo sa silya habang hawak ang balloon na uupuan naman ng babae hanggang sa pumutok ito. Medyo nabastusan ang babaeng nobisyada sa palarong ‘to ni Don Sosimo, samantalang si Romouldo ay mukhang enjoy na enjoy lalo na nung si Maxima na ang umupo sa kandungan niya at nagtangkang putukin ang lobong hawak niya.
Sumisigaw pa si Romouldo, “Sige pa Maxima, diinan mo, galingan mo, puputok na ako, ay este puputok na ang lobo ko!”
“Susmaryosep Papa, ano ba ang palaro namang yan ng Ninong Sosimo ko, kung kalian naman tumanda ey, saka naman bumastos ang isip nya,” bulong uli ni Theresa sa ama na mukhang nag-eenjoy din sa palaro ni Don Sosimo.
Tumawa lang si Don Pacifico sa ibinulong ng anak at pumalakpak pa ng tuluyang pumutok na nga ang balloon na hawak ni Romouldo.
“Naku Papa, isa ka pa. Mukhang gusto mo pa atang sumali sa palarong yan!” muling bulong ng nobisyada sa amang di naman na halos nakikinig sa kanya.
Nagsalita si Don Sosimo matapos ang nasabing bastos na palaro. “Ang susunod na palaro ay kainan ng apple ni Eva, este apple lang pala. Sinong sasali?!
Biglang hinatak ni Don Pacifico ang nobisyadang anak, “Ire, ireng dalaga ko Pareng Sosimo, yes, she will join! Go, go anak, make your old father proud.” Hinila na sa gitna ng matandang Don Pacifico ang anak na gilalas sa ginawa ng ama.
“Ahahay, Pareng Pacifico, dahil first volunteer ang anak mo, kung kaya naman sya ang magiging kapartner ng birthday celebrant!” Tuwang-tuwang anunsiyo ni Don Sosimo.
Nanlaki ang mga mata ni Theresa, samantalang tatawa-tawang lumapit naman sa kanya si Romouldo na may hawak nang mansanas.
Sumimangot bigla si Maxima.
“Maxima, partner tayo,” yakag kay Maxima ni Noel, kababata at kaklase ni Maxima at Theresa noong elementary sila.
Apat na pairs of players pa ang sumali, kung kaya’t anim lahat ang maglalaban-labang pareha kasali na sila Theresa at Romouldo.
Pumailanlang ang tugtog ng mga matatandang nagbabanda. Dayang- dayang pa ang tinugtog ng mga ito.
Ang mansanas ay inilagay sa pagitan ng mga bibig ng bawat partners na manlalaro. Sabay na kakagat ang magpartner hanggang sa maubos nila ang mansanas. Ang unang makaubos ng mansanas ay panalo.
Ang galing ni Maxima at Noel kumain ng mansanas, halos nangalahati agad sila. Humihiyaw na ang mga manonood, isinisigaw ang pangalan ni Maxima at Noel.
Samanatalang si Theresa at Romouldo ay parang naggigirian; hindi alam kung sino ang unang kakagat sa apple. Nanggigigil na pinandidilatan ni Theresa ang binata na kumindat-kindat naman. Parehas gigil, sabay silang kumagat sa mansanas subalit biglang nahulog ang mansanas at ang mga labi nila ang nagdaiti! Tulala si Theresa, samantalang si Romouldo ay itinuloy ang halik.
Nagkatinginan sila Don Pacifico at Don Sosimo; parehas mulagat ang mga mata, pero sabay ding nagkindatan at muntik nang mag-apir pa.
II
Umuwing tulala si Theresa. Hindi kinikibo ang amang si Don Pacifico na kunyari ay walang naalalang di kanais-nais na nangyari. Hanggang makarating sa mansion nila ay walang kibo ang nobisyada. Dumeretso ito sa kwarto nya.
Takang-taka ang matandang Mayordoma nila, kaya’t nagtanong sa among Don.
“May maganda laang na nagyari, kaya mukhang shock pa ang aking dalaga. Huwag ka na ngang tsismosa Marta, katanda mo na eh, tsismosa ka pa!” sita ng matandang Don Pacifico sa matandang Mayordoma na nagulat naman sa sagot ng amo.
Sa kanyang kuwarto, hindi mapakali si Sister Theresa. Feeling nya, ang laki ng kasalanan nya sa Diyos sa nangyari kanina. Hindi na sya malinis; may nakahalik na sa labi nya. “Diyos ko Amang nasa langit, nawa’y patawarin nyo po ako.” Nagkrus pa ang nobisyada at nagdasal ng taimtim.
Sa mansion nila Don Sosimo, tuwang-tuwa si Don Sosimo. Inakbayan pa ang binatang anak. “Aba ey, kagaling mo kanina anak, barakong-barako ba. Ay talaga namang sa akin ka nagmana sa bilis sa babae hahahaha.”
Napailing-iling si Romouldo, batid nya na maluha-luha si Theresa kanina at hiyang-hiya sa lahat. Nagpaalam nga agad na uuwi na.
“Papa, I feel guilty, mukhang dinamdam ni Theresa ang nangyari kanina,” bigla nasambit ng binata sa ama.
“Hmmm, kapag feeling hiyang-hiya si Theresa baka kasalan na kasunod nito Hijo.” Patawa-tawa na si Don Sosimo.
“Anong sinabi nyo Papa?”
“Romouldo, mukhang hindi mo alam, dito sa baryo natin kapag ang isang dalaga ay nahalikan ng lalaki at lalo na maraming nakakita, isang kasiraan sa puri ng dalaga yun, malamang sa malamang, magdedemand ng kasal ang dalaga mismo o ang kanyang mga magulang,” mahabang paliwanag ni Don Sosimo sa anak na binata na laking UK kaya walang kaalam-alam sa nakaugalian sa baryo nila.
Sa kabilang mansion, kinatok ni Don Pacifico ang kuwarto ng nobisyadang anak. “Hija, pagbuksan mo ako ng pinto; mag-usap tayo ng maayos.”
Pinagbuksan ni Theresa ang ama. “Papa nakakahiya yung nangyari kanina. Kitang-kita ng buong kababaryo natin ang ginawa sa akin ni Romouldo.”
Biglang may pumitik sa utak ng matandang Don Pacifico, aha, mukhang eto na yung pinaka-aantay nyang pagkakataon. “Ahh, Hija, alam mo ang tradisyon dito sa atin; may karapatan ka na magdemand ng kasal kay Romouldo kung gugustuhin mo, para maligtas ka at ang pamilya natin sa kahihiyan.”
“Papa, paano ako magpapakasal sa lalaking iyon, nakatakda akong maging Madre!”