CHAPTER 2 – Unang Pagkikita at Unang Away

1021 Words
I   Kanina pa naghihintay sa may labas ng simbahan si Theresa. Ang tagal namang dumating ng pinadalang sundo ni Papa, sa isip isip ng nobisyada.   Lagpas na sa alas singko, wala pa din ang sundo ni Theresa. Ang usapan nila ng ama ay alas singko sya sunduin sa may labas ng simbahan. Aba ey, nilalamok na ata sya sa kahihintay sa kung sino man yang nautusang sumundo sa kanya.   Makalipas ang thirty minutes pa, may Toyota Lancer na pula sa harap nya. “Ikaw ba si Ms. Theresa?” tanong ng lalaking lumabas sa may driver’s side.   Hindi napigilang bumusangot ni Theresa. Kahit magmamadre sya, ala ey, tao pa din sya na pwedeng magalit. “Ako ba susunduin mo? Kasi ang alam ko, alas – singko nang hapon ang oras ng susundo sa akin.”   Tumaas ang kilay ng lalaking, may kasungitan din pala. “Miss akala ko ba ang mga magmamadre ay may santo kristo sa dibdib kaya mababait. Ako nga ang susundo sayo at pasensya Madam Superiora, nasiraan ako sa daan kaya po inayos ko muna. Alangan namang tumakbo ako papunta dito at kargahin ka na lang pauwi. So ano, will you come with me? Sasakay ka ba o uuwi na akong mag-isa?”   Umalon ang dibdib ng dalaga sa nagpupuyos na galit, “Aba’t antipatiko ka din ano? Kung hindi ako sasabay sayo, saan ako sasakay? Sa kalabaw? Dalian mo, bring my bags, pagod na ako sa kakatayo dito.” At nagpatiuna na ang dalagang nobisyada papasok sa loob ng kotse.   Nangingising, sinukbit ni Romouldo and dalawang travelling bags ng dalaga. Sa isip nya, nakakahalina ang namumulang mukha ng dalaga kapag nagagalit. Ala ey, lagi nya etong gagalitin hanggang sa pati pagtulog nito sya ang maalala.   Pagdating sa loob ng kotse, biglang hinubad ni Romouldo and suot na t-shirt, init na init na sya, sira ang aircon nitong kotse ng Papa nya. Kung bakit ang bulok na kotse pa na ‘to ang nabitbit nya sa pagmamadali; meron naman silang bago bago pa na Pajero.   Nagulat ang dalagang nobisyada ng paglingon ay nakitang hubad na ang pang-itaas na damit ng katabing driver. Napamulagat eto, “Aba hoy, bakit ka naghubad?! Isuot mo yung damit mo. Ala ey, ang bastos mo ah!”   “Mother Superior, ngayon ka lang ba nakakita ng machong lalaking nakahubad?” Ngising-ngisi ang binata.   “Susunod ka ba sa sinabi ko o sisigaw ako dito ng pangmomolestiya?!” gigil na turan ni Theresa.   Humagalpak ng tawa si Romouldo, “Paano kita momolestyahin e hanggang bukong bukong damit mo, baka nga naka chastity belt ka pa sa alam mo na hahaha.”   Talagang gusto ng hambalusin ng dalaga ang mayabang at antipatikong lalaking sumundo sa kanya.   “Actually, gusto ko ding tanggalin ang pants ko, it is so hot here, you know. Naka boxer shorts naman ako sa loob; Sister Theresa, pwede po ba?” nakangising binalingan pa nito ang nanggigigil na nobisyada.   Napamulagat si Theresa sa narinig, “What? Are you crazy?”   “No, I’m not Sister, it’s f*****g hot here you know, ‘di ako sanay. Naiinitan lang ako but I’m not sira-ulo. Hmm, ikaw ba Sister di naiinitan sa suot mo? Actually, pwede mo tanggalin ang mahaba mo na palda, naka shorts ka naman siguro sa loob.” Sumipol pa ang binata pakatapos magsalita.   Feeling ni Theresa ay sobra na syang binabastos ng binata. “Saglit, ‘wag mo muna patakbuhin, lilipat ako ng upuan sa likod!”   At lumipat nga ang nobisyada sa likod ng kotse na nagpupuyos ang loob. Habang ang binata ay pasipol sipol pa while driving.   II   “Papa sino ba ang damuhong pinasundo mo sa akin ha?” Hindi pa man nakakapagmano ay agaran ng nagtanong si Theresa sa amang sumalubong sa kanya sa may pinto ng kanilang bahay.   “Ala ey, bakit ga anak? Mabait ang binatang yun ng Ninong Sosimo mo. Yun ay si Romouldo,” kumakamot sa ulong sagot ni Don Pacifico.   “Mabait? Naku Papa, mukhang nagkakamali ka. Nuknukan ng yabang at pagka antipatiko ang sabihin mo. Hayys, late na nga bastos pa. Naku nasisira ang pagiging nobisyada ko sa lalaking yun. Nakakapang-init ng ulo.” Nakasimangot na pumasok na sa kabahayan nila ang dalaga, habang nakasunod ang amang kumikindat-kindat sa Mayordoma nila.   “Ey hija, gutom ka na ba? Magpapahain na ako ng dinner,” kapagdaka ay tanong ni Don Pacifico   “Sige Papa, nagugutom na nga ako. Ang tagal kasi dumating ng lalaking iyon. I waited for almost one hour, susmaryosep.”   Napatawa si Don Pacifico sa tinuran ng anak na nobisyada.   “By the way anak, Theresa, invited tayo ng Ninong Sosimo mo sa kanilang bahay tomorrow kasi birthday pala ng binata niya. May konti daw silang salo-salo.” Pinagmasdan ng Don and magiging reaction ng anak.   Napatingin bigla si Theresa sa ama, pakarinig ng tinuran nito. “Abah Papa, obligado pa talaga ako na makibirthday party sa damuho na yun? Ayokong pumunta Papa.” Matapos ang tinuran ay nagmartsa na ang nobisyada papunta sa kuwarto nito.   Napakamot sa batok nya and matandang Don saka bubulong-bulong na dumeretso sa may kusina ng mansion. “Ay ala ey, nadali na, mukha ga walang pag-asa ang damuhong yun ni Sosimo na mapaibig ang nobisyada kong anak. Ano kaya ginawa ng tinamaan ng lintik na binatang yun? Naku, talaga naman Sosimo, baka di kita pautangin”     “Sinong uutang Papa?” biglang nagulat si Don Pacifico ng magsalita si Theresa na nasa kusina na din pala at nasa likod nya pa.   “Ay ehek, si… ay wala anak sabi ko, kung may mangungutang sa akin ngayong araw, hindi ko pauutangin. Mga tinamaan ng lintik, hindi nagsisipagbayad eh!”, Naggalit-galitan ang Don Pacifico.   Tumawa si Theresa sa tinuran ng ama. “Papa kahit kailan naman kapag may nangungutang sayo, hindi mo napapahindian, kaya nga well bless tayo ni Lord. Please continue doing that Papa para tuloy tuloy din ang swerte.”   “Sige anak, sana I will be lucky too na magkaroon ng mga apo.” Pasimpleng parinig ni Don Pacifico sa anak.   “Naku Papa, mag ampon ka na lang ng bata o kaya mag-asawa ka uli, I will not object, promise. Hmmm, mukhang kayang-kaya mo pa namang maka lima pa ng anak, medyo bata lang ang piliin mo ha Papa hehe.” Patawa-tawang sagot ng nobisyada sa ama.   “Ay tinamaan ng kulog na eto at ako pa ngayon ang binalingan. Hindi na uy, walang kapalit ang Mama mo sa puso kong ito. Tumitibok-t***k laang ‘to para kay Generosa ko. Sumalangit nawa ang kaluluwa mo mahal ko.” Napaantanda pa si Don Pacifico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD