CHAPTER 1 – Ang Kondisyon

1122 Words
I   May bisitang dumating si Don Pacifico Montrealdo ayon sa kanyang Mayordoma. Ang kaibigan nya daw na si Don Sosimo Alvarezo.   “Kumpare, ano’t napadalaw ka? Come in and have a seat.” Masayang bungad ni Don Pacifico sa kaibigang mayamang haciendero din.   Umupo si Don Sosimo at sinabi ang pakay pakatapos humigop ng mainit na kapeng idinulot sa kanya ng isa sa mga katulong ni Don Pacifico. “Kumpare, ala ey, may mahalaga akong sadya sa iyo. Nagkakaproblema ang aking tubuhan at maisan. Ilang deliveries na namin sa Tsina ang hindi natuloy kaya’t nanganganib na baka malugi ako. Nais ko sanang humingi ng tulong financial sayo o kaya mabigyan mo ng kliyenteng aangkat ng lahat ng aming ani na hindi tinanggap ng kliyente ko sa Tsina.”   “Pareng Sosimo, walang problema yaan. Mapapahiram kita ng pera at mabibigyan kita ng kliyenteng taga Maynila. Kaibigan ko yun na may pagawaan ng yellow corn at asukal. Ngunit may isa akong natatanging kundisyon Kumpare, kung iyong mamarapatin,” pahayag ni Don Pacifico na nagpakunot sa noon ng isa pang Don.   “Ala ey, sabihin mo kumpare, baka kaya ko naman, kung interes man yaan sa ipapahiram mo walang problema,” ani Don Sosimo na kita ang labis na interes sa mukha.   Ngumiti si Don Pacifico at nagwika, “Kumpare, walang interes tayong paguusapan, kung ano man mahihiram mo ibabalik mo na ganuon pa din ang halaga. Alam mo na may anak akong dalaga di ba?”   “Oo naman kumpare, inaanak ko pa nga si Theresa. Malapit na ba syang maging ganap na madre, ala ey, masaya yaan. Magcecelebrate na ba tayo?”   “Yun, yun kumpare, may relasyon diyan ang kundisyon ko. Humihingi ako ng pang unawa sa Panginoon, subalit nais ko sanang hindi matuloy ang ganap nyang pagmamadre dahil gusto ko na maging normal ang buhay nya at gusto ko ding magkaapo. Alam ko na dumating ang iyong nag iisang binatang gwapo at matikas noong sang buwan, ala ey mana ba sa ama sa tindig. Connected sya sa kundisyon ko kumpare,” mahabang paliwanag nito.   Medyo naguguluhan, kaya nagtanong si Don Sosimo. “Ano’t kasali ang binata ko na kasingtikas ko nga kumpare.”anito na medyo napahalakhak.   “Sosimo, nais ko sanang ligawan ng iyong anak ang aking dalaga at kung magkamabutihan sila ay makapagpakasal.” Seryosong pahayag ni Don Pacifico.   “Aba’y kumpare gusto ko yaan, ala ey, ang maging magbalae tayo ay lubhang nakakatuwa.” Sumang-ayon agad si Don Sosimo.   Kung kaya’t nagkaroon ng mabuting kasunduan ang dalawang matandang haciendero.   II   Pagdating ng kanyang bahay ay agad na hinanap ni Don Sosimo ang anak na si Romouldo. Nakita niya eto sa may mga kwadra ng kabayo, hinahaplos haplos ang likod ng kabayo nilang si Stacey.   “Hijo, ala ey, sana totoong dilag na ga ang hinahaplos mo haha.” Biro ni Don Sosimo matapos makalapit dito.   Tumawa din si Romouldo. “Papa madami na akong nahaplos sa UK, iba-ibang kulay pa at lambot.”   “Ay napesteng bata to at mayabang din ay, o e bakit wala ka gang dalang asawa ng umuwi o kaya ay gelfren.” Nang-aasar na turan ng Don sa anak.   Humalakhak si Romouldo. “Kakaibang kulay at lambot ang gusto ko Papa. Something unique bah, walang katulad, parang etong si Stacey, kakaiba.” Kumindat pa ang loko sa amang nakamaang.   “Aha, kung yaan ang gusto mo, may sasabihin ako sayong mahalaga. Pumunta tayo don sa kubo at magpadala tayo ng mainit na kape kay Marta.” Yakag nito at nagpatiuna na etong lumakad papunta sa munting kubong pahingahan nila malapit sa my puno ng malaking mangga.   At sinabi na nga ni Don Sosimo ang napagkasunduan nila ni Don Pacifico.   Mulagat ang mata ni Romouldo. “Ano Papa, liligawan ko ang isang babae, paiibigin at pakakasalan? E ni hindi ko pa nga nakikita ang Theresa na yan. Aba Papa hindi mo ako mapapasali sa ganyang usapan ninyo ni Don Pacifico!”   “Romouldo, yun lang ang pwede mo itulong sa ngayon upang di tayo tuluyang mangamote.” Pananakot ng ama.   “Gaano ba tayo kalugi Papa?” kunot-noong tanong ni Romouldo sa malungkot na ama.   “Luging-lugi anak, baka di ko kayanin kapag mabalitang di na tayo mayaman, hindi ko matatanggap, baka atakehin ako sa puso.” Nagdrama-dramahan si Don Sosimo.   “Papa naku, wala kang sakit sa puso, alam ko yun, loslos oo, meron ka dahil sa hilig mo sa maanghang, pero sakit sa puso, no father, you cannot trick me. Ayoko sa pinapagawa nyo,” final na sabi ng binata. Si Don Sosimo ay tuluyang nalungkot at namroblema kung paano sasabihin kay Don Pacifico and desisyon ng anak.   III   Nag-isip ng mabuti si Don Sosimo kung paano mapapayag ang kanyang binata na sumang-ayon sa napag usapan nila ni Don Pacifico.   Biglang may kumislap na ideya sa kanyang medyo pumupurol ng isipan. Agarang pinuntahan nya si Don Pacifico.   “Kumpare, my nais sana akong hinging pabor uli sayo,” agarang sabi nya kay Don Pacifico nung magkaharap na sila.   “Dadagdagan mo uutangin mo Sosimo? Ala ey, no worries, marami ako niyan hehe.” Nakangisi si Don Pacifico.   “Ala ey, hindi naman Pacifico, ang akin ay, pwede mo ba akong bigyan ng malaking picture ng anak mo, yung pinakamaganda at naka frame bah.” Seryosong sagot ni Sosimo.   “Aba’y yun laang pala teka, Elena kunin mo nga ang isa sa pinakamagandang nakaframe na litrato ni Theresa sa kwarto nya.”   “O ano Sosimo, pwede na ba yan?” tanong ni Don Pacifico ng iaabot nya kay Sosimo ang picture frame ng anak na dalaga.   Sobrang ngiting-ngiti si Don Sosimo. “Ayos kumpare, masosolve din problema natin. O sya, ako ay mauna na, balitaan kita.”   Pagdating ng kanilang mansion, agad na isinabit ni Don Sosimo ang picture frame ni Theresa sa may malapit sa hagdan, papunta sa lahat ng kawarto sa taas. Hindi maaaring di ito makita ng binata nya dahil dadaan at dadaan yun sa lugar na pinagkabitan nya ng litrato.   True enough, napadaan nga si Romouldo sa may hagdan ng akma itong aakyat papunta sa kwarto nya para palitan ang t-shirt na basang basa ang likod. Nagjogging kasi sya sa may man made forest nila sa likod. Nahagip agad ng kanyang paningin ang litratong nakasabit sa my hagdan. Napakunot-noo sya. Ngayon nya lang ba eto napansin o kakalagay lang nito dito? Sino ba ang babaeng ito na lubhang nakakahalina ang ganda? Ang kanyang mukha ay parang mataimtimang birhen, my ilong na matangos, matang mapupungay na binagayan ng parang nililok na kilay sa hulma at labing, wow, medyo pouting at parang ang sarap kuyumusin ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD