Chapter 10

2727 Words
NANG imulat ni Laxus ang kanyang mga mata ay nabigla siya kasi ang liwanag na ng paligid. Napatayo siya sa sanga na kanyang inuupuan at sa kasamaang-palad ay dumulas ang mga paa niya rito at nahulog. Ang natutulog namang si Lisa ay nabigla sa narinig niya at napatunghay ang mukha. Dito na nga siya napaseryoso dahil si Laxus ay nakahiga sa tapat niya. Ang ulo nito ay nasa pagitan ng kanyang nakabuka palang mga hita dahil sa kanyang pag-upo habang natutulog. Hindi maganda ang dating nito sa kanya at pakiramdam niya ay may binabalak na hindi maganda sa kanya ang binata kaya nga isang malakas na paghampas sa bukas na mukha nito ang kanyang ginawa. Isang tunog ng paghampas ng isang palad sa mukha ang umalingawngaw sa paligid nila at si Laxus ay kaagad na tumayo matapos iyon. Pakiramdam ng binata ay may mainit na kung ano sa kanyang mukha. Hindi siya natuwa sa nangyari kaya nga agad niyang tiningnan si Lisa na tumayo na rin habang nagngangalit ang tingin sa kanya. “Ang bastos mo! Ginawan mo ba ako ng masama habang tulog ako? Kahit hindi ko ito katawan ay dapat na i-respeto mo pa rin ako. Saint! Babae ako!” pagalit na winika ni Lisa at ang binata ay napatanggal na naman ng dumi sa tainga niya dahil sa boses ng dalaga. Napakuyom naman ng kamao ang dalaga nang makita na naman iyon mula sa binata. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Nahulog ako galing sa taas… Tss. Sige, kung palagay mo ay binastos kita, umalis ka na. Ganoon lang iyon kasimple,” ani naman ni Laxus na hinanap kung nasaan ang kanyang Spear. Nahulog din pala ito sa kabilang tabi at agad niya itong dinampot. “G-ganyan ka ba talaga Saint? Bakit hindi ka mag-sorry?” inis pang wika ni Lisa at nanggigigil na naman siya sa binata. “Ano ba ang ipagso-sorry ko? Wala naman akong ginawa. Sige lang, magsalita ka lang. Aalis na ako. Kung iniisip mong ginawa ko iyon, sige lang…” “Wala naman akong pakialam,” dagdag pa ni Laxus na tumingin sa malayo para hanapin kung nasaan ang mga nakita niyang mga players kagabi. Hindi niya akalaing makakatulog pala siya ng mahabang oras. Nakita nga niya ang kanyang Energy Bar at may nakalagay roong 13 hours remaining. “Ganoon ba kahaba ang tulog ko? Maaga pa naman kagabi ah,” sabi pa niya sa sarili at napatingin na siya sa gubat na kailangan niyang daanan. “Nakapasok na kaya sila sa loob?” naitanong pa niya sa sarili at pasimple rin niyang iniikot sa hangin ang kanyang dalawang braso. Parang wala naman daw siyang naramdamang nagbago sa kanyang pakiramdam matapos ang pagtulog na iyon. Pero ayos na rin kasi hindi na niya kakailanganing kumain ng kung ano. Kaso, ang pagtulog naman daw ng mahaba ay hindi naman makakatulong na lumakas ang kanyang mga items kaya parang mas ayos pa rin talaga na kumain sa game na ito. Habang naglalakad siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw ng kung ano sa loob ng kagubatang nasa kanyang harapan. May mga ibon ang bigla na namang nagsiliparan sa kalangitan mula sa kagubatan at isang hindi malakas na pagyanig din ang kanyang naramdaman. Para raw na may natumba sa loob ng gubat. “Mukhang nasa loob na ang mga iyon,” sabi ni Laxus sa sarili at habang papalapit siya sa gubat ay nakakaramdam na siya ng panganib na pwede niyang kaharapin dito. Pakiramdam niya ay napapalaban na rin ang mga players na iyon sa loob at kung mga weaklings ang mga iyon ay paano pa raw makakarating ang mga ito sa susunod na area kung dito pa lang ay mauubos na ang mga ito. Habang papasok na siya sa gubat na iyon ay siya namang pagkaripas ng takbo ni Lisa para sumabay sa kanya. Nang maramdaman ni Laxus na nasa likuran na niya ang dalaga ay napabuntong-hininga na lang siya. “Akala ko hindi ka na sasama sa akin?” pasimpleng tanong ng binata at napakuyom naman ng kamao ang dalaga nang marinig iyon. “Nakakainis ka talaga Saint!” “Huwag mo nga akong tawaging Saint! Laxus ang pangalan ko sa game na ito… Isa pa, palagay mo ba talaga ay magagawa ko iyon? Tss… Parang hindi mo kilala si Lola,” sabi pa ng binata at doon na napasara ng labi ang dalaga at naalala niya lagi ang pangaral ni Lola Aurelia sa mga apo nito kapag nasa bahay nila. Hindi naman talaga magagawa ng binata ang inisip niya rito kanina. Para tuloy siya pa ang may kasalanan sa nangyari. Napa-iling na nga lang ang dalaga at bumuntong-hininga para kumalma. “Oo na! Pasensya na!” sabi na lang ni Lisa at si Laxus ay napaseryoso nang tuluyan na silang pumasok sa kagubatan. Parang nagbago ang pakiramdam ng binata sa pagpasok dito. Parang bago sila makalampas dito ay hindi maaaring mapapahamak sila nang ilang ulit. Wala siyang impormasyon dito. Ni hindi niya alam kung malaki ba ang kagubatang ito o kung mabilis lang ba silang makakalampas dito. “Ihanda mo palagi ang item mo… Mukhang hindi tayo basta makakalabas dito nang hindi napapahamak,” sabi ni Laxus na ikinakaba kaagad ni Lisa dahil nang nasa loob na sila ng gubat ay kung ano-ano na lang na alulong ng mga kung ano ang naririnig nila. Ibang-iba rin daw ang dating ng lugar na ito at ang hindi rin maganda ay tanging ang dinadaanan na lang nila ang may lupa. Ang paligid ay may mga d**o na mas mataas pa sa kanila at ang mga puno kung pagmamasdan ay tila ba may nakatira sa loob nito dahil sa laki. “L-laxus, huwag mo akong iwanan, natatakot ako,” sabi ng dalaga na kaagad na humawak sa damit ng binata habang nanginginig ang kamay. “Tss… Huwag kang matakot. Basta simula ngayon, huwag kang lalayo sa akin at maging alerto ka rin sa paligid,” sabi naman ni Laxus na napahimas pa sa hawakan ng kanyang espada. Mula nga sa malayo ay nakarinig siya ng mga sigaw at dito na nga lalong kinabahan ang babaeng kasama niya. Sinundan pa ito ng malalakas na pagyanig ng paligid na para bang may bumagsak na malaking bagay sa malayong bahagi ng lugar na pinagmulan ng tunog na iyon. “Tumakbo na tayo!” bulalas ni Laxus at doon na nga niya hinugot ang kanyang espada. Tiningnan niya ang dalaga at ang hawak niyang Spear ay iniabot niya rito. “Item Transfer!” Lumabas ito sa kanyang screen nang iabot niya ito kay Lisa. “Hawakan mo ito. Kapag may lumapit sa iyong AI, atakehin mo…” “P-paano? H-hindi ako m-marunong,” ani naman ng dalaga pero si Laxus ay tiningnan siya sa mata habang tumatakbo silang dalawa. “Matututo ka rin… Nagawa mo na nga akong i-heal kaya ang paggamit nito ay imposibleng hindi mo rin magagawa,” ani pa ng binata at kasunod noon ay ang pagtitig niya nang matagal sa dalaga na kakulay niya ng buhok. “Isa pa, nandito ako! Huwag ka ngang matakot… Hindi ka pa rin talaga nagbabago,” sabi pa ng binata at si Lisa ay napaseryoso nang marinig iyon mula rito. Ang mga huling sinabi nito ay parang may kung anong epekto at hindi malaman ng dalaga kung ano ang tinutukoy nito. Nagmadali sila at habang lumalalim sila sa gubat na ito ay para bang may mga mata ang ngayon ay nakamasid sa kanila mula sa mga nagkakapalang mga dahon ng mga naglalakihang puno na narito. Mula sa isang malaking bungkos ng mga dahon ay isang kung anong bagay ang bigla na lamang bumulusok papunta sa dalawa. Para itong isang lubid at nang makita ito ni Laxus ay kaagad siyang napalingon sa likuran niya. “Umiwas ka!” bulalas ng binata at sa sabay na pagtalon ng dalawa ay siya namang pagkadapa ni Lisa nang matamaan ang paa nito ng bagay na iyon. “L-laxus!” bulalas ng dalaga at bigla na lang nahila ang katawan ni Lisa ng bagay na iyon. Isa itong makapal na sapot at nang makita ito ni Laxus ay mabilis niya itong pinutol gamit ang hawak niyang espada. Agad na napatayo ang dalaga matapos iyon at agad na nagtago sa likuran ng binata. Kasunod nga noon ay ang paglawit mula sa puno ng bagay na iyon. Kasunod nga rin noon ay ang malakas na pagkaluskos mula sa itaas. Dito na nga pinanlakihan ng mata si Lisa kasi takot siya sa mga ganitong bagay. Mula sa itaas ay isang malaking gagamba ang bigla na lang inihulog ang sarili habang nakahawak ang marami nitong paa sa sapot nito. Nag-register kaagad sa mata ni Laxus ang pangalan ng AI na iyon at napahigpit ang hawak niya sa kanyang espada. Ang laki kasi ng gagambang ito. Ang taba rin ng katawan na kulay pula, na may maraming maliit na balahibo at halos kasing laki rin nilang dalawa ito. Ang haba rin ng mga galamay nito at makikita ang mata nito na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa. Kasabay rin ng paglitaw nito ay ang pagyanig muli ng paligid. Nakarinig na naman sila ng nagsisigawan sa hindi kalauyan at ng boses pa ng isang parang mula sa isang AI na nagwawala. “Forest Spider: Level 1.” Nang mabasa ito ni Laxus ay napangisi siya. Hindi niya akalaing ang ganito kalaking AI ay isa lang palang level 1. Seryoso niya itong pinagmasdan at nakita niya ang paglabas ng isang skill mula sa kanyang vision. Mula sa itaas ay pinaulanan silang dalawa ni Lisa ng mga binilog na sapot. “Rain of Webs: A high damaging skill.” Bumulusok sa dalawa ang mga atakeng iyon na hindi nga mabilang ng normal na mga mata. Si Laxus ay seryosong tumayo habang nasa likuran si Lisa na kasalukuyan niyang pinoprotektahan. Doon na nga bumulusok sa katawan ng binata ang mga atakeng iyon at ang mga dumiretso naman sa lupa ay makikitang nagsisibaunan dito. Ibig-sabihin ay may bigat din ang tirang iyon. May mga tumama kay Laxus at makikitang ang kanyang HP ay dahan-dahang nababawasan. Kaso, nagliwanag ang katawan nito nang magliwanag ang wand na hawak ni Lisa. “I-heal mo lang ako,” bulalas ni Laxus na mabilis na kinuha ang hawak na Spear ng dalaga. Kasunod noon ay ang paghigpit ng hawak niya rito gamit ang kamay niyang may suot na glove. Ibinato niya ito papunta sa gagambang nasa itaas gamit ang skill ng weapon na ito na Throw. Bago nga lang tumama sa AI iyon ay isang malaking bilog na sapot ang ginawa ng gagamba at doon nga dumikit ang sandata ni Laxus. “Web Shield!” Ito ang lumabas sa paningin ni Laxus at napangisi siya na mabilis na tumakbo papunta sa tapat ng gagamba. Napatingin pa siya kay Lisa na mabilis namang lumayo. Seryosong nakatingin ang binata sa katawan ng gagamba at nakita na naman niya ang weakness area nito sa hindi inaasahang pagkakataon. Kung skill man niya ito ay parang masyado siyang magiging OP sa ganito. “Pero dapat akong magpasalamat dito,” bulalas ni Laxus at habang nasa tapat ng gagamba ay dito na nga nagliwanag ang kanyang hawak na espada. Isang skill ang kanyang ginawa at dito na nga niya winasiwas ang talim nito sa hangin. Isang letrang C na s***h ang lumabas doon at kumawala ang tirang iyon papunta sa pwetan ng gagamba, ang bahagi kung saan ito naglalabas ng sapot. Sapul ang kanyang target na bahagi at doon ay makikitang naputol din ang sapot na nagsisilbing kapit nito sa itaas ng puno. Agad na tumakbo palayo si Laxus dahil babagsakan siya noon at sa mabilis niyang pagtalon palayo ay doon na nga nayanig nang bahagya ang paligid dahil dito. Si Lisa naman ay napatili kasi ngayon ay nasa lupa na ang gagamba at ang creepy raw nito. Napatalikod siya pero sinigawan siya ni Laxus na mag-pokus. “Humarap ka! Sa akin ka tumingin,” sigaw ni Laxus at napatingin nga kaagad sa kanya ang bumagsak na gagamba. Kumawala ang maliit pero nakakasakit sa tainga nitong huni at doon na nga napaseryoso si Laxus. Nakita niya na nabawasan ang HP ng kalaban sa ginawa niya. Ngayon nga ay gumalaw na ang AI at itinago sa kanya ang pwetan nito. Dito ay nakita na naman niya na gagamit ito ng Rain of Web kaya nga mabilis siyang tumakbo at makikita sa likuran niya ang paghabol ng napakaraming sapot na inaasinta sa kanya ng gagamba. “Accuracy rin ang kahinaan ng ginagawa mo,” sabi ni Laxus at kung level 1 lang daw ito ay hindi siya talaga matatalo rito. Mas mabuti raw na ganito habang hindi pa siya lumalakas at nang maka-ikot na siya sa gagamba ay doon na nga rin niya dinampot ang kanyang nalaglag na Spear mula sa itaas. Hinawakan niya ito at makikita nga na dalawa na ang kanyang weapon nang oras na iyon. Ngumisi na naman ang binata at dito na nga niya muling ibinato ang kanyang Spear. Inaasahan na niya ang defensive skill na gagawin ng kalaban kaya ginamit niya ito bilang Bait Attack. Nang kumawala ang Web Shield ay doon nga kumaripas ng pagtakbo si Laxus. Natapos na rin ang cooldown ng weapon skill niya at doon na siya tumalon papunta sa pwetan ng kalaban. “Napaka-weak ng AI na ito,” bulalas ni Laxus sa sarili at makikitang nagliwanag na nga muli ang talim ng kanyang espada. Dahil sa nagka-cast na ang kanyang skill dito. Kasunod nga noon ay ang pagdiretso na niya sa kanyang target na bahagi. Iwawasiwas na ni Laxus ang kanyang espada subalit nang mangyayari na iyon ay napaseryoso na lang siya nang may lumabas na isa pang skill sa kanyang vision nang sandaling iyon. “Leg Slicers!” Tumagos sa katawan ng binata ang isang s***h hit at ito ay nagmula sa isa sa mga paa ng kalaban. Kumawala rin ang isang hindi kalakasang hangin mula sa katawan niya matapos iyon at ang kanyang HP ay kaagad na napunta sa critical level matapos iyon. Nagwala ang gagambang AI matapos iyon at bumagsak ang katawan ni Laxus sa lupa na nagliliwanag ang HP dahil sa ito ay paubos na. “Leg Slicers: Forest Spider legs can be transforming into a blade that can use as a battling weapon.” “Warning! It contains poison that can slowly drop someone HP as the time passes. It was also a high damaging attack that can be reduced by an armour item.” “L-laxus,” bulalas naman ni Lisa na nabigla sa biglaang pagbagsak ng binata. Hindi ito gumagalaw at nang makita niyang nauubos ang HP nito ay kaagad niya itong ginamitan ng Heal. Nabigla na lang si Laxus sa nangyari at nakita niyang ang HP niya ay puno na muli, kaso, may Red Mark ito. Sinasabi roon na kada minuto ay mababawasan ang kanyang buhay kapag hindi niya natanggal ang poison effect na ito. “Ito ang hindi maganda, hindi kaagad lumalabas ang infos sa vision ko… Hindi ko alam na may isa pa pala siyang skill,” sabi niya sa sarili at sa pagtayo niya ay parang nakaramdam siya ng paggalaw ng paligid. Nakita rin niya ang kanyang energy level na may red mark at makikitang ang bilis na nababawasan ang oras sa taas nito. Napatingin muna siya kay Lisa at pagkatapos ay dito na nga siya napangisi nang sa gagamba naman siya tumingin ngayon ay nakaharap sa kanya. Nangingintab din ang mga paa nito dahil naging parang mga blade ito. “Level 1 pala huh…” seryoso niyang winika at kasunod noon ay ang pagtakbo niya palapit sa AI nang walang alinlangan. “I-heal mo lang ako nang i-heal hangga’t hindi ko natatalo ang isang ito!” sigaw pa ni Laxus at tumango naman si Lisa na kahit natatakot ay mas natatakot pa rin daw siya kung mamamatay ang binata rito. “Kailangang tapusin ko kaagad ito,” sabi ni Laxus at humigpit ang hawak niya sa kanyang espada. Ilang segundo na lang at matatapos na ang cooldown ng skill nito. May bawas na rin naman daw ang HP ng AI kaya parang maliit na advantage na ito sa kanya. “Huwag ka lang talagang magre-regen,” sabi pa ni Laxus at tumakbo siya sa ilalim ng malaking gagamba na hindi man lang makikitaan ng takot sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD