Chapter 9

2372 Words
KUMAWALA ang isang hindi kalakasang-hangin sa kinatatayuan nina Laxus at ng Dark Centaur. Nakasandal na nga ang binata sa katawan nito matapos na salagin ang isang swing ng espada ng kalaban. Nang mapansin naman ito ng AI ay kaagad na gumalaw ang katawan nito para patalsikin ang lalaki. May pwersa iyon at si Laxus nga ay napadiretso at kamuntikan pang madapa. Mabuti na lang at naitukod niya ang kanyang Spear sa lupa bago mangyari iyon. Pagkatapos noon ay napaseryoso siya nang makita ang paglitaw ng kalaban sa kanyang harapan. Isang skill nga ng kalaban ang nag-register sa kanyang vision. Ang dahilan pala ng pagbilis ng galaw nito ay dahil sa skill na Dash. Sa maikling segundo ay makakaya nitong pumunta sa pwestong nanaisin nito. Mula naman sa itaas ay isang wasiwas ng espada ang ginawa ng Centaur at natamaan ang dibdib ni Laxus ng atakeng iyon. Umatras na siya, kaso, nahagip pa rin ang kanyang katawan ng dulo nito. Dumausdos ang kanyang mga paa palayo at nakita niya ang pagkabawas ng nasa 20% ng kanyang HP. Kasabay rin noon ay ang pagkakaroon ng guhit na pula sa dibdib niya. Humigpit ang hawak niya sa kanyang Spear at kutsilyo kasi nakita niyang umabante na kaagad ang AI palapit sa kanya. Halatang hindi nito siya bibigyan ng pagkakataon na maka-recover. Dito na nga napangisi lalo si Laxus. Kung sa PC o sa mobile game ito ay baka kanina pa nga niyang natalo ito… Pero sa larong ito, sadyang nakadepende nga talaga sa kanya kung paano ito matatalo. “Hindi kailangan fast hands sa larong ito,” sabi ni Laxus at nang muling umangat ang talim ng espada ng Dark Centaur ay dito na dumiin ang mga paa niya sa lupa. Kung mabilis lang daw sana siya ay baka maganda-gandang atake ang kanyang magagawa. “Pero kailangan kong pagtyagaan muna ang ganitong movement speed. Isa pa… Hindi ako matatalo ng isang ito,” sabi pa niya sa sarili at muling bumulusok ang talim ng espada ng kalaban palapit sa kanya. Kumawala ang isang hindi kalakasang hangin mula sa wasiwas na iyon. Si Laxus ay agad na naiwasan iyon sapagkat kung ano ang ibinilis ng kilos ng AI ay siya namang ikinabagal ng attacking speed nito kahit pa may passive effect ang gabi para sa kalaban niyang ito. Mukhang ang mga low level AI na makakalaban niya ay hindi perfect monsters na may mga weaknesses talaga. Ibinaon nga niya ang kanyang kutsilyo sa leeg ng Dark Centaur at halos mayanig ang braso niya dahil sa kunat pala ng balat nito. O baka dahil hindi ganoon kaganda ang kanyang weapon na ito kaya ganoon ang nangyari. Napangiwi tuloy siya, pero naibaon pa rin niya ito kahit papaano. Nang huhugutin na nga lang niya ito muli ay doon na siya tumilapon palayo nang magwala ang katawan nito. Padapang bumagsak si Laxus at parang nanginginig pa nga ang kanang kamay niya dahil sa ginawa niya. Nang tingnan niya ang HP ng Dark Centaur ay napakaliit na guhit lang ang naibawas niya sa HP nito. Mukhang mataas daw ang defensive stat nito. Kung sabagay raw, sa mga games na nalaro niya ay ang mga Centaur ay sadya raw talagang makunat na kalaban. Agad siyang tumayo kaso nasa harapan na kaagad niya ang AI na ngayon ay muli na siyang aatakehin ng espada nitong hawak. Nakita niyang nagliwanag iyon at hindi nga naging maganda ang kutob niya rito. Nag-register sa vision niya ang gagawin ng kalaban. Isa pala iyong skill. “Curving s***h: A high damaging slash.” “Weakness: Strong Amour items.” “Hindi ito maganda, wala akong armour item,” sabi ni Laxus sa sarili at sa pagwasiwas ng kalaban sa espada nito ay isang tila letrang C na liwanag ang tumagos sa katawan ng binata. Parang nagpintig ang katawan ni Laxus sa atakeng iyon at nakaramdam siya ng panghihina sa kanyag tuhod na naging dahilan upang mapaluhod siya matapos ang direktang tama na iyon. Hindi man nahati ang katawan niya, ngunit ang malaking pula na ginuhit nito sa kanyang katawan ay kitang-kita at nagliliwanag. Nakita ni Laxus ang pagbagsak ng kanyang HP at maging ang energy level niya ay nabawasan ng 20% matapos iyon. “G-ganito pala ito… Makakaramdam pala ng ganito ang katawan ko kapag tinamaan ng malakas na atakeng gaya noon…” natatawang winika ni Laxus at bago pa man makagawa ng sunod na atake ang Dark Centaur ay bigla na nga rin lamang na bumaon sa katawan nito ang kanyang Spear matapos gawin niya ang isa nitong skill na Forward Point. Bumaon ang talim noon sa tagiliran ng kalaban at ang HP nito ay nabawasan ng 10%. Kahit dehado siya sa labang ito ay parang makikita sa labi ni Laxus na natutuwa siya. Hindi naman talaga siya dehado kung iisipin. “Ang pakiramdam na pwede akong matalo… Kailan ko ba naramdaman ito sa mga nilalaro kong games?” Mabilis niyang hinawakan ang kanyang Spear at naramdaman niya ang paggalaw ng Dark Centaur. Isang direktang tama pa, ay pwedeng ika-ubos na ito ng kanyang HP. Sa pagkakataon ngang ito ay mabilis niyang hinanap si Lisa na nakatayo naman sa hindi kalayuan. “I-heal mo na ako!” sigaw ng binata at nang mahugot niya ang kanyang sandata sa katawan ng kalaban ay isang mabilis na pagtakbo palayo ang kanyang ginawa. Ang kalaban nga ay mabilis na tumingin sa kanya. Ginamit na naman nito ang skill na pampabilis ng galaw. Isa sa iniisip nga ni Laxus ay kung may cooling down ba ang mga skills ng mga AI sa game na ito. Kung wala ay hindi talaga maganda iyon dahil pwedeng ulit-ulitin ng mga ito ang skills na mayroon sila. Nakaramdam nga si Laxus ng paglakas at nakita niyang napuno na pala muli ang kanyang HP. Nai-heal na siya at nang muli na namang aatake ang kalaban gamit ang espada nito ay napangisi siya dahil normal attack lang ito. Kagaya ng nangyari kanina ay mabagal na muli ito. Isa muling Forward Point Skill ng kanyang Spear ang kanyang pinakawalan at sapul sa leeg ang AI. Bumaon ito roon at nakita niyang bumaba na muli ang HP nito ng 10%. Kung ipagpapatuloy niya raw ito ay maaaring matalo na niya ito. Muli rin siyang napatingin sa kanyang knife at mabilis niyang hinawakan ito. Napakahirap pa ring alisin nito at nang magwala na ang katawan ng Centaur ay doon na nga muling tumapon ang kanyang katawan palayo. Nahugot na niya ang kanyang kutsilyo, kasama na rin ang kanyang Spear na bumaon sa leeg nito kanina. Nakita pa nga niyang parang may bilog na nagliliwanag na pula roon. Napatingin siya sa direksyon kung nasaan si Lisa at sinenyasan niya ito na magtago sa likuran ng puno. Pwede rin kasing atakehin ito ng Dark Centaur kung bigla itong magpapakita. Dito nga ay lumitaw muli sa harapan niya ang kalaban at isa na namang normal attack ang gagawin nito gamit ang hawak na espada. Siya nga ay napaseryoso at sa pagbulusok ng talim noon ay isang mabilis na pagtalon ang kanyang ginawa. Naiwasan niya iyon at kumawala ang hindi kalakasang hangin sa kinatatayuan nila. Dito nga ay mabilis niyang ibinaon ang kanyang Spear sa mukha nito, subalit biglang nawala ang kalaban. “Marunong pala siyang mag-dodge,” sabi niya at nang lumapag ang mga paa niya sa lupa ay doon na siya nakaramdam na may matigas na bagay ang parang humiwa sa likod niya. Tinamaan siya ng normal attack ng kalaban at nakita na naman niya ang pagbagsak ng kanyang HP. Nabawasan ito ng 20% na kaagad niyang ikinatakbo palayo. Baka raw pasundan pa siya ng isa. Sadyang hindi niya basta-basta matatalo ito dahil sa skill nitong Dash. Binilisan niya ng takbo at nang makalayo na siya ay doon na niya pinagmasdan ang Centaur na medyo malayo na sa kanya. Dito nga ay hinigpitan ng kaliwang kamay niya ang pagkakahawak sa kanyang Spear. Dito ay buong-lakas niya itong ibinato at doon na nga bumulusok ang kanyang sandata patungo sa target. Seryoso niyang pinagmasdan ito at bigla na lamang may lumitaw na kung ano sa kanyang vision. “Repel: Long range attack against Dark Centaur will return to its caster.” Dito na nga napaseryoso si Laxus at mukhang ito raw ang dahilan kaya bumalik sa kanya ang Spear niya kanina. Hindi niya ito nakita kaya hindi niya alam na ito pala ay dahil sa skill na iyon. Mukhang kailangan niyang talunin ang isang ito sa malapitang labanan. Sa pagbulusok pabalik ng kanyang Spear ay dito na nga siya napaseryoso dahil ang kalaban ay tumatakbo na rin patungo sa kanya. Parang nayayanig ang lupa at nakita niyang nagliliwanag na naman ang espada nito. Mukhang gagamitin na naman nito ang naunang skill kanina na may malaking damage na nagagawa. Lumitaw sa harapan niya ang Dark Centaur at dito ay napaseryoso siya dahil gumamit ito ng Dash. Dito na nga siya napahigpit sa pagkakahawak sa kanyang kutsilyo. Nakita na nga niyang wawasiwas na ang espada nitong nagliliwanag at dito na nga siya napangisi. “Hindi yata nag-iisip ang AI na ito,” sabi ni Laxus sa sarili at nakita niya na bumaon ang Spear niya sa ulo nito na sa kanya sana tatama. “Sa madaling salita, bobo ang mga low levelled AIs…” bulalas ni Laxus at lumitaw sa vision niya ang parte ng AI na nagsasabing ito ang kahinaan nito. Ang mga biglaang paglabas ng mga weaknesses ng skills at ng nakakalaban niya ay isang bagay na ikinakatuwa niya rin. Hindi niya alam kung passive skill niya ba ito o hindi. Wala naman kasi siyang commanding ability para paganahin ito, at napaka-epektibo nito para sa kanya. Kusa na lang itong lumalabas at nang natigilan ang Centaur sa balak nitong weapon ability ay doon na nga si Laxus tumalon papunta sa mukha nito. Mula sa isang kalmadong itsura ay makikita ang mala-demonyong ngisi ng binata na ngayon ay makikita nang malapitan. Gamit ang hawak na kutsilyo ay buong-pwersa niyang pinagsasaksak ang mukha ng AI. Hindi niya ito tinigilan at kahit nagpupumiglas ang monster na ito ay huli na rin dahil ang HP nito ay dahan-dahan nang nauubos. Nang maglaho ang kalaban ay doon na rin bumagsak ang katawan ni Laxus sa lupa. Nakita niya na kalahati na lang ang natitira sa energy level niya at napatingin na lang siya sa kalangitan na ngayon ay makikitang napupuno na ng mga bituin. Habang nakahiga ay nasa tabi niya ang kanyang Spear na naging level 3 na at ang kanyang knife na malapit na ring maging kasing-level nito. Ang kanyang nag-iisang glove ay level 2 na rin at hindi niya alam kung may changing effect ba ito, pero ganoon pa rin naman daw ang stats na narito. Nakita niya na may bawas ang kanyang HP at ang ikinabangon niya ay ang paglabas ng isa pang message sa kanyang Vision. Isang item drop ito at nakita niya ang espadang ginamit ng Centaur na nakalapag lang sa lupa. “Item Drop: Night Sword: Level 1.” Dinampot nga ni Laxus ang espadang iyon na kagaya rin lang naman ng mga tipikal na espada sa mga games. May simpleng hawakan ito na nababalot ng puting tela at ang talim nito ay pasimple niyang pinagmasdan. Ang matalas na bahagi ng talim nito pala ay kulay itim habang ang natitirang bahagi ay normal na kulay na ng isang blade. Iwinasiwas pa niya ito at magaan lang din ito. “Hindi naman siguro rare item ito. Imposibleng isang mahinang Centaur lang ang gagamit nito,” sabi niya sa sarili at ibinalik na nga niya ito sa lalagyanan nitong kulay itim na kung saan ay may tali pang kasama. Nakita rin niya ang skill na narito at ito ay ang ginamit kanina ng kalaban sa kanya. May cooldown time pala ito kaya hindi kaagad magamit ng kalaban sa kanya nang maraming beses. May 30 seconds na oras ito at matagal na rin iyon para sa isang skill. “Kung sabagay, virtual reality ito… Napaka-OP naman kung nasa 5-seconds lang,” aniya matapos itali sa tagiliran niya ang kanyang bagong weapon. Ibinalik na rin niya ang kanyang kutsilyo sa pouch at kumuha ng yosi para mag-regen ng life. “Items lang talaga ang may experience points sa larong ito,” sabi niya sa sarili at bumuga siya ng usok sa hangin. Nakita nga niya na napupuno na muli ang kanyang HP. Mukhang kailangan na nga niyang matulog sa pagkakataong ito para lang mapuno ang kanyang Energy Level. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang Spear at napatingin kay Lisa na tumatakbo palapit sa kanya nang nakangiti. “L-laxus! Ang galing nai-heal kita! Tapos may nabasa ako sa mata ko, level 2 na raw ang Healing Wand ko…” masayang wika ni Lisa at ang binata ay napatingin sa hawak nito. Parang ang bilis naman daw na nag-level-up noon. Napa-isip tuloy siya kung may paghahati ba sa experience points ng mga weapon, o may kanya-kanyang makukuha ang mga ito sa bawat battles na kanilang pagdadaanan. “Mabuti naman… May silbi ka na. Bantayan mo ako. Matutulog ako. Kailangan kong mapuno ang energy level ko bago tayo pumasok sa bagong area na iyan,” ani Laxus na naglakad na muli pabalik sa puno na kaninang napwestuhan nila. Umakyat siya sa sanga nito nang hindi pinapansin si Lisa at pagkasandal ng likod nito ay agad itong pumikit. “Tumulog nga kaagad… Kainis ka pa rin!” mahina namang winika ni Lisa na naghihintay ng salita mula sa binata para siya ay pasalamatan. Kaso wala! Umupo ang dalaga sa may ugat ng puno at tumingin sa malayo. Naalala niya ang ginawa niyang pag-heal kay Laxus kanina at nakakatuwa raw kasi may ability pala siya sa game na ito. Napatingin din siya sa itaas at sumagi sa isip niya ang ginawa ng binata kanina na pasimple na ring nagpangiti sa kanya. “Kahit palagi mo akong sinusungitan, alam ko pa rin namang mabait ka…” “Sa susunod bata, huwag kang maglalaro malapit sa mga manok na may mga sisiw,” ani ng batang si Saint sa kanya noong mga panahong iyon. Isang masamang tingin din ang ibinigay nito sa kanya noon at makikitang nagdurugo ang braso nito dahil sa manok na aatake sana sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD