NAGISING na lang si Laxus nang makaramdam siya ng may yumuyugyog sa kanyang katawan. Nang imulat niya ang kanyang mata ay tumambad nga sa kanya ang mukha ng isang babaeng may dilaw na buhok. Si Lisa ito at tinalikuran niya ito ng higa na naging dahilan para mainis ang babaeng gumising sa kanya. “Gumising ka na! Matatapos na ang apat na oras nating pagbabantay,” wika ni Lisa na sa inis ay kinurot sa tagiliran si Laxus na alam naman niyang hindi masasaktan kaya itinodo niya iyon. Si Laxus naman ay napatingin sa kanyang vision at nakita niyang puno na ang kanyang energy gauge at may nakalagay na nasa tatlong oras na time limit sa itaas nito. Babangon na naman siya, kaso, naramdaman niya na may kumurot sa kanyang tagiliran at nagulat siya dahil nakaramdam siya ng sakit mula roon na ikinabang