Chapter 26

2655 Words

“NPC AI: Mr. Leaf Level 5.” Nang mabasa ito ni Laxus ay isa na namang bagong impormasyon ang kanyang nalaman. Ang mga NPC pala ay pwede ring maging AI at kung tama ang pagkakaintindi niya sa ginagawa nito ay mukhang susubukan siya ng isang ito sa game na ito. Napa-isip tuloy siya kung malakas kaya ito? Napatingin siya sa espada nito at parang ganito ang gamit noong isang movie na napanood niya dati, Light Saber Sword. “Handa ka na ba?” tanong ng AI at si Laxus ay ngumisi na pinagmasdan ito. “Game na!” sambit ng binata na nabigla na lang sa nangyari, parang may dumaan sa kanyang hangin at naglaho rin sa harapan niya si Mr. Leaf. Dito na nga siya napaseryoso dahil lumabas sa vision niya na may taglay itong mataas na movement speed. Nabasa niya ang stats nito at gumamit din itong ng skill,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD