ISANG MALIIT na pagngisi mula sa isang nakakubling player ang makikita sa loob ng cave na nasa ilalim ng falls. Isa itong matanda at kanina pa itong nanonood sa nangyayaring labanan ng mga players at AI sa ibaba. Anumang oras nga ay nakahanda siya para tulungan ang mga batang iyon, kaso, mukhang hindi pa raw ito ang tamang oras. Ngayon nga ay nakikita niya ang pag-iipon ng Lake Siren ng libo-libong butil ng tubig sa itaas ng battle arena. Kung bubuhos ito ay walang takas daw ang mga batang players na lumalaban sa mga iyon. May isang bagay pa kasi siyang hinihintay bago tuluyang lumitaw sa eksena. Alam niya na lalabas na iyon sa vision ng binata dahil sa tingin niya ay level 10 na ang Night Sword nito. Sa pagdating nga ng level 10 ng isang hindi rare weapon ay magbibigay na ito ng isang sk