Chapter 46

2136 Words

ISANG NGITI sa itaas ng makapal ng balbas ng matanda ang nakita ni Laxus habang kalmado itong naglalakad patungo sa kanila. Hindi nila alam kung sino ba ito, o kung kakampi ba ito o hindi. Pero ang ginawa nito kanina ay isang napakalakas na skill at ang laking pasasalamat nila dahil doon ay naligtas sila mula sa isang malakas na atake. “Pinapahanga ninyo ako… Napakatatapang ninyo… Kaya naman ako na ang bahala sa isang iyan,” sabi ng matanda na biglang nagliwanag ang sapin sa paa at biglang naglaho. Mabilis naman na lumingon si Laxus sa Siren at napaseryoso siya dahil ang taas ng narating ng matanda. Nasa harapan na ito ng AI at mula roon ay nakita niyang nagliliwanag na ang espada nito. Habang nasa ere ay napangisi si Sora at tumingin sa dibdib ng AI. Bago nga siya bumulusok pababa ay pi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD