NAGSIMULA na nga silang lumakad patungo sa lugar na karugtong ng mga umusling bato na tulay. Nasa pag-iingat pa rin sila sa mangyayari, at nakahanda lang ang kanilang mga sandata kung isa man itong patibong. Pagdating sa ibaba ng talon ay maririnig dito ang pagbagsak ng tubig sa magkabilang tabi dahil sa pagbubukas ng daanang nasa likuran nito. Hindi pa nakikita ni Laxus ang loob ng lagusang papasukan nila dahil madilim dito, pero patuloy lang silang naglalakad habang sinusundan ng mga kasamahan niya. Nakapwesto nga lang ang Lake Siren sa tabi habang hawak ang trident nito na seryosong nakatingin sa kanila. “Pumasok na kayo sa loob… Mas magandang ang battlefield sa loob…” wika nito na hindi naintindihan ng mga kasama ni Laxus. Mukhang ang bossing daw nila ang dahilan kaya hindi na sila s