Chapter 8

2795 Words
NILAMPASAN nga ni Laxus ang isang level 1 na AI na nakasalubong nilang dalawa ni Lisa. Bumaon nga rin ang hawak niyang Spear sa dibdib nito. Pagkatapos noon ay kumawala ang isang hindi kalakasang hangin sa kinatatayuan nilang dalawa at makikita sa mata ng mala-taong aso na iyon ang pagmulaga dahil sa nangyari. Sumabog nga ito at naging alikabok. Nahulog din sa kanang palad ni Laxus ang kanyang sandata at isa na namang AI ang kanyang tinalo. “Wala talagang pakinabang ang isang ito,” mahina niyang winika habang nakatingin kay Lisa na ngiting-ngiting naman sa kanya. Sinubukan kasi niya kung magagawa ba siya nitong i-heal dahil malakas din naman ang nakalaban niya dahil nagawa pa rin nitong mabawasan ang kanyang HP. Kaso, wala pa rin talaga. “Hindi mo ba talaga malaman kung paano ako maii-heal?” wika ni Laxus sa dalaga nang lapitan ito. Makikitang nagsindi ang binata ng sigarilyo at doon na nga unti-unting nagkalaman ang nabakante nitong HP bar. “H-hindi ko talaga alam. Ikinumpas ko na nga mandin. Hindi mo ba nakita? Ti-tinapat ko pa nga sa iyo…” ani naman ni Lisa habang hawak ang kanyang wand. “Pero mabuti na rin siguro ito. Walang kaagaw sa experience points ang aking weapon,” sabi na lang ni Laxus sa sarili habang nakatingin sa babaeng kasama niya. Malapit nang mag-level 3 ang Spear niya at mag-level 2 ang kanyang Knife. Mga ilang Level 1 AI pa raw yata ang dapat niyang talunin para mangyari iyon. Ang pinoproblema nga lang niya ay wala siyang imbak na healing items. Wala ring bigay na drop ang AI na tinalo niya at wala siyang choice kundi ang maglakad na. Nagbabakasakali siyang sa paglampas niya sa gubat nilang mararating ay isang village ang kanilang makikita. Ginawa na lang ni Laxus na parang tungkod ang kanyang Spear at tinanaw ang nalalapit na pagdating nila sa dulo. Nakita nga rin niya na matapos makipaglaban sa monster na iyon ay nabawasan ang kanyang Energy Bar at ang oras nito ay parang lumaki ang nabawas. “Posible talaga ito. Nade-drain ang Energy Level kapag natapos ang isang battle,” sabi niya sa sarili. Naging tahimik na naman siya at si Lisa naman ay hindi na rin nagsasalita. Gusto kasi ng dalaga na magkaroon ng pakinabang sa kasama niya, kaso paano raw? Hindi niya alam kung paano gamitin ang item na gamit niya. Pasimple ring lumingon si Laxus sa kasama niya at hindi naman nabawasan ang Energy Bar nito. Kung sabagay raw, hindi naman kasi ito lumaban. “Malapit na naman tayo sa isang gubat,” ani Lisa at parang kinakabahan na naman siya. “Kaya dapat mo na talagang malaman kung paano ka makakagamit ng skill diyan sa item mo. Mas aggressive ang mga AIs diyan kaya kailangan ko talaga ng may support kung gusto mong maging ligtas tayo,” seryoso namang sinabi ni Laxus at habang nakatingin sila sa kagubatang iyon ay bigla na lang silang nakarinig ng isang malakas na alulong ng isang hayop na tila isa na namang lobo. Kasunod nga rin noon ay ang paglipad ng isang malaking pulutong ng mga itim na ibon. Si Lisa ay napalunok ng laway dahil doon at sa ilang oras nilang paglalakad sa lugar na iyon ay napapansin na rin nila ang pagdilim ng paligid. “Mukhang gabi na yata sa lugar na ito,” ani Laxus at nalalapit na rin sila sa gubat. “P-pwede bang bukas na lang tayo pumasok diyan? Kapag maliwanag na?” nangingiting wika ni Lisa na mas lalo nang natatakot sa pwedeng mangyari sa kanila. Tumingin naman si Laxus sa harapan nila at ito na nga ang kagubatang iyon. Napansin nga kaagad niya ang itsura ng mga puno rito. Ang lalaki ng katawan at may kataasan kumpara sa nakita niya sa kagubatang napasukan nila bago makarating dito. “Giganto Forest!” Bigla itong nag-flash sa vision ni Laxus at bahagya na naman siyang napaseryoso. Kaya raw pala malalaki ang puno rito kumpara sa normal. Isa pa, ang kakapal din ng mga dahon nito na natitiyak niyang mas madilim lalo sa loob kapag sila ay pumasok. Ang mga d**o sa paligid ng bawat puno na nakikita niya ay ang tataas din at tanging ang bahaging daanan lang ang makikitaan ng lupa. “Posibleng malalaki ang mga AIs dito? Kung sa pangalan ng area ang aking pagbabasehan,” ani ng binata sa sarili at dahil sa nagdidilim na ang paligid ay mas lalong mapanganib ang ganitong klaseng area para sa kanyang low level pa ang items. “Risky kung papasukin ko kaagad ang loob nito,” sabi pa ng binata sa sarili at mula sa tabi niya ay may naramdaman siyang kumulbit sa kanya. “Bukas na nating daanan iyan,” nakangiting wika ni Lisa. “Maghanap na lang muna tayo ng lugar na pwede nating pagpalipasan ng dilim.” Napatingin si Laxus sa dalaga niyang kasama. Alam niyang mas magiging pasanin niya ito kung basta siya papasok sa area na ito. Bumuntong-hininga na nga lang ang binata at nagtingin ng lugar na pwedeng pwestuhan dito. Dahil malapit na sila sa mismong gubat ay may ilang ligaw na puno na rin nga ang makikita sa area bago sumapit ito. Ito naman ay ang mga tamang laki na mga puno. Naglakad nga ang binata papunta sa isa. Nakita kasi niyang medyo maliit ang d**o roon kumpara sa iba na may kataasan na rin. Sumunod na nga lang si Lisa sa kanya. Nang marating nila ang puno ay napatingin ang binata sa itaas nito. Tamang-tama dahil may isang sanga na hindi kataasan sa lupa. Kayang-kaya niya raw itong akyatin. “Dito tayo magpalipas ng gabi.” “L-ligtas ba dito?” medyo kabado pa ring tanong ni Lisa na umikot pa ang tingin sa paligid para magmasid. “Hindi ko alam,” maikli namang tugon ng binata na makikitang umaakyat na sa puno para sa isang mababang sanga umupo. “Hi-hindi kaya atakehin tayo rito Laxus ng kung anong halimaw?” ani pa ng dalaga na napatingin sa binata na nakaupo na kaagad sa sanga ng puno habang nakasandal sa katawan nito. “Hindi ko alam. Huwag ka na lang matulog kung gusto mong maging alerto,” ani naman ni Laxus na pasimpleng pinagmasdan ang kabuuan ng malawak na damuhang nilampasan nilang dalawa. Sadya nga palang napakalawak nito dahil ang dulong bahagi ay halos napakaliit na. “P-pwede ba tayong matulog?” tanong pa muli ni Lisa na bigla pang kinabahan nang may marinig na namang alulong mula sa gubat na nasa likuran nila. “S-sainttt! Isama mo ako diyan!” naiiyak na wika ni Lisa at si Laxus naman ay makikitang nagtatanggal ng tutuli sa tainga niya gamit ang daliri. “Diyan ka na lang sa baba. Babantayan naman kita.” “Wala rin naman akong choice, baka kasi sa susunod magkaroon ka na ng pakinabang sa akin,” ani pa ni Laxus at isinandal na niya ang kanyang ulo sa sinasandalan niya. Si Lisa naman sa ibaba ay napakuyom ng kamao sa pinagsasabi ng binata. Naiinis na naman siya rito, kaso, wala na rin naman siyang magagawa. Umupo na lang siya sa ibaba ng puno, sa may parteng ugat nito. Medyo dumidilim na nga talaga at mukhang gabi na sa game na ito. Napatingin ang dalaga sa kalangitan at nakita niya ang mga bituin na dahan-dahan nang nagniningning habang patuloy na naglalaho ang araw sa kanluran. Si Laxus naman ay napaseryoso nang may natanaw sa malayo na parang maliliit na ilaw. Hindi niya alam kung ano iyon dahil may kalayuan pa ito. Pero may kutob siyang mga players din ito na gaya niya. “Mukhang may mga lumusot pa rin pala sa gubat na iyon,” sabi na lang niya sa sarili. Alam naman niyang hindi sila mapapansin ng mga ito kapag dumaan at mga ilang oras pa rin naman bago raw makalampas ang mga ito sa kanilang pwesto. Pansamantala muna siyang pumikit at may salita na namang lumabas sa kanyang vision na ikinaseryoso niya. “Sleep Mode: Restores Energy Level depending on how many hours you sleep.” Napa-ismid na lang si Laxus doon at pansamantala niyang sinilip si Lisa sa ibaba. Nakaupo ito habang ang ulo ay naka-ub-ob sa pinagdikit nitong mga tuhod. Muli siyang tumingin sa paligid at ang kanyang Spear ay kanyang hinawakan. Bumuntong-hininga siya at napatingin sa paligid. Kanina pa niyang napapansin ang isang AI sa hindi kalayuan at mukhang isa itong Fighting Monster kagaya noong Kobold na nakalaban niya. Nakita kasi niyang kinakain na naman nito ang mga mahihinang monsters na nakikita nito. Dito nga ay napahigpit ang hawak niya sa kanyang sandata. Gamit ang kaliwang kamay ay buong-lakas niyang ibinato ito papunta sa direksyon ng AI na iyon. Ginamit niya ang skill na Throw at bumulusok nang mabilis ang kanyang Spear. “Sapul ka ngayon!” bulalas ni Laxus na maingat nang bumaba mula sa puno. Sa pagtingin niya sa kanyang target ay dito na siya napaseryoso. Ang Spear na ibinato niya ay bumubulusok palapit sa kanya. Ang masaklap ay kapag iniwasan niya ito ay kay Lisa ito tatama. “H-hindi yata maganda ito,” sabi ni Laxus sa sarili at kasunod noon ay ang pagbaon ng Spear sa kanyang katawan. Hindi na niya ito nagawang iwasan dahil huli na para gawin ito. Nagngalit ang ngipin ni Laxus at buong-lakas na hinugot ang Spear na bumaon sa kanyang katawan. Mabuti na lamang at painless ang ganitong mga atake sa kanya. Nakita nga niya kaagad ang pagbaba ng kalahati ng kanyang HP matapos iyon. “Babae! Gumising ka! May kalaban tayo!” bulalas ni Laxus at ang nasa likuran nitong si Lisa ay napatayo na lamang bigla. Nakatulog ito at nang mapatingin kay Laxus ay dito na siya napalunok ng laway dahil nasa harapan na pala nito ang isang halos kasing-laki lang nilang halimaw na may hawak na espada. Nakatayo ito gamit ang apat na paa at ang kalahating katawan nito ay parang sa kabayo habang sa tao naman ang pataas na bahagi. Mahaba ang kulay brown na buhok ng AI na ito at makikita sa mukha ang katandaan dahil sa mga kulubot. May suot pa nga itong baluti na tila hindi basta-basta masisira ng mga simpleng atake lamang. Medyo maitim din ang balat nito at ito ang magbibigay ng nakakatakot na pakiramdam sa mga taong matatakutin sa ganitong klase ng kalaban. “Dark Centaur: Level 4!” Nang lumabas ito sa vision ni Laxus ay dito na siya napaseryoso. Napatingin pa nga siya sa nagliliwanag na pulang mata ng AI na makikitang hawak pa sa kanang kamay nito ang isang tila magandang uri ng espada. “Night time gives Dark Centaur +30% of all his stats!” “Humanda ka, hindi ito maganda… Kailangan nating takasan ang isang ito,” sabi ni Laxus kay Lisa na natakot na nga lalo nang marinig iyon. Napahigpit na nga lang ang hawak ng binata sa kanyang Spear at mas lalo siyang naging alerto dahil hindi gumagalaw ang AI. Ang mga ganitong galawan kasi ang mas delikado sapagkat para nitong pinag-aaralan ang gagawin nila. Gumalaw ang isa sa paa ng Centaur at parang naghihintay ito ng pagkakataong umatake. Napaseryoso rin si Laxus dahil sa napakabilis na paglapit nito sa kanila gayong nang batuhin niya ito ng Spear ay may kalayuan pa ito. “Mabilis din sa takbuhan ang mga ganitong AI… Kaya mas hindi lalo ito maganda,” sabi pa ni Laxus sa sarili at ang kanyang pagkabahala ay dahan-dahang naglaho nang magdilim na ang kanyang paningin. “L-laxus… Tumakas na tayo…” kinakabahan namang winika ni Lisa na hawak na rin nga ang kanyang item na wand, kahit pa hindi niya alam kung paano ito gamitin. Inilabas na nga rin ni Laxus ang maliit niyang patalim at makikitang dalawang weapon ang kanyang hawak. Dahan-dahan ngang tumunghay ang kanyang mukha sa AI at mula sa seryoso nitong labi ay sumilay ang isang pagngisi. “Babae! I-heal mo ako kapag bumagsak ang HP ko… Hindi ako pwedeng mamatay sa larong ito!” mahinang winika ni Laxus na makikitang nanginginig ang katawan. Hindi dahil sa takot… Kundi dahil sa excitement. “P-paano?” ani naman ng dalaga at si Laxus ay nilingon ito. “Tingnan mo lang ako nang mabuti… Alam kong magagawa mo ito!” “Hindi ko talaga ugali na makipag-team-up sa kahit anong laro kaso, mukhang wala na akong choice…” “Simula ngayon Lisa… Gusto kong ikaw ang maging support ko! Ikaw ang magiging Healer ko! At sisiguruhin ko sa iyo na hindi tayo matatalo sa game na ito,” seryosong winika ni Laxus at hindi dahil sa gusto niyang palakasin ang loob ng dalaga. Ito ay dahil kailangan niyang pagkatiwalaan ito. Wala pa siyang Healing Items at ang dalagang ito lang ang tanging makakatulong sa kanya. “A-ano ba ang pinagsasasabi mo?” naiiyak na winika ni Lisa habang nakatingin sa likod ng binata na seryosong kaharap ang Dark Centaur na dahan-dahan nang iginagalaw ang kanang kamay na may hawak sa espada nito. “Tanda mo ba noong bata tayo? Noong hinabol ka ng inahing manok na may mga sisiw ni Lola?” Umihip ang hindi kalakasang hangin at si Laxus ay hindi man lang makikitaan ng kaba sa Level 4 na AI na kanyang kalaban ngayon. Isang bagay lang kasi ang pinukaw ng kanyang mga mata ngayon. Napatingin siya sa espada nito at nakita niyang Level 1 lang ito. Ibig-sabihin lang daw nito ay mas mataas ang level ng kanyang weapon kumpara rito. “Ano ba ang pinagsasabi mo S-sai--- L-laxus?” Dito na nga napaseryoso si Lisa at sumagi nga sa isip niya iyon. Ang batang si Saint ang humarang sa galit na inahing manok noong mga panahong iyon upang hindi siya tusikin nito nang siya ay madapa. Sandali pa muling umihip ang hangin at ang sitwasyong ito… Parang kagaya rin ito noon. Isang batang lalaki ang nakatayo sa kanyang harapan matapos siyang iligtas. Ngayon, narito muli si Saint at parang may pagkakahawig ito sa pangyayaring iyon. “Ikaw ang magiging Healer ko sa game na ito… Lisa!” bulalas ni Laxus at ang dalaga ay nanlaki ang mata nang may kung anong mga salita ang lumabas sa kanyang Vision nang oras na iyon. May nakita siyang green at orange bar sa ulo ni Laxus at kasabay noon ay ang pagtingin niya sa kanyang hawak na wand. “Healing Wand! Level 1.” “Skill 1: Regular Healing. Restores HP of the user, or on a single character you want. Can be use 4 times within a day.” May nakita rin nga si Lisa na Green at Orange Bar sa kanya, na kagaya ng nakita niya kay Laxus kanina. Ang kanyang labi nga ay hindi na naiwasang mapangiti nang makita ang mga ito. Ito raw yata ang sinasabi ng binata sa kanya na dapat niyang makita at nang mapatingin siya rito ay doon na nga siya lalong natuwa. “N-nakikita ko na Laxus… S-sa tingin ko ay kaya ko na ikaw i-heal!” bulalas ni Lisa at ang binatang nasa kanyang harapan ay nakaramdam ng tuwa nang malaman iyon. “Simula ngayon Laxus… Ako na ang magiging Healer mo! Ako ang bahala sa iyo!” lakas-loob pang winika ni Lisa dahil ang galing daw niya. Si Laxus naman ay napa-iling sa lakas ng loob na ipinakita ng dalagang nasa likuran niya. “Lumayo ka muna… Lalabanan ko na ang isang ito” sabi nga ni Laxus at mula sa kanyang kinatatayuan ay isang mabilis na pagtakbo papunta sa kalaban ang kanyang ginawa. Ang Dark Centaur naman ay kumalampag ang mga paa sa lupa nang makitang ang lalaki ang naunang mag-initiate ng pag-atake. Mabilis nitong hinawakan ang kanyang espada at dito nga ay isang mabilis na paglayo mula sa binata ang ginawa nito. “Ang bilis,” bulalas ni Laxus nang hindi tumama ang kanyang atake gamit ang Spear na Forward Point. Kahit na alam niyang may kabigatan ang katawan nito ay nagawa pa rin nitong makagalaw nang mabilis. “Sigurado ako, isa iyong skill!” bulalas nga ni Laxus at mula sa kanyang tabi ay naroon na nga ang Centaur kung saan ay pababa na ang talim ng espadang hawak patungo sa kanyang bukas na likod. Umalingawngaw nga ang tunog ng nagbanggaang mga talim sa paligid at si Laxus ay makikitang nakangisi matapos ang mabilis na pagsandal sa katawan ng kalaban. Gamit ang pinag-ekis niyang Spear at kutsilyo ay nagawa pa rin nga niyang masalag ang atake ng kalaban na sa tingin niya ay hindi naman ganoon kabilis kung ikukumpara sa naging pag-dodge nito sa kanya. “Hindi ako magpapatalo sa isang ito… Malakas ang kutob ko na ida-drop mo ang espadang iyan pagkatapos kitang matalo rito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD