LAKE-END VILLAGE. Ito ang pangalan ng village na lumabas sa vision nila pagdating dito. Kung pagmamasdan ang mga kabahayan dito ay wala itong pinagkaiba sa Frontera, maliban na nga lang sa asul na pintura ng bawat isa rito. Parang namamayani sa mga mata nila ang kulay na iyon. Pagpasok nga nila sa lugar ay makikitang mga NPC lang ang nasa harapan ng bawat bahay rito. Sadyang sila nga lang talaga ang players dito at nakakita nga sila ng isang weapon shop at sa pagpasok nila rito ay napaseryoso sila dahil lahat ng narito ay mga rare items, mula sa weapons, hanggang sa mga damit sa katawan. Nang magmasid nga si Laxus sa mga presyo nito ay parang hindi siya makapaniwala na ang mumura rito kumpara sa Frontera. Sina Herald nga ay hindi rin makapaniwala at wala na nga silang ibang naisip kundi