ANG PAGPUNTA sa Falls of the Sleeping Siren na ang iniisip ni Laxus bago siya matulog, dahil nga sa ilang araw na rin silang natutulog sa Inn na tinuluyan nila ay wala na silang binayaran dito dahil parte ito ng promo ng panuluyang iyon. Wala na silang babayaran kahit ilang araw pa silang matulog dito, maliban na lang kung lilipas ang isang gabi na hindi na sila rito magpapahinga. “Bukas na ba tayo pupunta sa area na iyon?” Mula sa kanyang likuran ay naroon naman si Lisa na nakaupo sa isang upuan habang sinusuklayan ang kanyang buhok. “Oo, kailangan nang marating ko iyon… Kaya mo ba? Matatakutin ka pa naman,” wika ni Laxus na may halo pang kaunting biro. “Hmm… K-kaya, marami naman tayo. Tsaka, ililigtas mo naman ako, hindi ba?” nangingiting tanong ng dalaga na ikinatanggal naman ng dumi