Chapter 13

2756 Words
MEDYO nayayanig ang paligid habang sabay na naglalakad ang dalawang malaking Ogre sa kagubatang iyon at makikita rin sa likuran ng mga ito ang players na sumama sa kina Laxus. Ayaw sana ito ni Laxus kaso, mukhang hindi rin naman niya mapipigilan ang mga ito. Mabuti na lang daw at tumahimik na ang player na si Herald matapos niyang sabihin ang kanyang IGN dito. Isang bagay lang nga ang naisip niyang dahilan noon. “Kung gamer ito, baka alam niya ang IGN ko na palagi kong ginagamit… Dapat pala ay binago ko, bakit hindi ko iyon naisip?” sabi na lang ni Laxus sa sarili at mula sa hindi kalayuan ay may isang malakas na alulong ng kung ano ang bigla na lang nilang narinig. Kasabay rin noon ay ang paghinto ng dalawang Ogre sa kanilang paglalakad. Nayanig din ang paligid dahil doon at ang mga players sa ibaba ay naalarma kaagad. Si Herald ay mabilis na napahugot sa kanyang espada at ang mga kasamahan nito ay napahanda rin. Si Wind naman ay napahawak sa kanyang lalagyanan ng mga arrows nang sandaling iyon. Mula nga sa balikat ng isa sa mga Ogre ay makikitang kinuha na nito ang dalawang players na naroon. Ibinaba na nito sina Laxus at makikitang hawak na ng binata nang mahigpit ang kanyang spear at si Lisa naman ay hawak na rin ang kanyang Healing Wand. “M-may kalaban ba Boss?” tanong ni Herald na napalunok pa ng laway dahil alam niyang ito ay ang kanyang idol. “Posible… Nasa game tayo, lahat ay posible,” winika ni Laxus at muli ngang nayanig ang paligid nang mula sa itaas ay may isang malaking halimaw ang lumapag. Lahat nga sila ay natumba dahil doon at pagkatapos noon ay kumawala ang isang malakas na hangin dahil doon. Ang mga players ay natumba at ang dalawang Ogre naman ay kaagad na pumunta sa harapan ni Laxus upang protektahan ito. Isang malakas na pagtawa ang narinig nila matapos silang magsitayuan. Unti-unti nga nilang nakita kung ano ba ang nahulog mula sa itaas at doon na tumambad sa kanila ang isang malaking AI na naman na medyo mas mataas nang kaunti sa mga Ogre. May katawan ito ng sa tao at ang ulo nito ay sa lobo. Makikita rin na may hawak itong espada at may makapal itong talim. Nang pagmasdan ng AI na iyon ang mga nasa harapan niya ay isang malakas na wasiwas sa tabi ang kanyang ginawa at nang tamaan nito ang isang puno ay bigla na lang nayanig ang paligid nang ito ay maputol at bumagsak sa ibaba. Si Laxus ay napatingin kay Lisa at hinugot na niya kaagad ang kanyang espada dahil hindi ito maganda. Isang malakas na AI ang ngayon ay nasa harapan nila. “Giant Forest Guardian: Wolfman Level 3.” Ang dalawang Ogre ay kaagad na kinuha ang kanilang mga pamalo at sinigawan ang malaking halimaw na nasa kanilang harapan. Tila wala lang naman ito sa Wolfman na bigla na lang tumawa at umalulong. Kasunod noon ay ang pag-angat ng kanang kamay nitong may hawak na espada at buong-lakas na inatake ang dalawang Ogre. Si Laxus ay napaseryoso at sinigawan ang dalawang Ogre na umiwas dahil hindi kaya ng mga ito ang AI na iyon. Kung kailan daw may dagdag back-up siya ay mukhang mawawala rin pala kaagad. Sinabayan nga ng dalawang Ogre ang atake ng Wolfman at ang mga pamalo nila ay nawasak nang matamaan ito. Kumawala rin ang malakas na hangin at ang mga non-gamers ay nagsitakbuhan na lang palayo dahil sa mas nakakatakot daw ito kaysa sa Ogre kanina. Si Wind naman ay pasimpleng pinagmasdan ang mga mahihinang kasama niya na kanya-kanya ng takasan. Napa-iling nga siya at pasimple siyang napatingin sa player na may dilaw na buhok. Batid niyang malakas ang AI na ngayon ay humarang sa kanila, pero ano raw kaya ang gagawin ng isang Laxus sa pagkakataong ito? Napaatras na nga lang ang dalawang Ogre nang mawasak ang sandata nila dahil sa Wolfman. Dito nga ay makikitang nagdidilim ang mga mata ni Laxus na bumuntong-hininga na nga lang habang naglalakad papunta sa unahan ng dalawang malalaking AI na napa-amo niya. “Ikaw muna ang humawak nito,” sabi pa ng binata kay Lisa na may kaba na naman sa dibdib. Sinambot ng dalaga ang spear na ibinato nito at pagkatapos ay napalunok ito ng laway. “Huwag mo akong ihe-heal…” sabi pa ni Laxus at dito na nga pasimpleng iwinasiwas ng binata ang kanyang Night Sword sa hangin. “Level 3 ka… Level 3 rin ang espada ko. Wala naman sigurong pinagkaiba iyon,” sabi pa ng binata sa sarili at umihip na naman ang hangin nang tuluyan na niyang pinagmasdan ang malaking taong-lobo na ngayon ay parang papatay talaga na nakatingin sa kanya. “Back-up-an ninyo akong dalawa,” sabi pa ng binata sa dalawang Ogre na nasa kanyang likuran. Nagkatinginan ang dalawang iyon at pagkatapos ay bumigla sila ng hakbang pauna upang hawakan ang kalaban nila. Nagwala ang kalaban nang mahigpit na hawakan ito ng dalawang malaking Ogre at dito na nga tumakbo si Laxus habang nagliliwanag ang kanyang espada. Nagwala pa nang nagwala ang Wolfman at doon na nga biglang nagliwanag ang katawan nito at kumawala ang isang pulang enerhiya. Ang mga Ogre ay unti-unting bumababa ang HP at nang makita ito ni Laxus ay napaseryoso siya dahil isa iyong skill. “Red Burst: A 10-second defensive skill that can damage the near opponents.” Ang mga Ogre nga ay napabitaw dahil nakaramdam sila ng sakit sa katawan nila dahil doon. Sa pagbitaw nga nito sa Wolfman ay doon na nga humigpit ang hawak ng kalaban sa espada nito at biglang gumalaw ang paa nito at isang pag-ikot ng katawan ang ginawa nito. Ang sandata nito ay gumuhit ng pulang marka sa katawan ng mga Ogre at doon din nga kumawala ang malakas na hangin. “Great Swing: A high damaging sword skill.” Nakita ni Laxus ang skill na iyon at ang dalawa niyang kakamping Ogre ay napaupo sa lupa na nagpayanig ng paligid. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang espada at dito na nga siya tumalon palapit sa AI na nawala na ang Red Burst. Dito na nga niya pinakawalan ang kanyang Curved s***h na sword skill at napaseryoso na lang siya nang maharangan ito ng kalaban gamit ang makapal nitong espada. Napaseryoso lalo ang binata at nang tingnan niya ang mukha ng Wolfman ay parang ngumisi ito sa kanya at dito na nga siya bumagsak sa ibaba nang wasiwasin siya nito sa ere. Ang lakas noon at nabawasan ang kanyang HP dahil sa nangyaring iyon. Ang malaking AI naman ay itinaas ang kanyang espada at nagliwanag ang talim nito. Isang skill na naman ang lumabas sa mata ni Laxus at napaseryoso siya kasi malakas ang bibitawan ng kalaban. Hindi lumalabas sa vision nito ang weaknesses nito kaya mukhang hindi sila basta-basta mananalo rito. “Destructive Swing: A powerful attack that can destroy a large area.” Napatingin nga si Laxus sa dalagang si Lisa at ganoon din sa mga nasa likuran niya. Agad siyang tumayo at sinigawan niya ang mga ito ng takbo. “Malakas ang atakeng gagawin niya!” sigaw ni Laxus na napahigpit na lang ng kapit sa kanyang espada. Iniisip pa niya kung paano ito matatalo, kaso, sa pagkakataong ito ay kailangan muna nilang lumayo dahil pwede nilang ikamatay ito. Sumigaw pa nga ang Wolfman at dito na nga nito binitawan ang skill na iyon. Ang espada niya ay inihampas niya sa lupa. Kasunod nga noon ay malakas na pagyanig ng lupa at ang paligid ay bigla na lang bumitak at sumabog nang malakas. Ang buong kagubatan ay nayanig at ang mga AI ay naalarma roon. Ang mga ibon ay mabilis ngang nagsiliparan palayo at kasabay rin noon ay ang pagkawala ng malakas na alulong ng AI na kalaban nina Laxus. Nabalot ng usok ang buong paligid at si Laxus ay napatakbo sa gitna ng pagkabalot ng lugar nila dahil doon. Gamit ang kanyang vision ay hinanap niya si Lisa at nang makita niyang may natitira pa itong HP ay mabilis niya itong binuhat at dinala sa isang tabi. Naririnig pa nga niya ang pagtawa ng Wolfman na mukhang hindi pa nga siya nakikita. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa dalawang Ogre pero malaking pasasalamat niya sa mga ito dahil sinubukan pa ng mga ito na pigilan ang skill kanina ng kalaban. Kung hindi raw iyon nangyari ay baka napatay na silang lahat. Kinuha ni Laxus ang spear niya at nang hawakan siya ng dalaga ay sinabi niyang okay lang siya. “Hindi tayo matatalo ng isang ito… Hindi pa ito ang tunay na malakas na AI sa game na ito,” sabi pa ni Laxus at dito ay mahigpit niyang hinawakan ang kanyang spear at tumingin sa direksyon kung nasaan ang Wolfman. Ang usok sa paligid ay unti-unti nang nawawala at nais niyang gamitin pa ito. Napatingin pa nga siya sa isang puno at nakita niyang may isang player ang naroon at kasalukuyang inaasinta ang kalaban. Isang archer iyon at nang bitawan na nito ang kanyang palaso ay doon na ito nagliwanag at naging isang apoy na ibon. Dito na nga rin niya ibinato ang kanyang Spear gamit ang skill na Throw. Alam niyang si Herald ay tumatakbo na rin para pabagsakin ang kalaban nila. Bago pa man magawa ng AI ang Destructive Swing nito kanina ay nasabihan na niya ang mga ito sa gagawin. “Ang kahinaan ng kalaban natin ay ang mga kalabang hindi niya nakikita,” sigaw niya dahil sa pag-aakala niyang wala itong kahinaan ay bigla namang lumabas sa vision niya ito. Isang malakas na pagsabog sa mukha ng kalaban ang kumawala at tinupok ng Fire Bird Arrow ni Wind ang mukha noon nang tumama ito sa isang mata nito. Kasunod din noon ay ang pagtama ng Spear ni Laxus sa isa pa nitong mata at doon ay isang malakas na hangin din ang kumawala mula sa mga binti ng Wolfman nang patamaan ito ni Herald ng kanyang sword skill. Ang HP ng Wolfman ay bumababa nang bumaba at dito na nga nagliwanag ang Night Sword at napaseryoso na lang si Laxus nang may lumabas na kung ano sa kanyang vision. Naging level 4 ang kanyang espada at kasunod noon ay ang pagkakaroon ng bagong skill nito. “Night mode: Turn the place into night for 5 seconds.” Ginamit niya iyon at bigla na lang nagdilim ang paligid at ang apoy sa mukha ng Wolfman ang tanging makikita. Nakita rin niya ang pagdoble ng stats ng kanyang espada at dito na nga niya ginamit ang kanyang Curved s***h para tapusin ang kalaban. Si Wind ay napalunok ng laway nang biglang dumilim ang paligid. “Skill ba ito ni Laxus?” tanong niya sa sarili at unti-unti na niyang nakikita ang player na may dilaw na buhok. Tumalon na ito palapit sa kalaban at nagliliwanag na nga rin ang espada nito. Si Herald naman ay napangiti nang tuluyang makitang tumalon na si Laxus patungo sa napa-upong Wolfman dahil sa ginawa niya. Si Laxus nga ay buong-lakas na winasiwas ang kanyang espada sa tapat ng mukha dibdib ng kalaban at doon na nga kumawala ang isang hindi kalakasang hangin. Isang C-s***h ang umikot sa katawan ng kalaban at kasunod noon ay ang paghiyaw nito dahil sa sakit na dulot ng mga atakeng ginawa sa kanya ng mga players na ito. Naging pula na ang HP ng AI at doon na nga ito sumabog at naging alikabok. Napatay nila ang kalaban at kasunod noon ay ang muling pagliwanag ng paligid. Si Laxus ay lumapag nang maayos at pagkatapos ay sinambot na rin ng isa niyang kamay ang kanyang spear na nalaglag mula sa itaas. Ang mga players na wala namang ginawa ay napasigaw dahil sa tuwa nang manalo sila. Nagsisigaw sila at nagdiwang at si Wind naman ay napa-iling na lang. Kung hindi raw sana natakot ang mga ito ay tiyak na kayang-kaya naman talaga nila ang kalabang iyon. Marami kasi sila at iisa lang ang kalaban. “Pero ano ba ang aasahan sa mga non-gamers na ito?” nasambit niya na napatingin sa kanyang weapon na naging level 2 na. Si Herald naman ay napangiti dahil level 2 na rin ang kanyang espada at para siyang bata na nabigyan ng kendi dahil doon. Si Laxus naman ay napa-iling sa inasal nito at nang mapatingin siya sa paligid ay wala na ang dalawang Ogre. Mukhang napatay ito ng Wolfman. Hindi naman siya nanghinayang dahil parte ito ng game. Bigla na naman ngang bumukas ang kanyang vision at lumaglag sa kamay niya ang isang kwintas na may parang pangil sa dulo. “Item Drop: Wolf Fang Necklace: Level 1.” “Add 10% attacking damage for every attack.” Napatingin din siya kay Herald na nakakuha rin at maging sa lalaking archer na tumulong sa kanila kanina. Ramdam niyang isa rin itong gamer na nagkukunwari lang mahina sa mga ito. “Nakakatuwa boss… May item drop din ako,” masayang winika ni Herald na agad ngang isinuot iyon. Makikita pa ngang pinagyabang pa nito iyon sa kanyang mga kasama. Napatanggal naman ng dumi sa tainga si Laxus at nakita niyang nakangiting lumapit sa kanya si Lisa. Tinalikuran lang niya ito at pagkatapos ay nagsindi ng yosi para mag-regen ng buhay. Napatingin pa nga siya sa lalagyanan nito at parang kalahati na ang mababawas doon. “Suplado talaga ng isang ito…” sabi na lang ni Lisa sa sarili na nakitang naglalakad na kaagad si Laxus. Inabutan ng binata ng yosi ang dalaga, na noong una ay ayaw pa dahil hindi pa niya alam na ito pala ay upang ma-regen ang kanyang HP. Humabol na nga lang siya rito matapos magyosi na rin at pagkatapos noon ay napahabol na rin si Herald sa dalawa na sinundan ng mga kasamahan nito. Si Wind naman ay pasimple lang na nag-oobserba sa paligid habang nasa hulihan. Pasimple rin siyang tumingin kay Laxus at hindi niya maiwasang matuwa dahil makakasama niya nga talaga ito sa game. “Boss, saan na tayo pupunta?” tanong ni Herald at si Laxus ay naubos na ang yosi nang sandaling iyon. “Kailangan nating makalabas na sa gubat na ito…” Ito na lang ang nasabi ni Laxus sa nasa likuran niya at napatingin pa siya sa dinaraanan nila at parang mahaba-haba pa raw itong lakaran dahil malakas pa rin ang tunog ng kagubatan sa paligid. Mula naman sa isang tagong bahagi ng isang puno sa lugar na iyon ay isang player ang kasalukuyang naka-upo sa sanga nito ang pasimpleng sumilip sa mga players na naglalakad sa gubat nang oras na iyon. Hindi niya akalaing matatalo ng mga ito ang isa sa kanyang mga guardians. “Akala ko ba ay mga non-gamers ang mga ito?” sabi ng lalaking may kasuotang kakulay ng puno. Parang taong-gubat ito dahil sa kalumaan noon. Makikita rin nga sa tagiliran nito ang isang espada na may tatak na tila simbolo ng puno. “Malakas ang dilaw na buhok na iyon ah… Mukhang hindi ako mabo-boring sa area kong ito,” ani pa ng manlalarong iyon na bigla na lang naging mga dahon na nalagas nang biglang maglaho sa kinapupwestuhan nito. Mula sa Land of Gods, ang Tengoku Region… Isa nga sa mga manlalaro roon ang ngayon ay bumaba sa Terra Region para magpalipas ng oras. Ang player na ito ay may abilities ng lupa at ngayon nga ay nasa Giant Forest siya upang makipaglaro sana sa mga non-gamers na narito… subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may isang player na pumukaw ng kanyang interes ang parang gusto niyang makalaban. “Hindi naman siguro magagalit si Napoleon kung magtatagal ako rito.” Isang salita sa hangin ang maririnig at mula sa kung saan ay napaseryoso naman si Laxus nang may kung ano siyang naramdaman mula sa kung saan. “B-bakit boss?” naitanong ni Herald nang biglang humugot ng espada si Laxus. Ang binata ay seryosong tumingin sa paligid dahil pakiramdam niya ay may paparating mula sa itaas. Isang pagngisi naman ang sumilay sa kadilimang nasa loob ng mga dahon ng isa sa mga puno roon at hindi siya makapaniwala na magre-react nang ganoon ang player na iyon. “May sensing ability ka rin ba gaya naming mga nasa Tengoku? Hmmm… O baka nagkataon lang?” sabi pa ng lalaki na ngayon ay tuluyan na nga muling naglaho mula sa pwesto nito bilang pag-iingat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD