"Whoah, wait lang. Masiyado ka namang sabik." Pinigilan ni Mindy ang kamay ng lalaki nang tangkain na nitong ibaba ang zipper ng kaniyang dress. Napapangising umupo naman sa sofa ang lalaki at kinuha naman ni Mindy ang pagkaing binili nito. Inihanda niya ang mga ito sa kusina habang narinig niyang binuksan na ng lalaki ang alak na kasama ng binili nitong pagkain. "Dinner is ready." Mabilis namang lumapit ang lalaki at inilapag ang bukas na alak bago naupo sa tabi niya. Guwapo at matangkad ito, kaso lang may asawa na pero walang anak. Sa Singapore ito nagtatrabaho bilang Engineer. Tiba-tiba na naman siya mamaya. Maganang kumain ang lalaki, habang si Mindy naman ay sumimsim lang ng alak. Napansin ata ng lalaki na hindi siya kumakain. Lalagyan sana nito ang plato ni Mindy pero pinigilan ni