Wala akong nababasang emosyon sa mukha ng ama ni Marcus matapos ang aking pahayag. "Ano man ang unang dahilan nang pagparito ko sa mundo ninyo ay wala na akong balak na isagawa iyon dahil sa mga katotohanang nalaman ko," puno nang katapatan kong paglilinaw. Tumaas ang kilay niya at isang nag-iinsultong tingin ang ginawad sa akin. "Hindi ko kayang panghawakan ang mga salitang nagmula sa isang Diway," may pangungutya sa tonong wika niya. Nakaramdam ako ng galit dahil para sa aming mga Diway ay mabigat ang halaga ang bawat salitang aming binitiwan pero itong isang hamak na tao ay minaliit ang aking pahayag— mali, hindi siya isang ordinaryong tao dahil nanalaytay sa ugat niya ang dugo ng isang Isigijini. Isigijini na isa ring Diway ang kaibahan niya lang sa aming mga nakatira sa Diwali