Matapos ang ilang sandali ay natigil na rin ako sa pag-iyak. Nalinis na ang buong paligid at napalitan ang mga nabasag. Sa bilis ng mga kilos ng mga dumating na inutusan kanina ni Marcus ay iglap lang bumalik sa dating ayos ang buong lugar na para bang walang nangyari kani-kanina lang. Hindi nagtanong si Marcus tungkol sa nadatnan niyang ayos ng kanyang bahay. Parang ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kalagayan ko at hindi ang mga materyal na bagay na nasira. Kahit parang nabura ang bakas ng mga pangyayari ay tumatak pa rin iyon sa aking puso at isipan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa kapangyarihang taglay ko. Ayaw ko nang mangyari na muli akong mawalan ng kontrol sa'king kapangyarihan. Napag-alaman kong si Mingming pala ang tumawag kay Marcus kaya hum
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books