chapter 16

2725 Words

Natuwa ako nang makita si Mingming na anak ni Aling Martha. Isang araw simula noong magkasakit ako at tinawagan ko si Don Gregorio tungkol sa kahilingan ko. Si Mingming ang nagdala ng mga talaang na pinakiusap ko mula kay Don Gregorio. Kasalukuyang may ibang ginagawa si Don Gregorio kaya si Ming-ming ang naatasang magdala ng mga ipinangako niya. "Graveeeeh! Ang laki-laki ng buong building na ito!" tila ay manghang-manghang bulalas ni Mingming habang di magkamayaw sa pagtingin sa buong paligid. Sa loob ng ilang araw kong panantili sa bahay ng mga Esciaver ay madali kaming nagkakasundo at tinuturuan niya ako ng mga nauusong salitang karaniwang ginagamit ng mga tao. "Grabiiii nga!" sagot ko at ginaya pa ang nakakatuwang paraan ng pagbigkas ng salita. Bahagya siyang ngumiwi sa'kin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD