Ang parang umaawit na pagtawag ng Deritos sa aking pangalan ang tuluyang humila sa aking kamalayan sa mundo ng mga panaginip. Nang muli kong imulat ang aking mga mata ay magaan na ang aking pakiramdam na animo'y hindi ko naranasang magkasakit kani-kanina lang. Nandito pa rin ako sa kamang kinahihigaan ko at katabi ko pa rin ang natutulog nang mahimbing na si Marcus. Ang aking inaasahan ay magigising ako sa karaniwan kong tinutulugan , ang lupa. Nakakapanibago man ang mahiga sa malambot na higaan ng mga tao ay unti-unti ko na itong nakasanayan. Napagtanto ko na di ko hinanap-hanap ang pamilyar na tunog na gawa ng enerhiyang mula sa lupa tuwing katabi kong mahimlay si Marcus. Nakabukas na ang mga ilaw sa kinaroroonan kong silid at mula sa pinakamalapit na bintana ay natatanaw ko ang buwan