MARCUS' POV Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-usapan nina Don Gregorio at Hallejah. Kung hindi nasaksihan ng dalawa kong mga mata ang kaibahan ni Hallejah sa normal na mga tao ay siguro matatawa ako sa mga natuklasan tungkol sa kanyang tunay na katauhan. Pero dahil alam kong legit ang pagiging Diway niya o mas kilala natin sa tawag na diwata ay apektado rin ako ng mga natuklasan ko. Buong buhay ko ay hangarin kong mapalago ang negosyong sinimulan pa ng aking mga kaninunoan. Ang mga Castillionez ang pinakamatagal at pinakakilalang builders ng buong bansa at maging sa ibang bansa. Vision ng kompanya ko ay ang bigyan ng bahay lahat ng mga tao mula sa iba't -ibang estado ng buhay at wala sa isip ko na sa ginagawa kong iyon ay nasisira ko na pala ang kalikasan. Mas binigyang halag