TROY Bumalik ako sa veranda dahil naroon pa ang mga bisita ko. Sobran pinigilan ko ang sariling sundan si Erica. May parte sa puso kong nagi-guilty dahil sa ginawa ko sa kanya napakuyom ako ng kamao at tinungga ang natirang alak sa kopita. "It's not easy to make such breakthrough, everyone's efforts pay off." "Yes, it's worth it." Nakaupo lang ako at walang pakialam na nakikinig sa pag-uusap ng mga bisita ko. Panay ang buntong-hininga at malalim ang iniisip ko ngayon. Naiinis ako sa sarili ko kapag naiisip ang reaksyon ng mukha ni Erica. Sobrang napahiya talaga siya. Napansin kong panay ang sulyap sakin ni Fatima. Nagdadalawang-isip kung lalapitan ba ako o hindi. Naamoy niyang mainit na ang ulo ko mula ng bumalik sa veranda at gusto niyang kausapin at pakalmahin ako. Bote na ang haw