CHAPTER 3 PAINTING

1257 Words
Nandito ako ngayon sa bahay ng magulang namin ni Rix. I visited my parents for a while at nagpahangin muna ako sa hardin habang gumagawa ng meryenda si mommy. Nahagip ng paningin ko ang taniman ng red rose ni mom. My mom loves gardening and she used to plant different kinds of flowers. Lumapit ako at pinagmasdan ang matinik at mapupulang bulaklak ng mga rosas. Kumuha ako ng isang bulaklak at tinanggalan ng mga tinik inamoy ko ito. It smells good. Then memories of the past tragedy flashback on my mind at malinaw pa sa ala-ala ko ang mga nangyari. Dito ko natagpuan na walang malay si Rix. Tumingala ako sa pinakamataas na bahagi ng bahay. At the rooftop Rix commits suicide. Tumalon siya mula sa pinakamataas na bahagi ng bubong at dito siya bumagsak sa taniman ng rosas. Kung saan duguan ang ulo nito matapos tumama sa bato at bali ang dalawang binti at natusok din siya ng mga tinik ng rosas. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nagkalasog-lasog na pala sa mga kamay ko ang kawawang bulaklak dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. Napakuyom ako ng kamao then I remembered Erica. It's her fault. All her fault. Malapit na akong magtagumpay Rix and I'll swear I will get even kahit anong mangyari kailangang may managot sa nangyari sayo basta't lumaban ka lang bro. "Iho, come here, snack is ready sabayan mo na kami ng daddy mo." Naagaw ang pansin ko sa pagtawag sakin ni mom. "Coming!" I answered. * * * * ERICA Araw ngayon ng linggo at himala na nasa bahay si Troy. Kadalasan kasi ay wala siya rito at naghahang-out sila kasama ang mga kaibigan niya. Nandito kami ngayon sa sala kung saan nakahiga ako sa sofa habang nakapikit ang mga mata katabi si Butter ang aso namin at siya naman ay nag pi-painting. Yes, he's good at painting isa yun sa mga hidden talent niya. At ako ngayon ang model niya. Pini-paint niya ako habang nakahiga at hindi pa rin pala siya nagbabago mahal pa rin niya ako. Baka tama nga si Fatima na nagkamali lang ako ng akala at masyado ko lang ata dinibdib ang mga sinabi niya kaya ako nag over react baka pagod lang siya noon. Babangon na sana ako ng pigilan niya. "Hindi pa ako tapos wag ka munang gumalaw." Walang lingon na sambit niya kaya naman bumalik ako sa pagkakahiga at hinatak na ako ng antok. Naalimpungatan ako ng kumahol si Butter halos 15 minutos pala akong naka-idlip. Tiningnan ko si Troy sa pwesto niya ngunit wala na ito roon pati yung papel na ginamit niya sa pagpinta. Natapos kaya siyang magpaint? Saan kaya siya nagpunta? Hindi man lang ako ginising. Kinapa ko ang cellphone ko at tinawagan siya. After 20 seconds ay sinagot niya ang tawag ko "Babe, where are you?" Tanong ko. "Nasa veranda lang ako preparing for a candle light dinner come here after you dressed up I will wait for you here don't be hurry." At pinatay na kaagad ang tawag ng hindi hinintay ang sagot ko.So rude of this man but I love him. Excited akong tumayo. "Don't be nervous Erica pinaint ka niya tapos may pa candle light dinner pa baka hihingi na siya ng tawad sayo its a peace offering common ito na yung hinihintay mo na magkabati na kayo." Pangungumbinsi ko sa sarili hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Dali-dali akong pumasok sa kwarto naligo at nag-ayos ng sarili of course I made sure na maganda ako sa paningin ni Troy. I wore an off shoulder dress and above the knee. I also put a little make up and lip tint on my lips. Then boom l'm ready. Excited akong lumabas ng kwarto at pumunta sa veranda habang papalapit ako ay may mga naririnig akong nag-uusap. "Finally we've got a positive outcome after so long I think this new one won't disappoint us." Boses iyon ni Fatima. "And it's based on a research result and gone through some test but the rare material should be purchased from overseas. It's just a problem of time we should also follow the rules when it comes to funds." Boses iyon ni Troy. Baka tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila nakarating na ako sa bukana at napansin kong naroon si Fatima at Ryan. At may lima pang kalalakihan na nakatingin sa papel, yan yung painting ni Troy. Hindi pa nila ako napapansin. "Okay! now lets have a relax." Dagdag pa niya. "Okay cheers!" Sagot nung mga kasama niya at kinuha ang mga kopita at sabay-sabay na uminom. Napapangiti akong lumapit sa kanila dahil nasa isip kong baka ipinagmamalaki ni Troy sa kanila kung gaano kaganda ang gawa niyang painting. "Babe," Tawag pansin ko sa kanya. Napalingon siya lumapit sakin at hinawakan ako sa kamay. "May bisita ka pala?" Tanong ko pero hinila niya ako palapit sa mga kasama niya. "Troy, why don't you explain and introduce to us your new creation." Tanong ng lalaking nakaputi nasa harapan nila ang painting ni Troy at sinusuri. Excited at nakangiti kong tiningnan si Troy pero seryoso ang mukha ni hindi man lang ngumingiti. "I think let the one who is most familiar with it introduce by herself." Walang buhay niyang sagot. "Erica 'wag ka ng mahiya simulan mo na." Sabat ni Fatima. "Such a good painting of Troy you should be happy and proud of him." Dagdag pa niya. "Of course I am proud of my husband and he knew that." Nakangiti kong sagot sa kanya. Sa isip ko. Pero bakit hindi na lang si Troy ang magpaliwanag total siya naman ang nagpaint non? Familiar din naman siya sakin dahil asawa niya ako lumingon ako para tingnan si Troy sa mga mata at nagsalita na... "My husband Troy draws a painting of me. I think its because he loves me that much.." Hindi pa ako tapos magsalita dahil napansin kong nag-iba ang mood ng mga mukha nila lalo na si Fatima. Hindi din nakaligtas sa pandinig ko ang bulong ng isa pang lalaki sa katabi niya. "Even if he's not outspoken to us we all knew that he draws a picture of how it looks in his heart." Tumango lang ang katabi nito. Napansin ko din ang pagpalipat-lipat ng sulyap ni Ryan sa painting at kay Fatima. Teka may mali ba?pero hinayaan ko na lang iyon at binalik ang atensyon sa asawa ko. "I love you, babe." Sabi ko sa kanya. Then I hugged and kissed him. But he removed my arms from his shoulder and pushed me away kinuha niya ang painting at hinila ako palabas. "Well I don't know what's going on?" Si Ryan yun nahagip pa ng tenga ko. Pagkalabas namin ng veranda ay pabalang niya akong binitawan. "Next time can you please speak after you see everything clearly!" He spoke at my face then he slowly showed me his painting. Nalusaw ang sayang naramdaman ko ng makita ang painting. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. It's not me. Hindi ako ang nasa larawan kundi si Butter a cute dog at tinitigan ko pa iyon saglit baka na malikmata lang ako pero hindi eh. Pinukol ko siya ng masamang tingin at parang mapapaiyak na ako anumang oras dahil sa galit at pagkapahiya sa mga bisita niya. Inagaw ko sa kanya ang painting at pinunit sa harapan niya.Sa tindi ng galit ko ay tumakbo ako papasok ng kwarto at nagkulong roon saka umiyak ng umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD