bc

LOVING A RUDE MAN

book_age18+
33.7K
FOLLOW
409.8K
READ
billionaire
revenge
arrogant
dominant
manipulative
submissive
badboy
CEO
drama
seductive
like
intro-logo
Blurb

Erica has fallen inlove with a man na akala niyang magbibigay sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinangarap at inasam. Kay Troy Sandoval. A mysterious guy na biglang dumating sa kanyang buhay at ginulo ito.

Sa simula pinakitaan siya ni Troy ng mabuti. Niligawan siya nito, hindi nagtagal ay sinagot niya ito. Mabilis na nahulog ang loob niya sa lalaki kaya naman nagpakasal sila agad. Ngunit ilang buwan pa lamang ang lumipas ay nag iba ang trato nito sa kanya. Naging bastos ito at mapangahas sa kanya. Dahil ang totoong motibo ni Troy ay ipaghiganti ang kapatid na nasa ospital pa rin hanggang ngayon at hindi parin nagigising sa coma. Sobrang mahal ni Troy s Rix.

Si Erica ang sinisisi nila sa trahedyang nangyari sa kanyang kapatid. Matagal ng manliligaw ni Erica si Rix at palagi din itong basted sa kanya kahit anong pagtataboy niya rito ay ayaw siyang tantanan ng binata.Ayaw sana niyang paasahin si Rix kasi wala talaga siyang feelings para dito at kaibigan lang ang turing nito sa kanya.Ngunit isang araw bigla na lang itong tumawag kay Erica at nagbabantang magpapakamatay ito kapag hindi siya nagpakita dito. Hindi alam ni Erica na magkapatid si Troy at Rix.

Pumayag si Erica sa gusto nito kasi alam niya ang kayang gawin ni Rix.Sa kasamaan hindi nakarating si Erica sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Rix dahil sa isang insidenting nangyari.

Isang insidente na magpapabago sa takbo ng kanilang mga buhay.Insidenting naging dahilan kung bakit dumaranas siya ngayon ng impyernong buhay sa piling ni Troy.

Tama bang inilihim ni Erica kay Troy ang insidenting yun?Paano kung sinabi niya kaagad sa kanila? Dadanasin pa kaya niya ang pagpapahirap na pinaparanas ni Troy sa kanya? O mas mamahalin siya ng tuluyan ni Troy kapag nalaman nito ang totoo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 FAKE WEDDING
Nagpalakpakan ang mga tao habang manghang nakatunghay sa'min ni Troy. Kakatapos lang ng aming garden wedding. Hindi ganun kadami ang bisita dinaluhan lang ito ng malalapit naming kakilala, kaibigan at kapamilya. Sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay ikinasal na ako sa taong pinakamamahal at mamahalin ko habang buhay. Kay Troy Sandoval. I love Troy so much. Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na pumayag noong nagproposed siya sa'kin. Halos isang taon din ang inabot ng pagiging magnobyo't nobya namin. At wala naman kaming naging problema. Bawat araw ay pinaparamdam niya sakin na special ako. Maalaga, mabait at higit sa lahat maalalahanin si Troy. Yun ang pagkakakilala ko sa kanya sa loob ng halos isang taon namin kaya't mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya. Dahil sa kanya ko nakita ang dream guy ko. Yung lalaking ikaw lang ay sapat na para sa kanya. Kaya ito kami ngayon ganap ng mag-asawa isa na akong ganap na Mrs. Sandoval. Dream came true. Pagkatapos ng seremonya ay nauna na kaming umalis at dumiretso na pabalik sa isa sa mga hotel ng SGC (Sandoval Group of Companies) kung saan gaganapin ang reception ng aming wedding. Naka convoy naman sa'min yung iba. Tahimik lang kami sa loob ng kotse baka pagod siya kaya hinayaan ko muna siyang makapag relax ng kaunti. Ni hindi nga namin napag-uusapan kong saan kami magha honeymoon. Baka pagkatapos nito ay saka namin pag-uusapan. Puro congratulations and best wishes ang bukambibig ng mga bisita at tango lang ang sinasagot ni Troy sa kanila. Ako na ang nagpasalamat maayos at matiwasay na natapos ang araw na ito at nagsiuwian na din ang mga bisita. Lumipas ang araw, linggo at buwan naging maayos ang pagsasama namin Troy bilang mag-asawa. Syempre hindi rin maiwasan ang pag-aaway minsan which is normal lang sa mag-asawa. Palagi siyang wala sa bahay kung hindi business meetings ang pupuntahan niya ay nasa business trip siya. Lagi ko na lang siyang iniintindi baka ganun ka importante ang trabaho niya.Hindi biro ang maging Chairman ng SGC (Sandoval Group of Companies). Umuuwi siyang laging pagod kaya minsan hindi maiwasang mainit ang ulo nito. Pero iba ngayong araw na ito.parang ibang Troy ang kausap ko. Kakauwi lang niya galing opisina. "Oh Babe, nandito ka na pala napaaga ata ang uwi mo?" Tanong ko sa kanya. Nilapitan ko siya hinalikan at niyakap. "Napagod ka ata?" Hindi man lamang niya ako kinibo. Nakasimangot at salubong ang mga kilay. "Babe, may problema ba?" Hindi pa rin niya ako sinasagot. Nakatitig lang siya sa akin na para bang may ginawa akong mali. "Magbihis ka muna." Sabi ko at tinanggal ko isa-isa ang butones ng pulo niya nakakatatlong butones pa lang ako nang bigla siyang nagsalita. "b***h!" Usal niya. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at inangat ang mukha ko para tingnan siya. "Di ba matagal mo ng gustong malaman kung anong puwang mo sa buhay ko? Ito sasagutin ko na para malaman mo at itatak dyan sa kukute mo." "A b***h. That's it!" Naitulak ko siya dahil hindi maarok ng utak ko ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko siya maintindihan ngayon. Oo tinatanong ko siya minsan kung gaano niya ako kamahal at kung anong puwang ko sa buhay niya kapag nag-aaway kami. Dahil parang nag-iba na siya at nagbago. Kapag tinatanong ko siya ay hindi naman niya ako sinasagot bagkus tinatalikuran at iniiwasan niya lang ako. "Are you satisfied with my answer?" Dugtong pa niya. Sabay tulak sakin kaya naman bumagsak ako sa kama. "Troy, bakit? Ano bang nagawa kong mali? May ginawa ba akong kasalanan at ganyan ang galit mo sakin ha?" Imbes na sagutin ako ay tinalikuran ako at mabilis na lumabas ng kwarto ni hindi man lang nagbihis. Tahimik akong umiyak sinubsob ko nalang ang mukha ko sa unan para walang makarinig. Iniisip ko kung anong nagawa ko pero wala talaga akong maisip na dahilan upang magalit siya ng ganun at pagsabihan ako ng masasakit na salita.hanggang sa nakaidlip ako sa aking pag-iisip. * * * * (@LIBRARY) Kasalukuyang umiinom si Troy sa library ng tumunog ang kanyang cellphone. "What is it?" Tanong niya sa kausap. "Mr. Chairman, bilang isang sikat at kilala ka sa larangan ng entrepreneur. Bali-balita ngayon na magtatayo ka ulit ng bagong negosyo.tama ba? Anong negosyo na naman ang naiisip itayo ng kaibigan ko?" "Pwede ba Ryan, not now sa ibang araw na tayo mag-usap okay?" "W-wAit." Hindi na niya narinig pa ang sunod na sinabi ni Ryan dahil pinatayan niya na ito ng telepono. Si Ryan ay isa sa mga share holder ng SGC at kaibigan rin niya. Tinungga niya ang natitirang bote ng alak. Mainit ang ulo niya ngayon. Pagkagaling ng opisina ay dumiretso siya sa ospital para bisitahin ang kapatid pero ang sabi ng doktor sa kanya ay wala pa ring progress kaya naman kay Erica nabaling ang init ng kanyang ulo. * * * * ERICA Pagkagising ko ay bumaba agad ako at nakita kong palabas na ng library si Troy. "Ahm, babe, siguro pagod ka lang o baka naman maraming problema sa opisina. Halika imamasahe kita." Akmang hahawakan ko siya sa balikat but suddenly he grabbed my waist and kissed me abruptly. I miss him that's why I kissed him back and taste the liquor in his lips. Uminom ba siya? Pero agad din niya akong tinulak palayo at pinukol ng masamang tingin. "Alam mo bang importante sa tao ang magkaroon ng self-knowledge? Siguro naman alam mo kung ano ka rito. Remember your identity. You're not my wife.You're just my maid." Sa pagkakasabi niyang iyon ay parang mga punyal na isa isang sinasaksak sa puso ko. Ni hindi man lang siya nag-isip bago sabihin. Parang wala siyang pakialam kung masasaktan ba ako. A pang of pain hit me. Naalala ko ang araw ng kasal namin. "Troy, paano mo nasasabi yan? Asawa mo ko! Hindi ka man lang ba naaawa sa'kin ha?" Lakas loob kong tanong sa kanya. "Maawa?" You've made my heart an iron and have you ever heard an iron have feelings?" Sambit niya. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya wala akong kaide-ideya kung ano ang pinag-ugatan ng galit niya. "So bakal na pala ngayon ang puso mo? Kailan pa ha? Troy ano ba kasi ang problema? Bakit ayaw mong sabihin sa'kin." Sunod-sunod kong tanong. Hindi niya sinagot dahil nabaling ang atensyon niya sa pinto ng may kumatok. "Sino yan?" Pabulyaw niyang tanong. "Boss ako po ito." Sagot ni Dino na hindi pa din pumapasok sa pinto siguro ay takot sa kanyang amo at naamoy niyang mainit ang ulo. "Get out!" Asik nito. "Boss sabi ng doktor ay unti-unti na siyang nagkakamalay." Dagdag ni Dino. Nagulat si Troy sa pagkakasabing iyon ni Dino at dali-daling lumabas ng bahay ni hindi man lang ako nilingon at magpaalam. "Troy!" Tawag ko sa kanya ngunit parang wala itong narinig. I heaved out a sigh.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Billionaire's Regret

read
543.0K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

That Professor is my Husband

read
508.1K
bc

Shotgun Wedding (Tagalog)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook