NAPAKUNOT ang noo ni Vivian nang madatnan ang office ni Ciara. Nagkalat ang mga folder sa lamesa at ilang mga papel. Napatingin siya kay Ciara na naghahalungkat ng mga gamit at para bang may hinahanap.Hindi niya tuloy mapigilang tanungin ang dalaga.
"Ano bang hinahanap mo? Nahalungkat mo na yata buong files ng office mo. May nakita ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Vivian. Napatigil naman si Ciara at nilingon ang secretary niya. Kahit na pinagpapawisan ang kaniyang mukha ay hindi pa rin maitatanggi na maganda ito.
"Hinahanap ko 'yong hardcopy ng Wanted Babymaker ko," paliwanag ni Ciara at para bang kanina pa nai-stress.
"Bakit hindi ka na lang mag-print?" suggestion ni Vivian. Malalim na napabuntong hininga si Ciara at napaupo na lamang sa kaniyang swivel chair.
"I can't do that because my laptop encountered an error, and now the file I was working on is gone. The hard copy I have is the only one left," she explained. Hindi rin naman alam ni Vivian kung saan ito hahanapin dahil palagi lang naman ito nasa office ng kaibigan.
"Hindi kaya nasama naman sa pagkuha ng ibang files sa table mo kahapon?" tanong ni Vivian at napaisip. Nagkibit-balikat si Ciara dahil umuwi rin naman siya agad at naiwan lang dito ay ang secretary niya.
"I should be the asking you that. Naisama mo ba?" nakataas na kilay na tanong Ciara. Inalala ni Vivian ang nangyari kahapon bago ibigay ang files sa head department. Napansin ni Ciara ang pagbago ng expression ng kaibigan kaya naningkit ang kaniyang mga mata.
"Huwag mong sabihin na naisama mo nga?" paglilinaw ni Ciara sa kaibigan. Isang pilit na ngiti naman ang binigay sa kaniya ni Vivian at nag-peace sign. "My God! Baka sino na ang makakita no'n."
Tumayo naman si Ciara at mabilis na pumunta sa office ng head department. Sinundan naman siya agad ni Vivian papunta sa ibabang floor at hanapin ang hard copy na tinutukoy ng amo.
"After ma-stress sa bahay ay ma-i-stress din pala ako sa iyo, Viv," reklamo ni Ciara habang naglalakad ng mabilis papunta sa office. Nang may napapadaan na empleyado sa kanila ay agad naman nilang binabati ang dalaga at tumatabi.
"Si Mr. Dela Vega naman kasi grabe magmadali," katuwiran ni Vivian. Mas nauna naman siyang naglakad papunta sa unahan at nang makarating ay pinagbuksan niya ng pinto si Ciara.
"Nasaan na naman si Marco?" tanong ni Ciara kay Vivian na tanging nadatnan lang sa loob ay ang janitor. "Paniguradong kung sino-sino na naman ang nilalandi no'n sa mga team niya."
"Nagtaka ka pa," mungkahi ni Vivian.
"Tulungan mo na lang ako hanapin 'yong folder. Paniguradong nandito lang naman 'yon," utos ni Ciara at nagsimula na ang dalawa sa paghahanap.m
Ilang minuto rin sila sa paghahanap hanggang sa mapansin ni Ciara ang pamilyar na folder na hawak ng janitor at balak na itapon sa basurahan. Mabilis na lumapit ang dalaga roon at inagay ang folder na hawak nito.
"That's mine," pag-angkin ni Ciara at tiningnan sa mata ang janitor na kaharap. May suot itong face mask kaya hindi niya makita ang buong mukha nito.
"Sorry, Ma'am, utos po kasi ni Sir Marco ay itapon ang mga folder sa may mesa," paumanhin ng janitor at yumuko. Pagkatapos ay pinagpatuloy na ang paglilinis sa loob ng silid. Tiningnan naman ni Ciara ang loob nito at nakahinga nang makita na kumpleto pa ito.
"Let's go, Viv," pagyaya ni Ciara sa secretary niya. Nasa labas na sila nang mapahinto si Ciara sa paglalakad nang may naalala siya.
"May nakalimutan ka pa ba?" nagtatakang tanong ni Vivian. Napatigilid ang ulo ni Ciara nang maalala niya ang mga mata ng kausap na janitor kanina. Nilingon niya ang loob ng office at hindi na nagdalawang-isip na balikan ito sa loob.
Hindi na nagsalita si Ciara at nilapitan ang janitor na naglilinis. Tinanggal niya ang suot nitong face mask at napataas ng kilay. Napatigil naman ang janitor sa gulat dahil sa ginawa ng dalaga.
"What are you doing here?" mataray na tanong ni Ciara. Tiningnan ni Ciara ang identification card nito at nabasa niya ang visitor pass doon. Hindi niya makalimutan 'yong huling pag-uusap nila. Nasaktan ang ego niya kaya hindi niya hahayaang gawin pa ulit 'yon ng binata sa kaniya.
Hindi naman agad makasagot si Nathaniel dahil sa gulat.
"What are you doing here in my building?" pag-uulit na tanong ni Ciara, "Hindi para sa iyo ang badge na 'yan. How come na mayroon kang ganiyan?"
"N-Naghahanap po kasi sila ng part-time dahil may sakit po siya at hindi makapasok," kinakabahang paliwanag ni Nathaniel.
"But in my company, I don't accept any part-timers here. Paanong nakapasok ka rito?"
Napatingin naman ang dalaga sa secretary niya nang pasimple siya nitong kalabitin at senyasan. Alam ni Vivian na hindi totoo ang sinasabi ni Ciara kaya nagtataka si Vivian kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ng kaibigan. May hindi ba siya nalalaman tungkol kay Ciara? Lalo na at naiwan na lang siya sa bar mag-isa kagabi.
"Pasensya na po, Ma'am. Kailangan ko lang po ng trabaho ngayon," paliwanag ni Nathaniel.
"How much do you want?" Ciara's asked. Napaangat ng tingin si Nathaniel at alam niyang mauulit na naman 'yong nangyari kagabi kaya inagapan niya na ito.
"Ma'am, hindi po ako bayarang lalaki."
"I said how much do you want?" pag-uulit ni Ciara. Napatigil si Nathaniel at tiningnan sa mga mata ang dalaga. Hindi naman nagpatalo ng tingin si Ciara at tiningnan ito sa mga mata.
Iniisip niya 'yong girlfriend niya na nangangailangan ng pera. Kung hindi niya lang kailangan ay hindi siya papasok sa kung anong trabaho. Wala siyang pamilya at ang tanging mayroon na lang siya ay nasa hospital pa at lumalaban. Kung sakaling tanggapin niya ang alok ni Ciara ay maililigtas kaya nito ang taong mahal niya?
"I'm waiting," pagsingit ng dalaga.
Ngunit kapag ginawa ni Nathaniel ang bagay na 'yon ay alam niyang hindi siya mapapatawad ni Rebecca at 'yon ang kinatatakot niya. Alam niyang malaking tulong ang pagtanggap niya sa offer nito, pero mababalewala ang maayos niyang pangarap na magkaroon ng buong pamilya.
Nagulat si Ciara nang tanggalin ni Nathaniel ang suot na ID at iniabot sa dalaga, pero sa halip na kunin ito ni Ciara ay naglakad na siya paalis ng silid. Alam niyang mauulit na naman ang nangyari kahapon kaya inunahan niya na ang ang binata. Naiwan namang nakatayo roon si Nathaniel habang nakatingin sa papalayong si Ciara.
"Familiar siya," wika ni Vivian habang naglalakad. Hinawakan niya naman sa braso ang kaibigan kaya napatigil ito at hinarap siya. "Tama ba ang iniisip ko? Siya ba 'yong lalaki na inalok mo dati sa restaurant?"
Tumango naman si Ciara at naalala ni Vivian na bago pa umalis si Ciara ay nakita niyang nakikipag-usap ito sa waiter.
"Huwag mong sabihin na siya rin ang kasama mo kahapon?" Umikot ang mga mata ni Ciara at nagsimulang maglakad pabalik ng office. "I-chika mo sa akin 'yan. Hindi pwedeng hindi!"
Ilang oras din ang nakalipas nang matapos si Nathaniel sa paglilinis. Inabot niya naman ang badge at ID sa isang janitress.
"Natapos mo ba ang paglilinis?" tanong nito habang kinukuha kay Nathaniel ang mga gamit. Tumango naman ang binata. "Oo nga pala at baka bumalik na si Leah kaya hindi ka na makababalik dito."
Hindi naman sumagot si Nathaniel dahil alam niyang kinuha lang siya bilang kapalit ng isang tagalinis. May iniabot naman na pera sa kaniya ang janitress.
"Pinaaabot ni Boss Mae," saad ng janitress at binigay ang sobre na may lamang pera kay Nathaniel. Inabot naman ito ng binata at nagtataka siya kung bakit makapal 'yon. Tiningnan niya naman ang loob at laking gulat niya na sobra ang binigay sa kaniya na pasahod.
"Napakalaki naman nito? Isang araw lang naman ang ginawa ko," tanong ni Nathaniel at nagkibit-balikat lang ang janitress. Sa bilang niya ay nasa mahigit five thousand iyon.
"Sige na at tatawagan ka na lang daw kapag may kailangan pa," paalam ng janitress at kinuha ang mga panglinis pagkatapos ay umalis na. Hindi na rin nagsalita pa si Nathaniel at tinago na ang pera sa loob ng bag niya. Umalis na rin siya sa building dahil kailangan niya pang puntahan ang girlfriend niya.
Nang makarating sa hospital ay agad naman siyang dumiretso sa finance office para magbayad ng bills. Hindi alintana ang pagod sa mga mukha ni Nathaniel. Nang makarating sa counter ay kinuha niya ang mga naipong sahod mula sa iba't ibang trabaho na pinasukan niya. Halos naka-twenty thousand na siya kasama ang sobre na naibigay sa kaniya.
"Sir, kailangan niyo na pong ma-settle 'yong payments before end of this month," wika ng financer sa kaniya.
"Puwede po bang makiusap na isang buwan pa? Kulang pa po kasi talaga 'yong pera ko." Tiningnan naman ng financer ang bayarin nito sa screen at wala pa sa one-fourth ang binayad nito.
"Pasensiya na, Sir, pero kahit anong gawin po namin ay hindi po talaga puwede," sagot ng dalaga. Napahilamos naman sa mukha si Nathaniel at hindi na alam kung ano ang gagawin.
"Sige po. Gagawan ko na lang ng paraan," wika ni Nathaniel.
"Pasensya na po talaga."
Hindi na sumagot si Nathaniel at matamlay na naglakad papunta sa ICU. Mula sa labas ay nakikita niya lang ang kasintahan na nandoon habang may nakakabit na kung ano-ano sa katawan nito. Kung puwede lang na siya na lang ang nasa ganoong posisyon ay gagawin niya.
Nataranta siya nang biglang tumunog ang machine sa loob. Kasunod nito ay ang pagpasok ng doctor at mga nurse sa loob. Hindi alam ni Nathaniel ang gagawin habag patuloy na nire-revive si Rebecca. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya kasabay ng panlalamig ng buong katawan niya sa posibleng mangyari.
Ilang sandali pa ay lumabas ang doctor at nilapitan si Nathaniel. Napapunas naman ang binata ng mga luha at hinarap ang doctor.
"Alam kong mahirap para sa iyo, pero kailangan nang operahan si Rebecca sa lalong madaling panahon," wika ng doctor. Napatingin si Nathaniel sa loob habang patuloy na tinitingnan ng mga nurse ang lagay ng kasintahan niya. "Kung sakaling magtagal pa siya rito ay baka hindi na natin siya maagapan pa."
"No, doc," pag-iling ng binata. "Gawin niyo po ang lahat para mabuhay ang girlfriend ko. Maghahanap po kaagad ako ng pera para maoperahan siya agad."
Kung ano man ang trabaho na kikita siya ng malaki ay pikit matang tatanggapin niya ito upang mabuhay lang ang kaniyang kasintahan. Tiningnan niya saglit si Rebecca at agad na nilisan ang building.