NAPALINGON si Ciara nang tawagin siya ng kaniyang kaibigan. Agad namang lumapit si Vivian at umupo sa harapan nito. Tinignan niya ang ilang mga bote ng alak na wala ng laman sa may lamesa. Hindi niya alam kung paano pa made-describe ang mukha ng kaibigan na para bang pinagbagsakan na ng langit at lupa.
"Let me guess it is about your family again, right?" tanong ni Vivian at nagbukas ng beer. Sa paraan pa lang ng pag-inom ni Ciara sa kaniyang alak ay alam ni Vivian na tama ang sinabi nito.
"I really need to find the man who will get me pregnant. I won't let them have everything," wika ni Ciara at binagsak ang walang laman na bote sa lamesa. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bar hanggang sa mapadako ang tingin niya sa isang lalaki sa kabilang table.
"Saan ka na naman pupunta?" nakakunot noong tanong ni Vivian nang tumayo si Ciara at naglakad papunta sa unahan. Napailing na lang siya at hindi na pinakialaman ang kaibigan.
Napalingon ang lalaki sa dalaga nang tumabi ito sa kaniya.
"Hi, you are alone?" wika ni Ciara. Tiningnan naman ng lalaki ang paligid bago binalik ang tingin sa kaniya.
"Do you see anyone else here?" Umikot ang mga mata ni Ciara sa sagot sa kaniya ng binata. Kung hindi lang ito pogi ay baka kung ano na ang magawa niya sa lalaki.
"Are you single?" tanong ni Ciara. Tumango naman ang lalaki. "So, willing ka bang buntisin ako?"
"What?" gulat na tanong ng binata, "Miss, you're drunk. You are pretty and sexy, but I don't want to be a dad already."
Tumaas ang kilay ni Ciara nang tumawa ang kaharap niya. Iniisip ng dalaga na baka nagbibiro lang siya. Tumayo siya at lumapit pabalik sa table para kunin ang bag. Nang makuha ay bumalik siya sa lalaki.
"How much?" tanong ni Ciara habang hindi nakatigin sa lalaki. Binuksan niya ang bag at kumuha ng pera. "I don't have enough cash here, but how much do you want?"
"Wait," pagpigil ng binata, "what do you mean by how much?"
Napatigil si Ciara at hinarap ang lalaki na nagtataka na rin sa kaniya.
"I need someone who will be my babymaker, so I will pay you." Tumayo naman ang lalaki na natatawa at tiningnan si Ciara. Iniisip niya na lang na baka nasobrahan na ng inom ang dalaga kaya niya ito nasasabi, pero hindi niya na balak pang pahabain ang usapan nila.
"Sorry, I'm not interested," sagot ng binata. Kinuha niya ang gamit at natatawang naglakad paalis. Naiwan namang nakatulala si Ciara sa ginawa ng kausap.
Hindi maintindihan ni Ciara kung bakit kung kailan gusto niya na ay wala namang tumatanggap sa offer niya. Alam niyang hindi pa naman ganoon karami ang nainom niya at nakakaisip pa naman siya ng tama. Siguro nga ay baka iniisip ng iba na baliw na siya.
Nawala lang ang iniisip niya nang may lumapit na waiter at kinuha ang mga walang laman na bote sa lamesa. Napakunot ang noo ni Ciara noong makita niya ang mukha ng lalaki. Alam niyang nakita niya na ito, pero hindi niya lang matandaan.
Napalingon naman ang waiter kay Ciara nang hawakan niya ito sa braso.
"May kailangan pa po ba kayo, Ma'am?" magalang na tanong ng waiter. Lumiit ang mga mata ni Ciara at para bang kinikilatis ang kaharap na lalaki.
"You're familiar," sambit ni Ciara.
"Siguro po ay dahil nakikita niyo po ako rito," sagot ng waiter. Hindi pa rin binibitawan ni Ciara ang pagkakahawak niya sa braso ng lalaki.
"Nathanie," tawag ng isang trabahante sa waiter. Napalingon naman ang dalawa roon. Sinenyasan ng isa pang waiter si Nathaniel na pumunta roon.
"Ma'am, pasensya na po. Kailangan ko po munang umalis," wika ni Nathaniel sa dalaga. Biglang nag-sink in kay Ciara ang lalaking nakita niya noong kailan lang sa isang restaurant. Hindi siya nagkakamali na ito 'yong lalaking 'yon.
"That's you!" nakangiting sambit ng dalaga at binitawan si Nathaniel. Napakunot naman ang binata sa kaniya at nagtataka. "So, nakahanap ka na pala ng bago mong work."
"Pasensya na po talaga dahil hindi ko po kayo maintindihan, Ma'am," paumanhin ni Nathaniel. Tiningnan niya naman ang trabahante na kanina pa nagsi-signal sa kaniya mula sa malayo at binalik ang tingin kay Ciara. "Gagawin ko lang po 'yon, Ma'am. Maiwan ko po muna kayo."
Nakakadalawang hakbang pa lang si Nathaniel nang magsalita si Crisha kaya napatigil siya at humarap dito.
"How much is your daily rate? I'll pay you. No, tell me how much your salary is, and I'll give it to you."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Nathaniel na naguguluhan. Sa isip niya ay malaking bagay na 'yon para makatulong sa gastusin niya. Ngunit hindi niya rin mapagkaakila na baka dahil sa lasing ay nasasabi lang ito ng dalaga.
"Just come with me. I'll wait for you outside," tanging sagot ni Ciara. Kinuha niya ang twenty thousand cash at binigay kay Nathaniel. Hindi na siya agad makapagsalita nang talikuran siya ni Ciara at naglakad palabas ng bar.
Wala na siyang nagawa kung hindi itabi muna ang pera sa bulsa. Agad na lumapit si Nathaniel sa katrabahante at nakiusap na siya muna ang mag-asikaso sa ibang customer. Pumayag naman ang kausap kaya naman inilagay na ni Nathaniel ang tray sa lamesa at inalis ang apron para sundan si Ciara sa labas.
Naabutan niya ang dalaga na may kausap sa cellphone. Tumigil lang si Ciara nang makita niyang palapit na si Nathaniel sa kaniya. Pinatay ni Ciara ang tawag at binalik ang cellphone sa bag.
"Tara na?" pagyaya ni Ciara. Lumapit siya sa kotse at binuksan ang pinto sa driver seat. Napatigil lang siya nang hindi sumunod sa kaniya ang binata. "Ano pang ginagawa mo?"
"Nandito po ako para ibalik 'yong pera," wika ni Nathaniel. Sinarado niya ang pinto ng kotse at lumapit sa binata. Inilabas ni Nathaniel ang pera at iniabot kay Ciara, pero tiningnan lamang 'yon ng dalaga at hindi tinanggap.
Tiningnan niya ang mukha ng binata at napailing na lang. Alam niyang isa lang din ito sa mga taong pagtatawanan siya.
"Keep it," utos ni Ciara. Wala siyang balik kunin ang pera sa binata kaya iniwan niya ang binata na nakatayo roon at sumakay na sa kotse.
Ilang sandali lang din ay sumunod sa kaniya si Nathaniel at sumakay sa passenger seat. Nagulat mana ang dalaga, pero hindi niya ito pinahalata at pasimpleng ngumiti. Alam niyang pera ang magiging daan niya para mapa-oo ang mga tao sa gusto niya. Hindi nga siya nagkamali.
"Ito lang po, Ma'am. Ayoko lang po na masayang 'yong pera na binigay niyo," paliwanag ni Nathaniel.
"I also have no intention of taking that from you, even if you don't come with me." Ini-start naman ni Ciara ang sasakyan.
"Sigurado po ba kayong magda-drive? Hindi po ba at lasing kayo?" paninigurado ng binata. Nginisian naman siya ng dalaga at pinagpatuloy ang pag-start ng sasakyan.
"Oh, come on! I can manage this well," mayabang na sagot ni Ciara at pinaandar na ang sasakyan. Ilang minuto lang din ang naging biyahe nila hanggang sa marating nila ang condo ng dalaga.
Hindi alam ni Nathaniel kung susunod pa ba siya rito. Iniisip niya na baka may mangyaring masama sa kaniya lalo na at hindi niya naman lubos na kilala ang dalaga. Ngunit dahil kailangan niya ng pera ay pikit mata siyang sumunod sa dalaga hanggang sa marating nila ang unit ni Ciara.
Sa isip ni Nathaniel ay baka may ipagawa sa kaniyang iba o i-hire siyang bilang katulong ng dalaga. Nang masarado ang pinto ay laking gulat ni Nathaniel nang bigla na lamang siyang dampian ng halik ni Ciara sa labas. Dahil sa gulat ay naitulak niya ng mahina si Ciara palayo.
Kumunot naman ang noo ni Ciara dahil hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Nathaniel. Ilang beses ng may mga lalaking pumupunta sa condo niya at ngayon pa lang siya naka-encounter na siya ang nag-first move tapos tinanggihan pa.
"Ma'am, ano pong ginagawa niyo?" gulat na tanong ng binata. Napabuntong hininga ang dalaga at umatras pa para makita ang reaksyon ni Nathaniel.
"I kissed you. Didn't I pay you to be my babymaker?" nagtatakang tanong ni Ciara. "You should be thankful dahil hindi lahat ay may privilege na halikan ako."
"P-Pero hindi po ito ang inaakala ko," nauutal na sambit ni Nathaniel. Walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi pagkalito. Nagulat naman siya nang tumawa sa harap niya si Ciara.
""What do you want to happen? To be my maid? Driver? Assistant?" tanong ni Ciara. Nang hindi sumagot sa kaniya si Nathaniel ay napatigil siya katatawa at sumeryoso. "I don't have space for that kind of position. From our first meeting, I told you to be my babymaker. Nothing more, nothing less. Get me pregnant in exchange for money."
Natigilan si Nathaniel sa kung ano ang pag-iisip ang meron si Ciara. Desperado na ba siyang makahanap ng lalaking mag-aanak sa kaniya? Lumaki man si Nathaniel sa bahay-ampunan ay alam niya kung gaano kahalaga ang pamilya at hindi niya hahayaan na mangyari ang kinatatakot niya sa magiging anak niya.
Nilabas muli ni Nathaniel ang pera. Ilang segundo siyang napatigin doon bago kunin ang kamay ng dalaga at iabot ang binigay nito sa kaniya kanina.
"Pasensya na, Ma'am, pero hindi ako 'yong lalaking iniisip mo. Kung gusto niyo pong magkaanak ay siguro kailangan niyo po munang umpisahan kung paano niyo mahalin ang sarili mo."
Pagkatapos sabihin 'yon ni Nathaniel ay lumabas na siya ng silid. Hindi naman agad makapagsalita si Ciara at nanatili lang siyang nakatayo roon habang hawak ang pera. Hindi niya mapigilang mapangisi at matalim na tiningnan ang pintong nilabasan ng binata.
She wouldn’t let anyone else dictate what she wanted. She would find that man, and when she did, Ciara would show him just how wrong he was about her. She knew that in the end, money would be the answer to everything.