NAPATINGIN si Ciara kay Vivian na kararating lang. Napaturo naman agad ang kaibigan sa mga lalaking nakapila sa labas.
"Para saan 'yong pila sa labas?" tanong ni Vivian pagkapasok ng silid. Tumayo naman si Ciara at binigay ang folder sa secretary. "Ano 'to? Mga profile ng mga tao sa labas? Ang dami naman."
"Late ka na naman sa trabaho mo. Sabihin mo nga sino ba talaga ang amo sa atin?" pag-iiba ng topic ni Ciara. Lumapit siya sa couch at umupo. "Sa susunod nga ay babawasan ko na ang sahod mo."
Lumapit naman agad si Vivian sa kaibigan nang marinig 'yon. Kinuha niya ang kamay nito at nagpa-cute sa harapan. Umikot naman ang mga mata ni Ciara dahil alam niyang kukulitin lang siya ng secretary nito.
"Iyong kapatid ko kasi nagpahatid dahil nasira ang kotse niya," pagdadahilan ni Vivian. Nag-puppy eyes ito sa harap niya. "Ililibre na lang kita lunch mo later?"
"Sa favorite ko," walang reaksyong sagot ni Ciara. Napangiti naman si Vivian dahil alam niya ang kahinaan nito, pero tiningnan lamang siya ng diretso ng kaibigan at para bang nagbabanta. "Isang late pa ay wala ka na talagang sasahurin."
"Last na 'yon. Promise," pangako ni Vivian. Alam ni Ciara ang takbo ng buhay ng kaibigan at naiintindihan niya kung bakit madalas itong ma-late sa trabaho. Tinatakot niya lamang ito, pero wala naman siyang balak gawin ang sinasabi.
"Oo nga pala, may family dinner kami later. Sumama ka sa akin at huwag ka muna umuwi sa inyo," utos ni Ciara at tanging pagtango lamang ang ginawa ni Vivian. Hindi pa rin mawala sa isip niya 'yong mga lalaking nasa labas na naghihintay na para bang may interview process na magaganap. Hindi niya na napigilan pang magtanong sa kaibigan.
"Anong meron sa mga lalaki na nasa labas? Huwag mong sabihing lantaran na 'yang paghahanap mo ng lalaki?" nagtatakang tanong ni Vivian. Matagal niya nang kaibigan si Ciara kaya alam nito ang tinatakbo ng utak niya.
"Kailangan ko nang mahanap 'yong babymaker ko before the end of this month," reklamo ni Ciara. Kinuha niya ang folder sa kamay ni Vivian. "Sa lahat nang pumunta ngayon dito ay wala man lang pumasok kahit sa one-fourth ng gusto ko."
"Ano ba kasi talagang hinahanap mo? Mapapangasawa o anak?" pang-aasar sa kaniya ni Vivian. Akma naman siyang babatukan ni Ciara kaya agad itong tumayo. "Alam mo kung anak lang din pala ang gusto mo. Bakit hindi na lang IVF ang gawin mo?"
Napaisip naman ang dalaga sa sinabi, pero agad din siyang umiling. "Sa tingin mo sa ganoon ay makukuha ko kaagad ang loob ni Dad? Lalo na at ngayon na may plano na silang magpakasal ng kabit niya."
"Step-mom mo," correction ni Vivian. Umikot naman ang mga mata ni Ciara sa sagot nito. Kahit papaano ay naaawa rin siay sa pinagdadaanan ni Ciara. Alam niya kasi kung ano ang mga ginawa nito para lang pagkatiwalaan siya ng ama at tumaas ang tingin sa kaniya.
"I don't have a choice. It's either them or me," turan ng dalaga.
Tumayo naman siya at nagsimula nang interviewhin ang mga lalaki. Samantalang nakatingin lang sa isang gilid si Vivian at hindi na pinakialaman ang desisyon ng kaibigan. Alam niyang sa paraang ito lang niya masusuportahan si Ciara.
"We will give you a call once you've passed," sambit ni Ciara sa huling applicant na in-interview niya. Nang makalabas ito ay napasandal na lamang ang dalaga sa swivel chair at napapailing. Sa ilang oras niyang kausap ang iba't ibang lalaki ay lahat ito ay nakikita niyang may gusto sa kaniya.
Anak lang ang plano niya sa kanila, pero kapag nagkagusto na ito sa dalaga ay alam ni Ciara na mahirap na 'yong lusutan. Wala siyang planong matali at hindi niya rin gusto ang magkapamilya. Mas mainam pa kung pera ang gusto ng mga ito, pero hindi. Mas lalong bumibigat ang problema niya at nakakadagdag pa ang ilang araw na meron na lang siya.
Napaangat siya ng tingin nang abutan siya ni Vivian ng iced coffee. Kinuha niya naman ito at uminom.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Vivian. Ilang segundong napatulala si Ciara at tumango lang bilang sagot.
"What if makipag-one night stand ako? Sabihin ko kay Daddy na lasing ako at wala akong alam tapos nabuo na lang 'yong bata?" suggestion ni Ciara, pero agad niya rin 'yong inilingan. "Paniguradong hindi maniniwala ang tatay ko. Alam niya naman kung bakit ko 'to ginagawa. Ayaw ko lang talaga dumating sa point na mawawala sa akin lahat."
Inilapag ni Ciara ang hawak na inumin sa lamesa at napahilamos. Hindi na nagsalita pa si Vivian at lumapit sa kaibigan. Hinaplos niya ang likod nito para pagaanin ang loob. Alam niyang hirap na sa ganitong sitwasyon si Ciara at siya lamang ang masasandalan niya.
Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan kaya napasabay ng tingin ang dalawa roon. Bumungad sa kanila ang binata na may hawak na papel. Napakunot noo naman si Ciara dahil alam niyang natapos niya na interviewhin lahat. Wala na rin siyang lakas dahil simula pa umaga siya nagsimula.
"Mag-a-apply rin po sana ako," wika ng binata. Umayos naman sa pagkakaupo si Ciara nang mapagtanto kung sino ang lalaking ito at hindi agad nakapagsalita. Tiningnan ni Vivian ang amo kung tatanggap pa ba ito, pero pagtango lamang ang sinagot ni Ciara sa kaniya.
Lumapit si Vivian sa lalaki at kinuha ang papel nito. Ibinigay niya naman ito agad kay Ciara na tahimik lang na nakamasid.
"You may sit here," pagturo ni Vivian sa upuan na nasa harapan ni Ciara. Dahan-dahan namang napalakad ang binata roon at umupo.
Pabalik-balik ang tingin ni Ciara sa papel na hawak at sa lalaking nasa harap niya. Hindi niya mapagtanto kung bakit nandirito ito ngayon. Sa ilang araw na nakasalamuha niya ito ay alam niyang hindi gusto ng binata ang inaalok niya. Lubos na nagtataka si Ciara kung bakit naisipan nitong pumunta ngayon.
"Nathaniel Villanueva, twenty-two years old, a high-school graduate, a part-timer, and no parents," sambit ni Ciara nang mabasa ang resume na binigay nito. Tiningan niya naman ang itsura ng lalaki at hindi naman maitatanggi ni Ciara na may itsura ito kaysa sa mga lalaking nag-apply kanina.
"Why did you decide to apply? I thought you didn't have any plans?" taas kilay na tanong ni Ciara. Hindi naman kaagad makasagot si Nathaniel dahil parang kinain lang din nito ang sinabi niya noong nakaraan. "Anong dahilan kung bakit nagbago ang isip mo?"
"Kailangan ko lang talaga ng trabaho," saad ni Nathaniel.
"You want a job, but you don't like this job," paglilinaw ni Ciara. Inilapag niya ang papel sa lamesa. Hindi nakasagot si Nathaniel. "Anong nangyari? Nagbago isip mo o hindi ka rin nakatiis?"
"Kailangan ko ng trabaho," tanging sagot lang ng binata. Hindi na nag-isip pa si Ciara at iniabot ang papel kay Nathaniel.
"Thank you for applying. Unfortunately, you didn't pass this time. I wish you the best in your job search," ani ni Ciara at tumayo.
Akala ni Vivian ay iyon na ang araw na makakakuha si Ciara ng babymaker niya. Noong nakaran niya pa binabanggit ang tungkol sa lalaki nito. Sa way pa lang na pagkakasabi ni Ciara ay alam ni Vivian na mukhang nagbago na ang isip ni Ciara sa lalaki. Hindi na nagtangka pa si Vivian na tanungin muna ang kaibigan.
"Let's go," pagyaya ni Ciara kay Vivian para lumabas. Nanatiling nakaupo si Nathaniel at hindi mapakali. Pikit mata niyang hinarap muli si Ciara bago ito lumabas ng silid.
"Please," pagmamakaawa ni Nathaniel. Hinarap siya ni Ciara na walang reaksyon. "Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon."
"I've already given you several chances to accept the job I offered. Now that I'm no longer interested in you, do you still think I need you?"
"Bakit hindi mo tanggapin? Gusto mo rin naman siya noong una, hindi ba?" bulong ni Vivian sa kaibigan. Hindi naman siya sinagot ni Ciara.
"I don't need him anymore," diretsong wika ni Ciara at naglakad palabas na hindi na nilingon ang mga taong naiwan sa loob.