Chapter 6

1083 Words
NAPATINGIN si Nathaniel sa cellphone niya nang tumunog ito. Nang makita ang number na galing sa hospital ay agad niya itong sinagot. Halo-halo ang kaba sa dibdib niya na baka may masamang nangyari kay Rebecca. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang text message at binasa ang laman nito. Halos manlumo siya sa kaniyang kinatatayuan nang mabasa ang kalagayan ng kasintahan doon. Kailangan niya na talagang makahanap ng malaking pera para maoperahan na si Rebecca dahil mas lalong lumalala ang sakit nito. Ngunit paano siya maghahanap? Ang tanging paraan na mayroon na lamang siya ay nawala pa. Napatingin si Nathaniel sa pintuan kung saan lumabas ang dalaga. Pagkatapos niyang pikit-matang nag-apply ay hindi niya inaasahan na hindi siya matanggap. Naalala niya 'yong mga panahon na pinilit pa siya ni Ciara para maging babymaker niya. Dapat pala talaga ay tinanggap niya na 'yon noong unang inalok siya ni Ciara. Ngayon na kailangan na kailangan niya ng pera ay si Ciara lamang ang sagot sa magiging problema niya. Alam niya man na magagalit sa kaniya si Rebecca ay ginawa niya lamang 'yon para mailigtas ang dalaga. Pinilit ni Nathaniel na maging matatag. Hinayaan niya ang papel sa lamesa at hinabol sa labas si Ciara. Naabutan niyang papasok na sina Ciara sa loob ng elevator kaya naman nagmadali itong harangin ang pinto bago magsara at makapasok. Nang tuluyang makapasok sila sa loob ay nagkaroon ng kaunting katahimikan. "I'm sorry," pagsisimula ni Nathaniel. Hindi naman agad nakasagot si Ciara at nanatiling tahimik. "Puwede bang bigyan mo ulit ako ng pagkakataon? Papatunayan ko na deserving ako sa trabaho. Gagawin ko ang lahat." Hinarap niya si Ciara na nasa gilid niya. Hindi nagsalita ang dalaga at nakatingin lamang sa pinto ng elevator. Nang bumukas ito ay lumabas na ang dalaga kasunod ng kaniyang secretary. Hindi naman sumuko ang binata at hinabol si Ciara. "Ano bang gusto mong gawin ko para tanggapin mo?" tanong ni Nathaniel. Napangisi si Ciara dahil parang unti-unti niya na ring nakikita kay Nathaniel ang katangian na katulad ng ibang nag-aaply sa kaniya. Napatigil siya at hinarap si Nathaniel. "I don't want anyone to please me. Kung tapos na ako sa iyo, tapos na ako!" may diing sabi ni Ciara. "Kailangan ko lang pera para sa operasyon," paglalahad ng binata. Napakunot noo si Ciara. "Kailangan niya nang maoperahan. Siya na lang ang mayroon ako. Ayokong mawala pa siya." Saglit na napaisip si Ciara at naalala niya 'yong mga panahong nasa hospital ang kaniyang ina. Tiningnan niya ang binata at kita sa mga mata nito ang lungkot. Ganitong-ganito ang naramdaman niya noong nagkasakit ang kaniyang ina. Iniwas ni Ciara ang tingin dahil nakararamdama siya ng awa. Alam niyang kapag nangyari 'yon ay mabilis siyang mapapaniwala ng ibang tao. Iyon ang kinatatakot niya. "Ciara, anong balak mo?" bulong ni Vivian sa tabi niya. "Kawawa naman 'yong tao. Hindi ba kailangan mo na ng babymaker before the end of this month? Nasa list mo naman na siya before, what if pagbigyan mo na?" "Ikaw na lang kaya ang anakan niyan?" sagot ni Ciara at namimilosopo. "Sabi ko nga hindi na akong magsasalita," tugon ni Vivian at hindi na nagsalita. Nagulat naman ang dalawa nang lumuhod si Nathaniel sa harapan nila. "Please?" pakiusap ng binata. Napakagat labi si Ciara at para bang pinapabilis ang desisyon niya. Hindi niya mapigilang tingnan ang lalaki at kung ano ang nakita niya rito sa simula ay ganoon pa rin ang nakikita niya roon hanggang ngayon. "Fine!" mabilis na sagot ni Ciara, "tumayo ka na diya. Pinagtitinginan ka na at baka sabihin ay may ginagawa kaming masam sa iyo." Tumayo naman si Nathaniel. "Thank you po." "Don't thank me first. Bibigyan kita ng one week para patunayan ang sarili mo," saad ni Ciara, "kung walang pinagbago, I will not hire you." Tumango naman ang binata. "Yes, Ma'am. Gagawin ko po ang gusto mo." "Report to me tomorrow morning," utos ni Ciara. Pagkatapos sabihin 'yon ay inaya niya na ang secretary na lumabas. Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin mawala kay Ciara ang binata. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi nito na dahilan o gawa niya lang 'yon para mapapayag si Ciara na tanggapin siya sa trabaho na 'yon. "Vivian," pagtawag ni Ciara sa secretary na nagmamaneho. Lumingon naman sa kaniya ang kaibigan saglit at binalik ang tingin sa daan. "Alamin mo ang tungkol sa lalaking 'yon at kung totoo ba 'yong sinasabi niya sa atin kanina." "Secretary mo lang ako, pero mukhang magiging detective na yata ako. Dagdag sahod ba 'to?" pagbibiro ni Vivian. "Eh, kung ibawas ko lahat ng mga lates mo?" pananakot ni Ciara. "Oo na. Gagawin ko na lang," walang magawang sagot ni Vivian. Natahimik naman si Ciara at nanatiling nakatingin na lang sa labas. Nakarating ang dalawa sa lugar kung saan gaganapin ang family dinner. Pagkarating ay tanging sila pa lang ang nandoon. Wala naman magawa si Ciara kung hindi hinatayin ang ama at ang kinakasama nito. Alam niyang kapag umalis siya roon at hindi tumuloy ay paniguradong magagalit na naman ang kaniyang ama. "Ciara," tawag ng kaibigan sa kaniya. Napalingon naman ang dalaga at nagtataka. Para bang hindi ito mapakali at pabalik-balik ang tingin sa kaniyang cellphone. "Puwede bang mauna na muna akong umuwi? May emergency kasi sa bahay, eh." "Pero wala pa sila Daddy," pagdadahilan ni Ciara. Tumingin muli siya sa entrance at binalik ang tingin sa kaibigan. Nakita niya ang reaksyon ni Vivian na para bang kinakailangan na nitong umalis. "Babalik naman ako agad kapag naayos na ang problema," paninigurado ni Ciara. Hindi naman na nakahindi si Ciara dahil minsan lang naman makiusap sa kaniya ang kaibigan. Pagkatapos pumayag ay agad na umalis si Vivian. Naiwan naman siyang mag-isa roon habang naghihintay. Dumaan na ang oras ng family dinner nila. Akala ni Ciara ay baka na-stuck lang ito sa traffic, pero lumipas na ang oras ay wala pa rin ang kaniyang ama. Hindi niya na mapigilang magtaka kung nasaan na ito. Wala rin naman siyang na-receive ne text message kung matutuloy pa ba o hindi. Naghintay pa siya ng ilang minuto at hanggang sa mapagod na lang siya. Napangisi na lang siya dahil mukhang kinalimutan na ito ng pamilya. Hindi man lang siya inalala na baka nandirito na siya at naghihintay ng matagal. Kinuha niya ang bag at balak nang umalis sa lugar. Patayo na siya nang may huminto sa harapan niya na ikinatigil niya. "Ciara," pagtawag ng binata. Inangat ni Ciara ang tingin at hindi niya inaasahan kung sinong tao ang maabutan niya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD