NAPATINGIN ang dalaga nang may tumigil sa kaniyang harapan na lalaki. Nakasuot ito ng pang-business attire at may hawak na isang bouquet na pulang rosas. Sumilay ang ngiti sa labi ng binata nang makilala niya ang babaeng kaharap.
"Good evening, Miss Ciara Montero. I'm here to apply. By the way, I'm Calix." Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Ngunit hindi siya nagpahalata sa lalaki na nagulat. Tumayo ito at inilahad din ang kaniyang kanang kamay sa binata at nagpakilala.
"Well, you already know my name. I will not introduce again, but it's nice meeting you, Calix." Napakagat labi ang dalaga nang banggitin niya ang pangalan ng kaniyang dating kasintahan.
Sa halos dalawang buwan na hindi niya nakita at walang balita sa kaniyang ex-boyfriend ay ngayon na lang ulit may nagpaalala sa kaniya rito. Hindi niya inaasahan na kapangalan pa ito ng taong kaharap niya ngayon.
Agad namang inabot ni Calix ang kamay ng dalaga at nakipag-shakehands. Until now, he's still mesmerizing her beauty.
"Ang ganda mo pala sa personal, Miss Ciara," pagpuri nito sa dalaga. Pilit naman na napangiti si Ciara sa sinabi ni Calix. Nasanay na siya sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya. Hindi naman kasi talaga maipagkakaakila na mapapalingon ang mga taong nadadaanan niya.
She's attractive as hell. She has black waist-length straight hair. She has deep-set hazel eyes and a thin eyebrow. She has thin lips and rosy cheeks. Her body is slim, which is just suitable for her height. Her complexion was good as she has. In short, her beauty was so obsessed.
"Drop the miss, Calix. Masyado ka namang formal."
Nang mapansin ni Ciara na walang balak ang lalaki na bitawan ang kamay niya ay siya na ang kusang bumitaw. Nahihiyang tumawa ang binata, pero nagawa niya pang iabot ang bulaklak na dala sa dalaga.
"Nag-abala ka pa," wika ni Ciara. Kinuha niya ang bulaklak at nilagay sa gilid ng table. Pagkatapos ay tinuro niya ang upuan sa kaniyang harapan. "You may take your seat, Calix."
Sumunod naman sa kaniya ang binata kaya naman umupo na rin si Ciara sa kaniyang upuan. Ilang segundo rin ang lumipas nang tawagin ni Ciara ang waiter. Binigay naman ng waiter ang menu sa kanilang dalawa.
"You can order what you want. I will pay," sambit ng dalaga nang makita niyang nagdadalawang isip pa ang lalaki na sabihin ang kaniyang order.
"Are you sure? I can pay."
"No, it's okay. You are still my applicant," paliwanag ng dalaga. Hindi naman kaagad nakasagot ang binata dahil alam niyang tama naman ito. Pagkatapos sabihin ni Calix ang order ay agad na ring umalis ang waiter.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ng binata sa kaniya nang mapansin na hindi man lang nag-order si Ciara ng para sa kaniya. Inilapit naman ng dalaga ang kaniyang sarili at ngumiti sa lalaki.
"Well, I'm here for business, Mr. Calix."
"P-Pero---" Hindi natapos ni Calix ang kaniyang sinasabi nang putulin ito ni Ciara.
"You can still enjoy your food after I interview you. Don't worry about me."
"O-Okay."
Bumuntong hininga muna si Ciara bago niya isandal ang kaniyang likod sa may upuan. Tinitigan niya ang lalaki saglit bago magsalita.
"Siguro naman ay may idea ka kung bakit ka nandito ngayon," pagsisimula ni Ciara. Kinuha ng dalaga ang folder sa loob ng kaniyang bag at inabot ito sa binata. "That's the rules and regulations that you need to follow."
"Lahat talaga 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Calix nang makita ang laman ng folder at pagtango lamang ang sinagot ni Ciara sa kaniya. "Paano ko naman makakabisado itong lahat?"
"If that's your problem then feel free to leave," walang emosyong sagot ni Ciara. "wala akong oras para mag-one on one session tayo sa pagtuturo ng mga 'yan."
"No, I can memorize these all," diretsong sagot ni Calix sa takot na mapaalis kaagad. Pagkatapos ma-scan ng binata ang nakalagay sa folder ay sinarado niya ito at nilagay sa gilid ng lamesa. Hinarap niya muli si Ciara at hindi mapigilang magtanong.
"Can I ask you a question?" tanong ni Calix. Hindi naman sumagot si Ciara at tumingin lang sa kaniya kaya naman pinagpatuloy na ni Calix ang kaniyang sasabihin. "Bakit ka pa naghahanap ng mapapangasawa mo? Marami namang nagkakagusto sa iyo. Bakit hindi ka na lang pumili ng isa sa kanila?"
Napaisip si Ciara sa sinabi ni Calix. Alam niyang kung ginawa niya 'yon ay matagal nang natapos ang problema niya, pero hindi siya ganoong babae. Kahit na alam niyang kailangan niya ng lalaking magliligtas sa kaniya ay mataas pa rin ang standard niya sa pagpili.
Napatingin si Ciara nang dumating ang mga in-order ng binata at hindi niya na rin kailangan pang sagutin ang mga tanong nito. Nagpapasalamat siyang iniligtas siya ng mga pagkain.
May lumapit din agad na waiter para ibigay sa kaniya ang wine na palagi nitong iniinom sa restaurant. Alam nila na kahit hindi mag-order ang dalaga ay dapat maibigay sa kaniya ang gusto nito. Tama lang na pagsilbihan at alamin nila ang gusto ni Ciara dahil siya lang naman ang may-ari ng restaurant na ito na pinamana ng kaniyang yumaong na ina.
Sa halip na i-enjoy ni Ciara ang kaniyang wine ay nawalan agad siya ng gana nang makilala ang lalaki na pumasok sa restaurant. Hindi niya alam kung sinasadya ba talaga ng tadhana na asarin siya dahil nakita niya ang lalaking kinamumuhian niya bukod sa kaniyang ama.
"What the f**k is he doing here?" bulong ni Ciara sa kaniyang sarili. Narinig naman ni Calix ang sinabi ni Ciara kaya akala nito ay siya ang tinatanong ng dalaga. Nang mapansin na sa iba nakatingin ang dalaga ay napalingon din siya roon.
"Miss Ciara?" pagtawag ni Calix sa kaniya. Nanatiling nakatingin si Ciara sa kabilang lamesa at tinatanong ang sarili kung bakit sa dinami-raming restaurant sa Pilipinas ay dito pa talaga sila nagkita?
She shouldn't have stayed longer. Hindi siya puwedeng makita ni Calix. Enough na sa kaniya 'yong isang beses na nagkaharap sila at napahiya lamang siya. Hindi na mauulit muli 'yon.
"Miss Ciara?" pagtawag muli ni Calix at doon lang napalingon ang dalaga sa kaniya. Tumingin si Calix sa kaniyang likuran kung saan nakatingin ang dalaga at bago muling hinarap ang kausap. "Are you okay? May problema ba?"
"Don't mind me," sagot ni Ciara. Kinuha niya ang wine glass at diretsong ininom ang laman nito. "Just continue your food, Mr. Calix."
Walang nagawa si Calix kung hindi ang sumunod sa dalaga. Ilang beses itong napapalingon sa dalaga at alam niyang may problema ito dahil napapansin niya na kanina pa tumitingin ito sa kaniyang likuran na para bang nakakita ng multo. Nang makalahati si Calix sa kaniyang kinakain ay napatigil ito at hinarap ang dalaga. Naisip niyang kausapin si Ciara para mawala ang atensyon nito sa kanina pang tinitignan.
"Bakit pala hindi mo kasama ang secretary mo? Hindi ba palagi mo siyang kasama sa mga ganito?" tanong ni Calix. Humarap naman sa kaniya si Ciara at bago sagutin ang tanong ng binata ay muli siyang nagsalin ng wine sa kaniyang baso.
"She has other business to do in my office right now. Hindi naman sa lahat ng oras ay nasa tabi ko siya," Ciara said. Napatango naman ang binata at nag-isip pa ng ibang tanong.
"Balita ko bestfriend mo ang secretary mo?" muling tanong ng binata.
"You're right."
"Paano ka niya nakilala at paano mo siya naging secretary?" Napakunot ang noo ni Ciara sa mga tanong ni Calix.
"Are you interested with my secretary?" balik na tanong nito sa binata. Kahit na wala ang atensyon niya sa binata ay alam niyang isang tao lang ang palagi nitong tinatanong. "Isa pa, I should be the one asking you since you are applying."
"I'm just curious."
"Don't be. Hindi naman siya ang taong kailangan mo," sagot ng dalaga, "why don't you tell me about yourself? Ano ba ang gusto mo at mga kaya mong gawin?"
Napangiti ang lalaki sa naging tanong ni Ciara. Bigla itong na-excite na i-kuwento ang buhay niya.
"Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Ang nanay ko ay pumunta sa ibang bansa para maghanap ng trabaho. Samantalang ang tatay ko naman ay may sakit. Bata pa lang ako ay mulat na ako sa hirap ng buhay kaya naman pinangako ko sarili na gagawin ko ang lahat para matulungan si Mama at mapagtapos ko ang mga kapatid ko sa pag-aaral," pagkuwento ni Calix.
Habang nakikinig ang dalaga ay hindi niya pa rin mapigilang mapasulyap sa puwesto ng kaniyang dating kasintahan. Mula sa kaniyang kinauupuan ay naririnig niya ang tawanan ng dalawa roon at hindi niya alam kung bakit kumukulo ang dugo niya.
Hindi mapigilan ni Ciara na ikuyom ang kaniyang parehong kamay nang makita ang ginagawang lambingan ng dalawa. Hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit siya nagpahulog at nagpaloko sa lalaking 'yon. Nagsisi siyang nagmakaawa pa sa pagmamahal at pagbabalikan nilang dalawa noon. Ngayon ay puro pandidiri at galit na lamang ang nakikita niya sa kaniya.
"Miss Ciara Montero," pagtawag ng lalaking kaharap niya ngayon.
Saglit na napatingin sa kaniya ang dalaga, pero agad ding binalik ang tingin sa dati nitong kasintahan. Tumaas ang kanang kilay niya nang makita kung paano na lamang tumayo at lumapit ang kaniyang dating kasintahan para makatabi sa upuan ang kasama nitong babae. Hindi rin nakawala sa mga mata ni Ciara ang pagpulupot ng kamay ng lalaki sa bewang ng katabi niya.
Alam niya sa sarili na kapag doon niya ibabaling ang atensyon ay walang mangyayari sa kaniyang maganda. Lalo niya lang binibigyan ang sarili ng problema. Iniwas niya na ang tingin dito at binalik ang tingin sa kasamang lalaki.
"Continue," she said while looking at him.
"As I was saying, I can cook, clean, and do the dishes. If you hire me, I can be your best husband."
Isang ngisi ang sinagot ng dalaga nang marinig ang sinabi ng lalaki. Hindi na siya nagdalawang isip na kunin ang bag sa may upuan at folder sa lamesa at 'saka tumayo. Nagtataka naman ang lalaki sa inasta ni Ciara.
"What's the problem?" he asked. Natigilan ang dalaga at hinarap siya.
"The problem is I don't need a husband."